Too Close
Paggising ko ay agad akong ginapang ng kaba nang magising ako sa ibang kama. I still wore my dress from yesterday. Pareho naman ang bedsheets, ang chandelier, ang interior designs...
Pero, hindi talaga ito ang kwarto ko.
Linibot ko ang aking tingin sa malaki at tahimik na silid.
I was on bed and my boss is sleeping in a couch!
Nakakahiya ka, Naz!
Nakatulog yata ako kakanood sa kanyang magtrabaho kagabi!
Dahil sa tangkad niya ay nakabaluktot siya upang kumasya sa couch. Tanging ang coat niya ang siyang nagsilbing kumot niya.
Ako ang nahihirapan para sa sitwasyong niya. Ngunit, sa ganoong sitwasyon ay mapayapa naman ang mukha niyang natutulog.
Marahan ko siyang yinugyog upang gisingin. "Sir?"
He was sleeping heavily. Masyado niya kasing pinapagod ang sarili niya sa trabaho.
"Sir?"
Lubos siyang napuyat kaya hindi man lang siya nagising kahit nakatatlong beses na akong sumubok na gisingin siya.
Napangiti ako. I ran my fingers on his tousled, jet black hair.
"Medyo na-miss ko rin ang kalbo mo noon," bulong ko. I suppressed a smile as I remembered he had a military cut way back. Kinutya ko pa nga siya noong parang adik!
Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa kokote ko noong mga araw na kinukutya ko siya.
I crossed my legs as I sat on the floor.
Para akong tangang pinapanood si Gabriel na mahimbing na natutulog. I smiled to myself.
"Sorry," bulong ko. "Mabuti rin namang nakalimot ka. Ako lang naman dapat ang masaktan dito dahil ako ang nang-iwan. Tanggap ko naman ang karma ko."
Malungkot ko siyang tinititigan. Pinagsisihan ko ang nangyari ngunit siguro'y mabuti na ring iyon ang nangyari. He turned successful, anyway. At, masaya ako para sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo lang doon at pinanonood siya.
"Gising ka na pala," sabi niya bigla. Agad akong napatayo sa gulat. Pakiramdam ko'y bigla na lang nalaglag ang puso ko!
Nakapikit pa rin ang mga mata niya. He shifted to his other side, his back is now facing me.
"Ah... opo," sabi ko. Nagsimulang manlamig ang mga daliri ko at dahan-dahang kumalat iyon sa kalamnan ko. "Uhmm... Ano... Uhmm... Baka gusto niyong doon kayo sa kama niyo matulog?"
Hindi na siya sumagot. Nakatulog ba siya ulit? Was he just sleep talking?
"Sir?" Napangiwi ako.
"Magtimpla ka ng kape," aniya. Medyo paos pa ang boses niya dahil kakagising niya lang.
"Okay po," sabi ko. Agad kong sinunod ang gusto niya.
Pagbalik ko ay nakaupo na siya sa couch at nasa trabaho na naman.
His hair was still disheveled. Nakaputing sando na lang siya, ngayon.
He's exposing his cast-iron arms!
From a powerful business tycoon with his suit and tie, he is now a ruggedly handsome man making any woman create obscene thoughts about him!
And, honestly, I'm no different from those women.
I understand that he's hot but does he feel hot with the aircon on full blast?
"Kape niyo, Sir," sabi ko. Inilatag ko ang kape at tumayo lang sa tabi niya. May narinig ba siya sa sinabi ko? Jusko! Nanginginig at namamawis ang mga kamay ko. Napakagat-labi ako. Ang puso ko naman ay trumiple ang lakas ng pagkabog. Itatanong ko ba kung may narinig siya? Paano kung magtatanong ako at wala naman pala siyang narinig? Magtataka lang siya!
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...