Chapter 8

817 20 0
                                    

Lumayo sa Lahat

Hindi makapaniwalang ginawa niya talaga ang assignments ko.

At mas lalong hindi makapaniwala ang professor.

My professor in Chemistry asked. "Baka naman classmate mo ang pinagawa mo?"

"Hindi, Prof."

Hindi ko naman talaga iyan pinagawa. Kusa niyang ginawa. Saka hindi ko naman classmate si Gabriel.

Tumango-tango naman ang professor. "See, Nazrene? Kung hindi ka lang tatamad-tamad, pwedeng umangat ang grades mo."

"I'm fine with my grades," sagot ko. Aanhin ko kung hanggang doon lang ang kapasidad ko?

"Okay lang sa'yo na kaunting pagpapabaya mo pa ay mahuhulog ka na sa tres?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano bang makukuha ko sa kursong 'to bukod sa Pre-Med 'to? Researcher? Teacher? Ganoon?" Tanong ko. Ni hindi ko alam kung bakit ipinilit 'to sa'kin ni Mommy eh. Magdo-doctor raw ako. Ayaw ko naman pero heto at sinusunod ko na lang si Mommy! Gurang na ako makaka-graduate? Hindi na rin ako makakapaghanap ng boyfriend at makapapag-asawa?

Pero sinunod ko pa rin si Mommy dahil bukod sa mahal ko siya ay wala naman talaga akong alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko.

Okay na sa aking makahanap ng trabahong sapat lang sa pangangailangan ko.

Masigla akong pumunta kay Gabriel matapos ang aking klase.

"Ano'ng gagawin ko ngayon?" I smiled charmingly. Okay lang sa akin maging janitor basta matataas naman ang grado ko dahil siya ang sumasagot.

"You're only going to clean a classroom. After that, makakauwi ka na," aniya.

"Sige, sige," sabi ko. "May take home quiz pala kami sa Organic Chemistry. Pwedeng gawin mo, please?"

"Hindi ka naman magtatagal sa school at gawain mo 'yan kaya ikaw ang dapat gumawa," malamig niyang saad.

Napanguso ako. Pagkatapos ay tinaas ko ang aking kilay. "Bakit kahapon ikaw ang gumawa ng mga assignments ko?"

"I was just helping you."

"Then, help me again, please!" Kulang na lang mag-beautiful eyes ako rito eh!

"Iba iyung kahapon kumpara sa ngayon. I did your assignments yesterday because you were tired with fixing three libraries," aniya. "Pero ngayon, kalahating oras ka lang naman sa school. Alam kong magagawa mo 'yan."

"Tapos ano? Mababang grado naman ang makukuha ko dahil mali-mali ang mga sagot ko. Tapos kikwestyunin 'yung ginawa mo. Tapos pagagalitan ako dahil ikaw pala ang gumawa nung mga assignments ko kahapon. Tapos iisipin nilang pinilit naman kita?!"

"I will teach you," he simply said to end my rant.

"Ikaw na lang ang gumawa!" Sabi ko. Tinatamad ako. Maglilinis pa kaya ako ng classroom. "Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagod ko kahapon!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kung hindi mo gagawin, uuwi na lang ako," sabi niya.

"Tinutulungan ka na nga pero hindi mo tinutulungan ang sarili mo," aniya.

"Paano ko matutulungan ang sarili ko kung pinapatrabaho mo ako rito?" Napamaywang ako.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon