Chapter 19

806 27 0
                                    

Ang Nakaraan

"Bwiset ka, Nazie! Binigyan mo ako ng kasalanan?" Sabi ni Bernard sa'kin.

I smiled apologetically. "Sorry, Bern. Kailangan eh."

"Kung kilala niya ang asawa ko baka hindi na ako pauwiin ng misis ko sa bahay," aniya.

"Buti at umalis din," sabi ko. Medyo matigas din  kasi ang ulo ni Nazrene.

"Syempre, pinaalis ko. Sabi ko huwag na siyang bumalik at manggulo," ani Bernard.

Napatango ako. Bakit ba napunta siya rito?

"Ex mo ba 'yun?" Tanong ni Bernard.

Pinandilatan ko siya. "Ungo! Hindi halata?"

"Mukhang may kaya 'yun ah. Ba't mo pa iniwan?"

"Ayoko ng drama! Sabihan mo ako ng pamilya nung habol ko lang pera," sabi ko.

"Sa bagay, hindi naman kasi minsan madali ipagpatuloy ang isang relasyong maraming tumututol," aniya sa'kin at napapailing.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Mas lalo yatang bumigat ang pakiramdam ko. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa kasi ang pagsisisi. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin naman ako.

"Pero, mukhang hinanap ka talaga niya, Nazie," sabi ni Bernard.

Hindi ko alam kung sinadya niyang hanapin ako o napadaan lang siya at nakita niya ako.

"Maiba nga ako, pababakasyunin ka ba ng amo mo sa pasko?" Tanong ni Bernard.

"Ayaw ko. Kailangan ko pang mag-ipon para sa chemo ng nanay ko," sabi ko. "Ikaw?"

Ngumiti siya sa'kin. "Tutal ay mangi-ngibang bansa si boss next week, pinayagan niya akong magbakasyon sa pamilya ko at babalik na lang daw ako tapos ng Christmas."

"Mabuti naman at makauuwi ka na sa pamilya mo," sabi ko.

"Oo nga," sabi ni Bernard. "Ano? Balik tayo ex mo? Ano ba talagang nangyari?"

It seemed like seeing him again triggered my long concealed feelings for him and my long forgotten memories of him pour on me.

Kahit anong libang ko sa gawaing bahay ay natitigilan ako sa ginagawa ko dahil pinipeste ni Gabriel ang utak ko.

Tatlong taon na rin ang lumipas ng nakipaghiwalay ako sa kanya. Akala ko kinalimutan niya na ako. Sana nga kinalimutan niya na lang ako.

Dahil sa pagkikita namin, hindi ko kayang alisin sa isipan ko ang mga nangyari sa amin. Alam kong sinaktan ko siya at nagi-guilty rin ako roon.

I just finished my second year in college when we moved back to Capiz.

"Gosh, Nazie! Sobrang na-miss kita!" Mahigpit akong yinakap ni Ellie.

Kahapon lamang kami nakabalik rito sa Capiz at naisip kong makipagkita muna sa mga kaibigan kong narito.

"Ako rin!" Sabi ko at napangiti. "Matagal-tagal na rin tayong 'di nagkikita!"

"Actually, we went to Iloilo just last month pero hindi kami nagtagal at hindi kita na-contact," sabi naman ni Dana.

"Buti nga at nakapagbakasyon kayo rito," dagdag naman ni Luisa. "Hanggang kailan kayo mananatili rito?"

Nawala ang maaliwalas kong ngiti at napalitan ito ng mas matipid na ngiti. "We're staying for good."

"Ano? The city can provide you all the opportunities you need. Bakit pa naisip niyo ni Tita Marianne ang bumalik sa probinsya?" Kumunot ang noo ni Luisa.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon