Chapter 33

932 16 2
                                    

Wala

How quick days past. Handa na ang maleta ko at lahat-lahat. Ngayon ang uwi ko sa Iloilo upang makasama ko si Mommy sa Bagong Taon.

"Mag-ingat ka," bilin niya.

I won't see this guy in front of me for a while. I might even miss his aloof behaviour.

Tumango ako. Ginawaran ko siya ng ngiti. "Good luck po sa pagharap niyo sa Board of Directors ng NXT. Alam kong kaya niyo po 'yan."

His hair was still disheveled but it still looked good on him. Kahit siguro magmukhang lunggaan ng ibon ang buhok niya, gwapo pa rin siya sa paningin ko.

He fixed his chambray jacket. "Go ahead." He said and turned to leave.

Ganoon din ako. Hinila ko na ang maleta kong maliit naman pero kasya lahat. Nag-check in na ako. Humigit-kumulang isang oras lang naman ang byahe ko sa ere. Walang sumundo sa akin. Of course, Mom doesn't know I'm here for the New Year. Baka busy pa nga 'yon sa paghahanda ng Media Noche.

Sumakay na ako sa taxi pauwi. Wala akong nabiling pasalubong pero maghahanap na lang ako ng late Christmas gift sa kanila some time.

Pagbaba ko sa taxi ay ako pa yata ang nagulat. The apartment is unusually silent. May lakad ba sila? Hindi naman naka-lock ang gate.

Ano'ng nangyari sa mga tao, rito?

I slowly entered our apartment. Nakaayos ang lahat ng gamit namin pero wala naman doon si Mommy.

"'My?" Tawag ko ngunit walang sumagot.

"Mommy?"

Kinatok ko na pati ang banyo namin dahil baka naroon siya ngunit wala naman siya roon.

Biglang may narinig akong tunog ng nahulog na kung ano mula sa taas.

Baka nandoon si Mommy kina Robyn.

Agad akong umakyat roon kina Nanay Feliza. Sarado ang pinto pero nang pinihit ko iyon at hindi naman naka-lock.

Saktong pagbukas ko ay binungad na ako ng confetti.

"Welcome back!!!" Masiglang bati ni Robyn. Sumayaw-sayaw pa siya sa harap ko kaya napangiti na lamang ako sa kanya. Makwela talaga ang dalagitang 'to. Magdedese-otso na pero may pagkaisip-bata pa rin.

"Happy New Year, Ate Naz!" Sigaw naman ni Baby. Hinipan niya ang kanyang torotot at tumakbo para yakapin na ako.

Agad kong kinarga ang apat na taong si Baby. Mahigpit ko siya yinakap. "Mamaya pang alas dose ang New Year." Natawa ako. "Pero na-miss kita!"

Nagkatinginan kami ni Mommy. Nakatayo at nakahalukipkip lamang siya sa gilid. Isang matipid na ngiti lamang ang pinaunlak niya para sa akin. Nagpatuloy na agad siya sa ginagawa.

Agad kong binaba si Baby at pumunta na kay Mommy. Agad kong yinakap ang aking ina.

"Miss you, 'My," panlalambing ko.

Hindi siya umimik. Nagpatuloy siya sa panghihiwa ng mga recados.

"Ano'ng lulutuin mo, Mommy?" Tanong ko.

"Chicken Curry," matipid na sagot niya. Mula sa pagngiti hanggang sa pagsagot, ang tipid niya ha!

Napatingin ako sa mesa nina Aling Feliza.

"Ang daming handa ngayon ah," sabi ko. Halos napuno na ang mesa eh!

"Ang dami rin naman kasing pinadala ng amo mo," sagot ni Mommy.

"Pinadala? Nino?" Tanong ko.

Tumigil si Momny sa paghihiwa ng sibuyas. Umikot siya para harapin ako. Batid ko sa mga titig niya ang pag-aalala. Napatingin muna siya kina Aling Feliza at Roby na mukhang abala naman sa paggawa ng lumpiya sa sala.

"Anak, aminin mo sa akin. May nangyari ba sa inyo ni Gabriel nang umalis kayo?" Tanong niya.

"Wala!" Agad ko namang sagot.

"Sigurado ka, Nazrene?" Tila hindi kumbinsido si Mommy sa sagot ko. "Hindi kayo nagkabalikan?"

"Mommy, hindi nga ako naalala 'nun, hindi ba? Paano kami magkakabalikan?" Natawa pa ako sa tanong ni Mommy. Imposible namang magkakabalikan pa kami ni Gabriel.

"Nagtataka lang kasi ako eh. Noong pasko, pinadalhan kami ng grocery package at mga regalo. Kaming lahat nina Aling Feliza, Robyn at Baby. Ngayon naman, pinadalhan ulit kami ng panghanda sa Media Noche," sabi ni Mommy.

Napakurapkurap ako. Hindi ko man lang alam?

"Hindi ba sobra-sobra naman kung makaregalo itong kumpanya ni Gabriel?" Tanong ni Mommy.

Tama nga siguro si Mommy. Sobra-sobra na ang binigay sa akin ni Gabriel! Mula sa suite na tinuluyan ko sa Manila, sa mga damit at sapatos, sa pagdala niya sa akin sa Ocean Park hanggang sa mga binigay niya sa pamilya ko...

Napakasobra.

Binigyan niya pa ako ng Christmas Bonus!

Ibalik ko kaya ang Christmas Bonus? Nakakahiya na talaga eh!

"Ate, halika na sa labas! Alas dose na!" Napabalik ako sa aking kamalayan nang hinila ako ni Robyn palabas ng apartment.

"HAPPY NEW YEAR! YEHEY!" Tumalon-talon si Baby.

"Happy New Year!" Ani naman ni Robyn.

"Happy New Year!" Sabi ko at hinalikan sa pisngi sina Mommy at Nanay Feliza.

Nakinood na lamang kami ng fireworks at fountains sa iba naming kapitbahay. Puro kami babae at wala naman sa amin ang gustong magsindi ng paputok. Matapos 'nun ay nag-media noche na kami. Masaya ang aming kwentuhan. Naikwento ko rin ang tungkol sa Ocean Park.

"Talaga, Ate?" Sabi ni Robyn. "Hindi pa ako nakapunta sa Maynila. Ano'ng nasa loob ng Ocean Park?"

"Jellyfishes, mga stingrays, may sea lions, penguins..." Inisi-isa ko na.

"Sino'ng kasama mo?" Pinutol ni Mommy ang aking pagsasalita.

Tila biglang bumlangko ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naumid ang dila ko.

"Uh--" Tanong ko kay Mommy. "Mga kasama ko po sa trabaho."

Nagkatinginan kami ni Mommy ng ilang segundo. Siya na agad ang yumuko upang magpatuloy sa pagkain.

Nag-ayos kami at nagdesisyon ang lahat na matulog na. Alas dos na 'yon ng umaga.

Nakahiga na ako sa kama.

I miss my bed and my room. Hindi man ito tulad ng suite sa Maynila ay kumportableng-kumportable naman ako rito. Ngayon lang yata ininda ng katawan ko ang pagod. Galing pa ako byahe, tumulong pa ako kina Mommy. Mahaba-haba ang tulog ko ngayon. Biglang nag-ring ang phone ko. Agad akong napabalikwas at hinanap ang cellphone kong natabunan ng mga unan at kumot.

Mr. Vernan calling...

"Hello, sir?" Bahagyang napakunot ang noo ko nang sinagot ang tawag. Ba't napatawag siya sa ganitong oras?

"I'm sorry. Nakatulog ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa naman po. Bakit po ba?"

"No... Nothing, I mean... I'm just checking if you're fine. Happy New Year na lang sa'yo at sa Mommy mo," aniya.

Speaking of that...

"Sir," panimula ko. "Nalaman ko po kasing may ibinigay naman kayo sa pamilya ko noong Pasko at ngayong Bagong Taon. Nakakahiya na po pero nagpapasalamat po ako. Kaya, ibabalik ko na lang ang Christmas Bonus," sabi ko.

"Hindi. It's fine. Saka, may pinapagawa rin naman ako sa'yo, di'ba?" Aniya.

"Eh, sobra-sobra pa rin po ang binibigay niyo eh. Hindi ko nga alam kung..." Hindi ko na pinatuloy ang aking pagsasalita. May takot pa rin sa kaloob-looban ko. Totoong may mga beses na may kutob akong may naaalala naman siya tungkol sa akin at gustong-gusto ko siya tanungin nang makumpirma ko na. Ngunit, takot ako. Paano kung totoong wala talaga siyang naaalala tungkol sa akin at sa pamamagitan ng pagtanong ko ay biglang bumalik ang memorya niya tungkol sa nakalipas namin? Siguradong sasabog siya sa galit. Ayokong mangyari iyon. Mas mabuti nang ganito na lang.

"What is it, Miss Monteniel?" He asked.

"Wala po, Sir," sabi ko at napakagat-labi.

👓

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon