Chapter 15

885 21 1
                                    

Tanggap

"Paano kung totohanin na lang natin? Hindi na magiging kasinungalingan 'yun, 'di ba?"

I felt every of my nerves in euphoria. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin!

Napatitig lamang ako sa kanya. Hinihintay kong sabihin niya ang katagang 'nagbibiro lang ako.'

At hindi naman kasi siya ang tipong mapagbiro!

Bahaw akong tumawa. "Gabriel, hindi ka bagay magbiro."

Ngayon, siya naman ang nakatitig sa akin. Bakit parang pinagpapawisan ako? Kakaligo ko lang ah!

"Gabriel, huwag mong akong bigyan ng seryosong mukha kung nagbibiro ka," ani ko.

"I'm serious, Nazrene."

Oh my god! Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa mundo!

"Teka nga! Bakit ang napakabiglaan? Akala ko ba ayaw mo sa'kin?" Tanong ko.

He smirked. "Ikaw yata ang nagsabi niyan."

"Gabriel, huwag kang magbiro!"

"I'm not." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay. Unti-unting pumungay ang kanyang mga mata.

Hindi ako makapagsalita. Sobrang nawindang ako sa mga nangyayari. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil baka hallucination lang yata 'to.

He held my hand tighter. It was my proof that I'm in the reality now.

"Sorry kung ginulat kita. I just want to be straightforward with you," sabi niya. "I just want you to know..."

Halos hindi ako kumikisap kakatingin lang sa kanya. Umawang ang bibig ko pero wala namang lumalabas sa bibig ko.

Wala yatang alam sa panliligaw ang lalakeng ito!

Hindi siya romantiko. Biglaan nga kahit pag-amin ng nararamdaman niya sa akin. Ngunit, presensya niya pa lang sapat na para magwala ang mga kulisap sa tyan ko.

Hindi ko na rin maramdaman ang puso ko dahil masyadong mabilis ang pagtibok nito.

"Sinasabi ko na ngayon dahil gusto kong sa akin ka na bago pa ako gumraduate," aniya.

Napangiti ako. "Magse-sembreak pa nga lang eh."

Nanaginip ba ako? My god! Totoo ba talagang nangyayari 'to? Marami naman ang nabasa kong pocketbook na lovestory kaya kahit wala akong experience atleast may alam ako. Pero, wala yata akong nabasang tulad ng ganito. Hindi ba dapat nagbibigay siya ng motibo? Naging manhid ba ako para hindi agad mapansin iyon? Hindi naman ah! Hindi lang siguro talaga marunong manligaw.

"Kung hihintayin ko pa ang Marso, I can't court you. I may not make you stay with me," he told me.

Kahit Abril ka pa magtapat sa'kin, sasagutin pa rin naman kita. Gusto kong sabihin pero ayaw ko namang isipin niyang napaka-aggressive ko naman.

Hindi ko alam kung bakit tinawag ko siyang pangit o nerd noon. I may had stereotyped him before given that some of his friends are actually geek.

Right now, I have been given a chance to thoroughly study his features.

Manipis ang kanyang ilong. Mahahaba ang kanyang pilik-mata. Manipis ang labi. Mapupungay ang mga mata. He always look serious and sincere. Tingin pa lang malalaman mong matalino at mataas ang reputasyon niya.

I may have been blinded by my judgmental nature before. However, I see him as someone I should look up to now.

He's too straightforward with a lack of sense of romance. Ngunit, hindi ko alam kung bakit kahit wala man lang ka-romance-romance ang pagtapat niya sa akin ay kinikilig ako. Nasisiyahan ako.

Kahit walang kaekspre-ekspresyon ang mukha ko ngunit nagdiriwang naman ang kalooblooban ko. Kumakabog ng husto ang aking puso. Napakagat-labi ako para mapigilan ang aking pagngisi.

Kahit may nang-iimbyerna sa akin, hindi na agad umiinit ang ulo ko dahil nagtapat sa akin si Gabriel.

Hindi rin natapos ang araw na hindi humingi ng patawad si Sapphire. Hindi ko alam ang nangyari. Siguro ay napagtanto niya ang kasalanan niya. Baka sinapian ng anghel!

"I'm sorry, Naz," she said. Medyo kulang sa sinseridad pero pinatawad ko na lang. Mabait ako ngayon.

Biniyayaan ako ng Diyos ngayon kaya magpapakabait muna ako.

Days past and the day went on as usual. Gabriel and I kept our usual relationship. Ngunit, hindi ko pa siya sinasagot. I don't want to keep it to the next level yet.

Kahit gusto ko siya, hindi rin naman ako easy to get.

Hindi ko pa siya sinasagot pero dahil sa nangyari sa amin ni Sapphire, akala na ng buong eskwelahan na kami na nga.

We let it stay that way.

Bahala sila kung maniniwala man sila.

Linggo nang naisipan ng tiyahin kong bisitahin at kumustahin ako.

"Tita Grachelle," ani ko at nagbeso sa kanya.

Kasama niya ang anak niyang si Aubrey.

"Nagdala ako ng pagkain. Mabuti pa't maghanda ka ng hapag," malamig niyang saad.

Tita Grachelle is hard on me but by visiting me here, she shows that she cared. Hindi ko lang alam kung totoong bang may concern siya? O, dahil lang ba pamangkin niya ako kaya pakiramdam niya'y obligado siyang magpakatiyahin sa akin?

Biglang nalaglag ang isang plastic na pinggan.

"Lintek! Bwiset!" Bulalas ko dahil sa gulat.

"Iyang bunganga mo, Nazrene, ha! Sinong matinong lalake ang magkakagusto sa'yo kung ganyan ang bunganga mo?" Pinagsabihan na naman ako ni ng aking tiyahin.

"Mama, may nagkakagusto na dyan sa kanya," sabi ni Aubrey. "Sila na nga eh."

"Baka hindi naman matino," sabi ni Tita Grachelle. "Hoy, Nazrene, mag-iingat sa mga lalake ha. Ki bata-bata mo pa, mga nobyo na ang inaatupag mo. Huwag kang susunod sa nanay mong disgrasyada. Tatandaan mo 'yan!"

Noon, nasasaktan ako kapag ganyan makapagsalita si Tita Grachelle. Ngunit ngayon, wala na itong epekto sa akin. Alam ko namang hindi ko gagayahin si Mommy. At, mas lalong hindi katulad ni Gabriel si Daddy na minadali ang lahat para sa kanila ni Mommy.

Pero, tinatanggap ko naman ang mga binitawan niyang kataga bilang isang pangaral na dapat kong isaisip.

"Mama, kahit madisgrasya man si Nazie ay maykaya naman ang magiging ama ng anak niya. Plus, maganda pa ang genes.

Napanguso ako sa sinabi ni Aubrey. Siya lang ang natuwa sa sinabi niya. Si Tita Grachelle naman ay seryoso pa rin.

"Bakit? Sino ba ang boyfriend mo, Nazrene?" Seryosong tanong ni Tita.

Napakagat-labi ako. Hindi pa naman kami ni Gabriel eh.

"Anak po ng may-ari ng school namin." Si Aubrey na ang sumagot para sa akin.

Nagulat si Tita Grachelle at napabaling sa akin. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin.

"Mga Vernan?" Kumunot ang noo ni Tita.

"Opo!" Si Aubrey naman ulit ang sumagot. Napakasumbongera niyan kahit noon pa man.

"Naku, Nazrene." Tita Grachelle's face slightly hardened. "Baka isipin ng pamilya niyan na pera lang ang habol mo."

"Hindi naman po ako ganoon, Tita," pagdedepensa ko sa sarili.

"Alam ko. Pero, hindi mo alam kung ano ang tingin nila sa'yo. Rich people would want to marry someone who equals them. Bihira lang ang magkakagusto sa tulad natin."

"Nega mo, Ma!" Napairap si Aubrey.

Hindi naman talaga ganoon sa lahat ng sitwasyon, hindi ba?

Hindi lahat ng mayaman, mata-pobre. Hindi lahat ng mahirap, mukhang-pera.

👓

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon