Chapter 34

947 17 1
                                    

Nagsisi ba?

"Ay, naku, Nazie!" Napasapo ng noo si Aubrey. Napailing siya at pasarkastiko pa akong pinalakpakan. "Alam kong sadista ka. Pero, whoo! Grabe! Masokista ka rin pala! Martir-martiran?"

Nagsisimula na kasi akong magplano para sa surprise ni Gabriel sa liniligawan niya.

"Ano'ng pinagsasabi mo, Aubrey?" Inirapan ko ang aking pinsan. 

Heto ako ngayon. Nganga!

"Nazrene, hindi ako maniniwala kung sasabihin mong naka-move on ka na. Masakit na may gusto na siyang iba, hindi ba?" Tumaas ang kilay ni Aubrey. "Naku! Mana ka kay Tita Marianne. Mga martir! Hindi ka nga lang disgrasyada...."

Sinapak ko na. "May pahabol pa talaga?"

"Bakit ba kasi ikaw ang paplano?" Tanong ni Aubrey. "Ang plastik niyang manligaw ha! Dapat siya ang nag-eeffort."

"Nagpapatulong nga siya, di'ba? Hayaan mo na. Busy naman kasi ang tao," sabi ko.

Nandito kasi nag-aaral si Serafina kaya naisip kong gawing kasabwat 'tong pinsan ko.

"Bakit sa'yo noon..."

"Ano'ng noon?"

"Hindi ba sinasadya ka talaga niya noon sa Capiz?" Tanong ni Aubrey. "Kung may gusto siya sa estudyante ko, bakit ni anino niya wala akong nakita rito? Dapat sinasadya niya ang liniligawan niya."

"Busy nga kasi ang tao," sabi ko.

"Busy? Bakit nang naging kayo? Busy rin siya, di'ba? Pero halos araw-araw ka niyang tinatawagan."

"Nagtatawagan din sila gabi-gabi," sabi ko. Isang beses ko lang naman siyang nakipag-usap kay Serafina pero malay natin kung palagi silang nag-uusap, di'ba?

"Feeling ko hilaw 'yang feelings niya," sabi ni Aubrey. "Naku! Hindi na ako magugulat kung malalaman kong pinapaselos ka lang niya."

"May amnesia 'yon! Gaga!" Sabi ko sa kanya.

"Hay naku! Ewan ko sa'yo. Gaga ka rin!" Sagot niya.

Napailing na lamang ako. Tuwing nag-uusap kami sa plano ko palagi niyang sinisingit na baka raw pinapahirapan lang ako ni Gabriel. Kung ganoon, bakit mabuti siya sa akin. If he really remembered everything about us and how I have hurt him, why is he still being kind to me and my mother?

Sinong galit na tao ang nagbibigay ng pamasko at pambagong taon?

Sinong galit na tao ang magdadala ng taong sinaktan siya kanya sa Ocean Park?

Kung totoong may hinanakit siya sa akin, sana hinayaan niya na lang akong manatiling walang trabaho at magutom, hindi ba?

"May activities para sa Valentine's day," sabi ni Audrey. "May battle of the  bands. Siguradong manonood lahat ng students para sumuporta sa bandang magrerepresent sa course nila."

Tumango-tango ako. "Ano ba ang course ni Serafina?"

"Social Work."

Wow! Vocation niya na pala ang tumulong. Mabait nga talaga siguro siya.

"Gawin ko kayang kasabwat ang banda sa Social Work?" Sabi ko.

"Wow! You need your socializing skills for that!" Sabi ni Aubrey. "Do you even have that socializing skill?"

"Hey! I'm a changed being!" I said with sass.

Sa huli ay natawa na lamang kami ni Aubrey.

Pero, agad ring umiba ang expression ko. Masaya lang akong nakikipagkwentuhan sa aking pinsan ngunit nahagip ng aking tingin ang isang personang ayaw ko na sanang makita. Ngunit, heto at pinagkrus na naman ang landas naming dalawa.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon