Castalia Nazrene Monteniel
Ayaw Kong Matulad
I was nineteen years old when I was first courted.
Not a very fortunate thing!
Imbes na kiligin ako, naiimbyerna lang ako lalo.
Putangina! All I felt was adulterated loathing. I'm disgusted! In fact, extremely disgusted! Sa katunayan, nakasusuka!
"Pinapabigay ni Gabriel," ani nung isa kong kaklaseng ngumingising-aso.
Ilinagay niya ang limang piraso ng Lindt sa harapan ko.
Nagsimula na akong tuksuhin ng mga kaklase ko. "Ayie, may manliligaw!"
Napairap ako at pinandilatan sila. I even made a face. "Yuck!" Napangiwi ako at kinuha ang Lindt pero ibinigay ko sa kaibigan ko at (at the same time) pinsan kong si Aubrey.
"Di pa yuck, yuck ka pa! Hoy! Lindt na 'yan, aayaw ka pa?" Ani Aubrey sa akin. "Pasalamat kang may nanliligaw sa'yo."
"Talagang ayaw ko, Brey!" Sabi ko. "Sinong tao ang masasayahang may manliligaw na pangit? Bibigyan nga ako ng manliligaw, pangit pa! Mas mabuti pa sigurong wala na lang."
"Pangit? Hindi naman pangit si Gabriel, uy!" Sabi ni Aubrey.
Mapanuya ko siyang tiningnan. "Hindi mo ba alam ang tamang depenisyon ng gwapo, Aubrey? Hindi siya tulad ng mga famous at gwapong crushes ko! Ang kapal-kapal ng glasses tapos... Oh my god! Parang hindi nga marunong mag-ayos ng sarili 'yon eh."
"Pero huwag ka, matalino, mayaman at rinig ko nagta-Taek Won Do 'yon," ani Aubrey. "Kita mo naman sa katawan."
I cackled. "Psh! Nagmukha nga siyang hipon! Saka matalino naman at mayaman, pinagkaitan naman ng kagwapuhan. Nakaka-turn off!"
"Dapat talaga gwapong-gwapo?" Napailing at hindi makapaniwala akong tiningnan ni Aubrey. "Pero gwapo naman talaga siya ah."
"Psh..." Napairap ako. "Sa mga mata mo, oo. Sa akin, hindi. Not exactly my type. Pangit siya sa pananaw ko. Pangit! Paano na lang kung magkaanak kami, aber?"
"Anak agad? Seryoso, Nazie?" Pinanlakihan ako ng mata ni Aubrey. "Naku, Nazrene! Lalake na lang ang nasa kokote mo, ha? Habol ka nang habol sa mga gwapo, gago naman! Kapag ikaw gumaya kay Tita–"
Agad ko siyang pinutol at matalim na tinitigan. "Hindi ko kailanmang gagayahin si Mommy."
I really don't have plans for the future. Hindi ko alam kung anong kursong kukunin ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong maging trabaho. Hahayaan ko na kung saan man ako dalhin ng kapalaran ko. Kuntento naman ako sa buhay ko.
Pero iisa lang ang masasabi ko.
Kahit ano'ng sabi ng lahat na puro lalake lang ang sa kokote, kahit ano'ng sabi nilang isa akong taong walang pangarap at direksyon sa buhay, kahit sabihin nilang ang mga tulad ko'y hindi kailanmang aangat ang buhay, kahit sabihin nilang tutulad din ako sa ina kong disgrasyada, kahit mababa ang tingin nila sa akin, isa lang talaga ang masasabi ko.
Hindi ako gagaya kay Mommy.
At papatunayan kong hindi ako gagaya kay Mommy.
I would never fall for someone and let my impulsiveness take over me. I would never go beyond the extremes for someone.
Hindi ko uulitin ang kasalanan ni Mommy.
Hindi ko uulitin ang kapalpakan ni Mommy.
Aanhin mo ang pansamantalang saya mula sa isang tao kung idudulot din naman niya ang iyong kalungkutan sa huli.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...