Prologue

3.6K 51 7
                                    

𝒞𝒶𝓈𝓉𝒶𝓁𝒾𝒶 𝒩𝒶𝓏𝓇ℯ𝓃ℯ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓃𝒾ℯ𝓁

Forgotten Past

Sobrang kabado ako nang pumasok ako sa bagong pagtratrabahuhan ko. As much as I want to study more, I know I can't. Halos gumapang na ako sa pagtratrabaho para mabuhay kami ni Mommy, mag-aral pa kaya?

Sa ilang taong nabuhay ako, mababa ang tingin ng lahat sa amin. Bakit hindi bababa? Hindi nakapagtapos ang ina ko dahil disgrasyada? Binuntis siya at iniwan. Lumaki ako nang wala man lang sustento sa ama. Nagtrabaho siya bilang Domestic Helper sa Japan. Pinaratangan si Mommy ng kung anu-ano. Pati ako! Tapos ano? Nagkasakit si Mommy at hindi na makabalik sa ibang bansa. I never graduated with Bachelor's degree. Not even an Associates's degree!

Siguro nga tama ang mga taong nagpakababa sa amin. Siguro nga hindi talaga kami makaaahon. Maybe, we're not worth to be successful. Kahit naisin kong iangat ang buhay namin at ipamukha sa mga lumalait sa amin ni Mommy na kaya naming umangat, walang mangyayari.

Hindi iyon kailanmang mangyayari...

Dahil lunod na lunod na kami at walang pag-asang makaahon... lunod na lunod na kami sa problema at utang.

At, kahit nais ko siyang iwasan, nandito pa rin ako dinala ng tadhana.

Sa lahat ng kahihiyang nasa katawan ko, kung halos pa lang umatras ako rito eh!

Pero kailangan ko. I can't sustain my mother if I would keep my pride high. I can't cope up with our needs if I would refuse this. Dahil sa lahat ng pinag-apply-an ko, ito pa lang ang tumanggap sa akin.

Napatayo ako sa harapan ng kanyang opisina.

Ito ang unang araw ko sa kumpanyang ito at pinapatawag ako ng Presidente.

Napahinga ako ng malalim. What now? Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ang lahat ng ginawa ko sa kanya.

Nahihiya ako. Hiyang-hiya ako para sa sarili ko.

Paano naman siya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Will he treat me coldly? Sasalubungin niya ba ako ng nanlilisik na galit?

Kung tutuusin, nararapat lamang na iyon ang magiging reaksyon niya, na iyon ang mararamdaman niya.

I used him. Hindi ko man binalak o ginawa, 'yon ang interpretasyon ng lahat... 'yon ang interpretasyon niya. I used him because I needed him. Iyon ang salang kailangan kong panagutan.

At ngayon, nandito ako sa mismong kumpanya niya magtratabaho.

Bakit?

Dahil kailangan ko. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera. At sa ngayon, ang kumpanya niya lang ang makapagbibigay 'nun. I need this company, which also means, I need him because I will work under him.

I breathe heavily.

Tila ba nagsiwala ang kulisap sa tiyan ko. Kanina pa ako nanlalamig at pinapawisan. Mabilis ring tumitibok ang puso ko na para bang hinahabol ito. Hindi ko na maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.

But, fuck!

I'm too nervous and too anxious to face him that I don't have time to decipher what I'm feeling!

This is making me nauseous.

Kahit nanginginig ang kamay ay dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto. I did it so slowly. Takus kong ipanalangin na sana bumagal ang lahat ng nangyayari. I think I'm not ready yet!

Bumungad agad sa akin siya. His gaze are cold and dark. He sat on his swivel chair like a king –authoritative and regal. His hair was cut clean. His jaw more defined. He is very manly and handsome.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon