ALYSSA
"Good evening Ms. Valdez." Sabi ng isang boses na kilalang kilala ko. Just hearing his voice makes me irritated. Pilit ngiting humarap ako dito.
"Good evening Mr. Gonzalo." Sagot ko lang dito.
"May girlfriend ka na pala. Sayang irereto sana kita sa inaanak ko." Natatawang sabi nito. "I did not know that you're into girls huh." Dagdag pa nito at matalim na ngumiti sa akin.
"Yes I do and I am happy. At, hindi niyo naman kailangan malaman lahat ng bagay tungkol sa akin." Sagot ko lang dito at nakipagsukatan ng tingin sa kanya pero mas nauna siyang nagbawi ng pagkakatingin.
"Oh, by the way ito nga pala yung inaanak ko na irereto ko sana sayo." Sabi na lang nito at hinila yung isang lalaki na kasama niya. I remember this guy. "Ms. Valdez, inaanak ko nga pala. Mr. Luis Antonio Revilla."
Lumapit yung Revilla at naglahad ng kamay niya. Tinignan ko lang ito at ibinalik ang tingin sa mukha niya. Kilala ko nga siya. Siya yung lalaking nambastos kay Dennise noong unang kain namin kasama sina Ella. Medyo matagal ng nakalahad yung kamay niya bago ko abutin.
"Girlfriend mo na pala si Dennise." Natatawang sabi nito pagkabitaw ng kamay namin. "Niligawan ko din yon kaso sobrang pakipot. Gusto nga yata yung mas mayaman sa akin para makaahon agad sila sa hirap." Dagdag pa nito. Bahagyang tumawa ito at umiling.
"Watch your words Mr. Revilla." I firmly said but I think he does not comprehend it at all.
"Sayang nga lang din kasi hindi ko man lang siya natikman bago mapunta sayo." Dagdag pa nito. Hindi nga niya ako naintindihan.
Naginit bigla ang ulo ko nang marinig lahat ng sinabi niya. I instantly grabbed his collar and pinned him at the wall near us. Wala akong pakialam kahit na ganito at suot ko. Wala din naman masyadong nakapansin sa ginawa ko dahil busy din lahat ng tao makipagusap sa mga probable business partners.
"I told you to watch your words." Madiin na sabi ko at mas idiniin pa siya sa pader.
"Whoa. Easy. I was just joking." Natatawang sabi nito at nagtaas pa ng dalawang kamay.
"Hindi nakakatuwa yung biro mo Revilla. Hindi ako gumanti sa pambabastos mo noon kay Dennise at ngayon heto na naman ang gagawin at sasabihin mo? Watch your words wisely dude. Dahil kahit pigilan ako ni Dennise, kapag makarinig pa ako ng mga salita at malaman ko na binastos mo ulit yung taong mahal ko, I will make your life miserable. Trust me." Madiin na sabi ko. Nakikita ko naman sa peripheral view ko si Mr. Gonzalo na nakatayo lang at nakatingin sa akin.
Nakita ko din ang paglunok nito at bahagyang ngumiti. Marahas na binitawan ko si Revilla. "Sabi nila you are a sweet charmer pero mukhang iba yata ang dating mo ngayon." Sabi nito at inaayos ang suot niyang damit.
"I am but only to those people who deserve to see that side of mine." Sabi ko dito habang matalim na nakatingin sa kanya.
"That's enough Ly. Let's go." Bulong sa akin ni Ate A at hinila ako papalayo kay Revilla. Kumuha kami parehas ni ate A ng maiinom bago nagtungo sa may fountain sa harap nitong event's place.
"Okay ka na?" Pambasag ni Ate A sa katahimikan naming dalawa.
"Yes. Thank you." Nakangiting sagot ko dito.
"Ngayon na lang ulit kitang nakitang nag snap ng ganon ha." Natatawang sabi naman nito sa akin at uminom ng alak na hawak niya.
"You know me Ate. People can say anything they want against me but not against my family and you guys. Especially not against Dennise. Lalo na ang bastusin si Dennise sa harap ko." Madiin na sabi ko habang nakatingin sa makulay na fountain nitong club.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...