Chapter 10

955 22 0
                                    

Silence

Matapos ng klase ay dumiretso ako sa Computer Engineering Department building. Maghihintay ako roon kay Gabriel imbes na sa library kung saan kami karaniwang nagkikita.

Ngayong araw, mas maagang natapos ang klase ko kaysa sa kanya. Napatingin ulit ako sa picture ng schedule niya sa aking phone. We send our schedules to each other. Dapat daw kasi alam niya kung kailan natatapos ang klase ko. To be fair, binigyan niya naman ako ng schedule niya.

"Nazie? Bakit ka nandyan?" Nagtatakang tanong ng isa kong kaklase. Napadaan kasi siya sa harap ko.

"Hinihintay si Gabriel," kaswal ko namang sagot.

Nanlaki ang mata ng kaklase ko. "Oh my! Sinagot mo na? In fairness, bagay naman kasi kayo," sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa. Ni wala ngang ligawang nangyari. Papaano ko 'yon masasagot?

"Asa," sabi ko at napairap.

"Magpakipot ka pa!" Aniya. "Bahala ka!"

"Aywan ko sa'yong, gaga ka!" Ani ko naman.

"Sige na. Bahala ka. Alis na ako," aniya.

Imbes na maglakad palayo, lumapit pa siya at may binulong.

"Rinig kong maraming gwapo sa Engineering. Good luck sa boy hunting!"

Binatukan ko na. "Hindi ako nagbo-boy hunting! Lintek!"

"Ay, nakalimutan ko. Hinihintay mo pala si Gabriel." Mas lalo niya lamang akong tinukso.

Natatawa na lamang ako sa sinabi niya. Tinadyakan ko siya sa tuhod.

"Aray naman!" Bulalas niya. "Kaya bagay sa'yo ang Nazie eh! Kasing brutal ka ng Nazi-"

People make fun of my name. Nazrene sounds like Nazarene. Sinasabi nga nila. Ang kulot na buhok ko ay tulad ng Nazareno ngunit sa aspeto ng pag-uugali, kabaliktaran daw ako. Another is how my nickname Nazie sounded like Nazi.

Tinadyakan ko siya ulit. "Umalis ka na nga. Nakakapikon ka na ha!"

Hindi naman ako napikon. Sanay na kaya ako. Tawang-tawa pa nga ako eh! Kaya lang, minsan, ang sarap lang manapak dahil sa sobrang gigil.

Mukhang ang kaklase ko pa nga ang napikon. Pinandilatan niya ako. "Aalis na nga!" Angil niya ay umalis na nga.

I watch my classmate walk away. Sakto namang natapos na ang klase ng mga taga-Computer Engineering.

"Naghihintay pala ang girlfriend ni Gabriel," ani Mateo. My gosh! Alam naman nilang walang ligawang nangyari, hindi ba? Umaarte pa silang walang alam!

Inirapan ko lamang sila at linagpasan. Agad akong lumapit kay Gabriel.

"Jacket mo," sabi ko at ibinalik sa kanya ang jacket na pinahiram niya sa'kin kagabi.

He took it and looked at me with concern. "Are you okay with your mother, now?"

Napasinghap ako habang inaalala ang pangyayari kagabi. Gabi na akong umuwi ng bahay kaya hindi ko siya nakausap. Agad akong nagkulong sa kwarto ko. Maaga rin akong umalis sa bahay kaninang umaga.

Pinilit kong ngumiti. "Yes. Nag-usap na kami. Okay na."

Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi naniniwala sa kasinungalingan ko.

I smiled wider to look more convincing. Tinaas ko rin ang kamay ko na tila bang namamanatang makabayan ako. "Swear, Gab!"

Napabuntong-hininga na lamang siya. "Whatever you say. Halika na. May gagawin pa tayo."

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon