Chapter 31

976 19 2
                                    

Old Times

Serafina Dilaurentis.

Napatingin ako sa mga litrato niya sa Instagram.

Matangkad, morena, matangos ang ilong, maamo ang mukha, maganda ang mga mata at maaliwalas ang ngiti.  Ayon kay Gabriel, diese-otso na raw ito. 

Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ni Gabriel. Unang-una sa lahat, she's a family friend. Kilala na nila ang isa't isa pati ang pamilya nila. Pangalawa, nagmula sa mayaman at may reputasyong pamilya. Pangatlo, maganda. Pang-apat, mabait. She seemed vocal with her advocacies. Puro social working at charities ang nasa posts niya. Kanina pa ako naka-stalk sa babaeng 'to.

Kasalukuyang nag-aaral siya sa unibersidad na pinasukan namin ni Gabriel noon. Pakiramdam ko'y hindi naman ako gaanong mahihirapan. My dear cousin, Aubrey, works as a teacher there!

Sa katunayan, mataas naman ang ranggo niya sa university.

Also, unlike me, she's married. Baka matutulungan ako ng babaeng 'yon! Matagal na rin kaming hindi nagkita.

"Miss Monteniel?"

Napatuwid ako ng pagkakaupo. Linagay ko rin agad sa bulsa ko ang phone ko. "Yes, Mr. Vernan?"

Ang kanyang laptop ay nakasara na at nakatungtong lang sa gitna ng kanyang kama. Nakatayo na siya at ang mga kamay niya'y nilagay niya sa kanyang bulsa.

Tapos na ba siya sa ginagawa?

"Halika, may pupuntahan tayo," sabi niya.

Napakurap-kurap ako. Walang scheduled meeting ngayon. Of course, I should know his schedule!

"Saan po?" Tanong ko.

His brows slightly furrowed. Mukhang nairita siya sa pagtatanong ko.

"Let's just go," he said, firmly.

I quickly took my bag and some folders.

"Iwan mo ang folders. Hindi natin kakailanganin 'yan," sabi niya.

Medyo nalilito ako sa nangyayari ngayon. Ano bang trip nito?

"Uh... okay," sabi ko na lang at sumunod na sa kanya.

Mga alas tres pa lang ng hapon. May nakaantabay ng sasakyan para sa amin. Sumunod ako sa aking boss. Wala akong ideya kung anong gagawin o saan pupunta.

We arrived in a famous high street in the city. Halos lumabas ang mga mata ko ng makita ang mga luxury shops sa paligid. Mga mayaman nga naman. They have all the money and they have surplus resources to buy whatever they want!

Habang sa isang tulad ko naman, parang langit ang pakiramdam kung nakakachamba ng orig sa ukay-ukay!

So, tagabitbit pala ng mga bilihin ang magiging papel ko ngayon?

The old Gabriel I know don't really buy much. But, who knows if the new Gabriel is materialistic? Hindi ko na siya kabisado o lubusang kilala ngayon. O, baka naman para sa liniligawan niya?

Pumasok siya sa isang kilalang store.

"Bibili ba tayo para sa nililigawan mo?" Kuryoso kong tanong.

Isinawalang-bahala niya lang ako. He started checking some clothes before a lady went to us. Nagsimula silang mag-usap at ako naman ay unti-unting napalayo sa kanya. I checked some clothes.

May magandang embroidered na jacket. Magkano kaya 'to?

P 12 000.00

Oh my god! Mga dalawang buhay na baboy na siguro ang nabili ko rito. Tangina! Labindalawang libong piso? Ano'ng klaseng materyales ang 

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon