DENNISE
"Here is your recommendation letter. I trust and believe you Dennise." Sabi ni Dean sa akin at iniabot yung recommendation letter na ni-request ko. "Make us proud." Pahabol pa nito.
Mabilis kasing lumipas yung first semester kaya eto na ako ngayon, nagrequest ng recommendation letter kay Dean para sa paga-applyan ko na kumpanya para sa training ko. Nakapag-resign na din ako part time job ko at kahit papano, binigyan naman ako ng bonus. At, official candidate na ako for suma cum laude kahit na ano pa ang maging grade ko sa internship.
"Thank you Dean Mercado. I'll do my very best." Nakangiting sabi ko dito. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nakipagkamay ako kay Dean bago ko tinungo ang pintuan papalabas ng kanyang opisina.
"How was it besh?" Bungad sa akin ni Ella pagkalabas ko ng Dean's office.
"Nakuha ko na po." Nakangiting sagot ko dito at ipinakita yung letter na inabot ni Dean.
"Yes! Tara na hinihintay na tayo ni Manong Bert." Sabi nito at hinila agad ako papunta sa parking area ng school.
Well, may kaya din kasi si Ella pero hindi halata sa kilos niya. Ayaw daw niya kasi ng pasosyal at maarte. Pareparehas lang daw kasi na mabaho ang amoy ng dumi natin. Ang galing ng katwiran niya di ba.
Ngayon kami magpapasa ng application for internship or on the job training sa KGC (Kronos Group of Companies). Ako lang pala kasi mas nauna siyang mag-apply at dahil na din sa pagpilit niya sa kanyang mga magulang. Ayaw din kasi siyang payagan noong una pero knowing Ella, sasakit lang ang ulo mo sa mga pangungulit niya. Hindi ko nga alam kung bakit gusto niyang makapasok ng KGC e sa pagkakaalam ko may negosyo din naman sila.
Nagvolunteer din siya na samahan ako ngayon. Sinabihan ko siya na kaya ko na pero mapilit talaga tong nilalang na to kaya pumayag na lang ako. Libreng pamasahe na tataggi ka pa ba? Sumakay agad kami sa sasakyan niya ng makarating kami sa parking area.
"Mang Bert sa main office po tayo ng KGC." Sabi nito at tumingin sa labas. Tinignan ko lang din si Ella na biglang tumahimik. Himala yata at natahimik tong isang to.
"Besh." Tawag ko dito. Aba hindi ako tinignan. Hindi yata ako naririnig e. "Hoy besh!" Medyo malakas na sabi ko dito at tinusok ko yung tagiliran niya. Napatalon siya sa kinauupuan niya at masamang tumingin sa akin. Akala mo naman nakakatakot.
"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. Kaya wag mo akong bigyang ng ganyang tingin." Seryosong sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"Ay. Sorry naman besh. Ibaba mo na yang kilay mo. Napaka-taray mo talaga." Sabi nito at matamis na ngumiti sa akin. See, mas natakot pa siya sa akin di ba. Never underestimate the power of Dennise *insert evil laugh* haha.
"Ano ba kasi yang iniisip mo at kulang na lang tumagos ka sa bintana ng sasakyan mo?" Sabi ko at tinignan siya ng diretso.
"Ah, wala naman. Iniisip ko lang kung saan mo ako papakainin kasi sinamahan kita." She said while wiggling her eyebrows.
"Hoy babae! Hindi ko sinabing samahan mo ako. Ikaw ang nagvolunteer no. Kaya wala akong ipapakain sayo."
"Ano ba yan kahit burger lang sa tabi-tabi wala besh? Grabe mo naman sa akin." Nagtatampong sabi pa nito. Umarte pa siya na parang nasasaktan ang kanyang dibdib.
"Nako besh hindi bagay yang pagtatampo mo no. Pero dahil sa 'sinamahan' mo ako. I'll treat you. Pero wag masyadong mahal ha. Alam mo naman." Natatawang sabi ko na lang dito. Minsan lang din naman siya humirit sa akin ng ganito kaya pagbibigyan ko na. Akala ko pa naman libre na pamasahe mapapagastos pa pala ako.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...