DENNISE
"Huwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita." Sabi nito nang makalapit sa amin ni Ella. "Ano? Kamusta ang maging girlfriend ni Alyssa?" Pangutngutya pa nito.
Hingang malalim Dennise. Inhale, exhale. Relax. Kalma. Hindi ka bababa sa level ng taong kaharap mo ngayon.
Lumingon ako sa pwesto ni Ella at tinalikuran muli si Laura. "Besh, tara? May iba ka pa namang alam na lugar di ba?" Pilit ngiting tanong ko dito. Ngumiti lang si Ella at tumango.
Paalis na kami ng biglang hablutin ni Laura yung btaso ko. Napipikon na ako sa babaeng to ah. "Hindi ka talaga marunong umintindi noh? Sabi ko wag mo akong tintalikuran kapag kinakausap kita." Sabi ni Laura at marahas na iniharap ako sa kanya.
Tinignan ko lang siya at matamis na ngumiti sa kanya. "Ay, ako pala kausap mo. Akala ko tinatanong mo yung sarili mo e." Sagot ko dito.
Napatawa naman si Ella ng malakas kaya nabaling sa kanya yung nagbabagang tingin na ngayon ni Laura. Napatakip lang ng bibig si Ella pero natatawa pa din. "I am not talking to you. You little piece of-"
"Piece of what Lau? Common say it. I'm not afraid of you anymore." Matapang naman na sagot ni Ella.
"Wow, matapang ka na talaga. Samantalang dati, isa ka lang nilalang na laging nakadikit kay Alyssa at naghihintay na ipagtanggol niya." Mataray na sabi nito kay Ella. She paused for a while and started to walk towards Ella's direction. "Yung pa-baby at feel na feel ang pagturing prinsesa sa kanya ni Alyssa. At walang ginawa kundi magpapansin kay Alyssa at agawin yung oras niya para sa akin."
"Oh commom Lau. Hanggang ngayon yan pa din ba ang issue mo sa akin?" Ella said and paused. "Grow up Laura. Alam mong kahit kailan hindi ko inagaw ang oras ni Alyssa para sa'yo. Kung tutuusin nga ikaw itong nagpupumilit na sa'yo lang ilaan ni Alyssa lahat ng oras niya. You even refrained her from spending her time with us. She even tried to sneak around you just to be with us. O ano surprised? Oo Lau. Nagsinungaling siya sa'yo para makasama kami kasi ipinagdamot mo siya sa amin. At yang issue mong yan tungkol sa akin, isang beses lang nangyari, ano bang malay ko kung noong araw pala na yon nauntog si Ly at narealize niya na mas mahal niya ako kesa sayo?" Tuloy tuloy na sabi ni Ella. Dinuro-duro din niya si Laura. Napatawa pa ito kasabay ng huli niyang sinabi.
Nakatayo lang ako sa tabi ni Ella at pinakikinggan ang sinasabi nilang dalawa. Bakas na bakas din sa mukha ni Laura ang galit. Pulang pula na nga yung mukha niya e. Parang sasabog na siya.
"You bitch!" Yan lang ang sinabi ni Laura at akmang sasampalin si Ella. Kusang gumalaw yung kamay ko para hawakan yung kamay ni Laura na sanang dadampi sa mukha ni Ella.
"Wag na wag mong sasaktan ang kaibigan ko." Malumanay pero may diing pagkakasabi ko. Sinalubong ko din ang nagbabagang tingin ni Laura at marahas na ibinagsak yung kamay niya.
"Hindi ikaw ang kausap ko." Sabi nito at dinuro din ako. "Ah, alam ko na kung bakit matapang na itong isang to." Dagdag pa niya at itinuro si Ella. "Because she's with a loser like you." Sabi nito at nag-smirk. "Oh no, not just a loser but a user too." Pahabol pa nito at tumawa ng pagak.
"You know what Lau, I don't really know what is your problem. Kasi in the first place, you cheated on Alyssa. You betrayed her. And in fact, you are the one who used her." Madiin na sabi ko kay Laura at nilapitan ko pa siya. Hindi ko na napigilan pa yung sarili ko. Punong-puno na ako dito sa babaeng to.
Kayang kaya ko magpasensya pero nauubos din naman yon. Ang baso nga kapag nilagyan mo ng tubig, napupuno at minsan umaapaw pa, tao pa kaya?
"You don't know what you are saying bitch. You don't know anything!" Pagtataas nito ng boses sa akin at bahagyang itinulak ako.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...