Putik
"Nazrene, mag-usap nga tayo," ani Mommy pagpasok ko sa bahay.
Kakahatid lang sa'kin ni Gabriel at halatang nakita niya iyon.
I looked at her tiredly. Alam kong pauulanan niya ako ng tanong na parang imbestigador.
"Sino ang lalakeng kasama mo?" Napahalukipkip siya at may pag-aakusa niya akong tiningnan.
"Si Gabriel," sagot ko. "Kaibigan ko."
"Talaga lang ha? Nazrene, sabihin mo ang totoo!"
It always frustrates when my own mother doesn't believe me.
"Iyun ang totoo, My! Ano'ng gusto mong gawin? Gumawa ng kwentong kapani-paniwala para sa'yo?" Sagot ko.
My mother gasped. "Watch your mouth!"
Napalunok ako at napasinghap.
Kakasimula pa lang ng bangayan namin, nakakapagod na.
"Nazrene, did I not raise you well?" Her voice broke.
Kusang tumulo ang mga luha ko. My mother has always been my weakness. She is my weakest spot among all of my weaknesses.
Alam kong hindi siya perpekto at naiintindihan ko 'yon. Hindi man siya naging perpektong ina pero ginawa niya lahat upang mapalaki ako ng maayos.
May pagkukulang man siya pero naghirap siya ng husto para buhayin ako. Alam ko naman 'yon!
"Anak, this is just a simple question. I think I deserve an honest answer from you," she said.
"That's an honest answer," I told her.
"Talaga, Naz?" Napahalukipkip siya at napasinghap. "Kaya mo pa talagang magsinungaling sa'kin nang diretso sa mata? Kung kaibigan lang siya, ba't alam niya ang address natin? Siya pa talaga ang kumuha ng project mo rito?"
"Because, he's concerned. Gaya ng sabi ko, kaibigan ko siya!"
"Bakit sabi ng kapitbahay nating palagi kang nakikita ng anak niyang kasama ang lalakeng iyon?"
"My, mas pinakikinggan niyo pa ang mga tsismosa't malisyosa nating mga kapitbahay?"
"Anak, kung pupwede lang, huwag ka munang mag-boyfriend. Pero, ayaw ko rin namang sakalin ka. At the same time, I don't want to stop you from those experience pero Naz, ayaw kong gumaya ka sa'kin."
Nanlaki ang mata ko. "Ano'ng pinagsasabi mo, My?"
"Kung linalandi mo lang ang lalakeng 'yon dahil mayaman at galing siya sa maimpluwensyang angkan, mas mabuting itigil mo 'yang kalokohan mo."
"My, wala akong ginagawang masama!" Pagdepensa ko sa sarili.
"Nazrene, hinuhusgahan na tayo. Palagi tayong hinihila pababa. Napakababa ng tingin nila sa akin at kung magpapatuloy sa kalokohan mo, mas bababa pa lalo ang tingin nila sa'tin. Hindi ba dapat ay patunayan mo sa kanila na mali sila? Naiintindihan mo ba ako, Naz?"
"Mommy, listen. I know I'm not doing anything wrong."
"Akala mo ba, hindi ko alam?" Tumaas ang kanyang kilay. "Nagsumbong sa'kin si Aubrey. Nakikipaglapit ka sa lalakeng iyon para tumaas ang grades mo. Ginagamit mo ang lalakeng iyon para makipaglapit sa professor mo para ipasa ka!"
Inggrattang, Aubrey! Bwiset! Humanda iyong lintek na babae bukas!
"Mommy, that's not true!"
Pero kahit anong giit ko... kahit ipagpilitan ko pa, hindi siya nakikinig sa akin.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...