Comfortable
Mas maaga akong pumasok sa opisina. Agad akong naghanda. Gagalingan ko na lang ang trabaho ko.
"Good morning, Mr. Vernan," pormal na kong bati kay Gabriel.
Mas mabilis pa sa isang segundo niya ako tiningnan. He slightly nodded to acknowledge my existence and went in his office.
Napabuntong-hininga ako. Ibang-iba nga talaga ang mundo namin.
Paano naisip ng mas batang bersyon ni Nazrene na pwede sila ni Gabriel? Malinaw na malinaw na sa akin ngayong hindi naman talaga kami pwede.
I admired him when I was younger. I was also well-aware of the gap between us yet it didn't stop me from thinking that we can work things out. I ended dismayed, though.
Ngayon, lubos ko nang napagtantong malayong-malayo ang agwat namin sa buhay. Parang siyang matayog na skyscraper habang isa lang ako sa mga maliit na kubo na natatakpan ng anino at hindi niya kailanmang mapapansin.
He's wise enough to know that he has to find someone who is his equal.
He's wise enough to not make our break-up a big deal since he realizes I'm not worth it.
Gods! Why am I degrading myself again? Self-pity is the least I can help for myself!
"Ganyan ba talaga ka-cold si Mr. Vernan?" Napatanong ako sa kawalan sa kasama kong si Eliza.
Bahagyang kumunot ang noo sa akin ni Eliza. Siya kasi ang sekretarya ni Gabriel na siyang papalitan ko pansamantala o permanente (depende na lang) dahil manganganak na. Sa katunayan, kabuwanan niya na sa susunod na buwan.
"Cold? Mabait 'yan, tahimik lang. Hindi ka pa kasi sanay," aniya habang hinahaplos ang kanyang malaking tyan. "Alam mo? 'Yang si Mr. Vernan? Naaksidente 'yan sa motor, noon. Hindi kami lahat nakilala ng isang linggo pero bumalik naman agad ang memorya niya."
Kaya pala nakalimutan ako. At, kaya pala hindi ako sanay sa pagtrato niya sa akin.
Nakakapanibago talaga...
Gosh, Nazie! Kailangan mo ba nang sampal? Hindi na ito tulad ng dati! Pasalamat ka nga at hindi galit niya ang ipinararanas sa'yo eh!
"Miss Monteniel?" Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ramdam kong nasa likod ko lamang siya nakatayo. I can even smell his masculine scent.
Hindi ako lumingon. Nagpatuloy lamang ako sa pagsusulat sa notebook ng mga appointments.
"Yes, po?" Ani ko na parang hindi naaapektuhan sa presensya niya.
Dahan-dahan ang kanyang pagyapak. Ngayo'y nakatayo siya sa harap ko. Ngunit, nagbisi-bisihan ako sa ginagawa.
"Miss Monteniel, stop that first." I stopped when I heard him clicked his tongue irritatedly.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya. Nakadungaw lang siya sa akin at bahagyang kunot ang noo.
"Okay lang naman po. Nakikinig naman ako," sabi ko.
"I want your full attention on me," he said, forcefully.
Napakurap-kurap ako habang dahan-dahang naiproproseso 'yon ng aking utak. Alam kong wala na kami. Wala na 'yung namamagitan sa amin. Ngunit, hindi ko mapigilang bigyan ng kahulugan ang binigkas ni Gabriel.
Napalunok ako. Sa huli ay napatuwid ako ng pagkakaupo. "Bakit po ba, Mr. Vernan?"
"We're going to Manila," aniya.
What the-?!
"Bakit po ba?" Tanong ko.
"I am having a business trip."
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...