Chapter 42

1.1K 23 2
                                    

Low Reputation

"Finally got a date, couz?" Ngumiti ang lalakeng biglang nagpakita sa harap namin. May mga kasama siya. Five men that shares some features with Gabriel and four women, they all look high class.

Mas lalo ko tuloy naisip na panira lang ako ng imahe nila.

"Shut up, Rio," ani Gabriel sa ngising-ngising lalake.

"I've noticed, something," the woman clinging around another guy with red necktie said. "Kadalasan, iyung babaeng dinadala niyo rito sa anniversary ay nakakatuluyan niyo. Right, Rio?" Tumingin siya sa kasama nilang nakangiti pa rin. "Kahit isa kang malaking bugok, si Kaye lang dinala mo bilang date rito. Same goes with you, Lucas. Si Ruth lang lagi ang dinadala mo." Bumaling naman siya sa isang lalake sa tabi ni Rio.

I felt my cheeks feel warm. Napayuko ako dahil baka mapansin nila.

Does my foundation have the power to cover my heating face, though?

I just formulated a stupid question!

"Sky, that's only true for the Salvalozas and for you and Red," another woman in blue gown refuted the statement. "Tingnan niyo si EJ, iba-iba ang ka-date every year."

The one who they referred to as EJ just smiled. Hinawakan niya ang kamay ng ka-date niya at ipinakita ang diyamanteng singsing na suot ng babae. "But, I swear, she'll only be my date for the next years."

Napatingin ako sa babaeng matipid lang ang ngiti. Hindi ako sigurado kung masaya ba talaga siya o likas lang siyang mahiyain.

The lady wearing an elegant blue gown frowned. Mukhang hindi siya kumbinsido sa panayam nung babaeng tinawag nilang Sky.

"Hindi ako nakadalo sa anniversary na ito until I was already married to him," she said, referring to her husband.

"He's too eager to marry you, Erina," a tall and porcelain-skinned girl, probably Lucas's wife, said.

"How about Cyan, though?" Erina looked at the only guy with no date or whoever. Seryoso lamang ito at kanina pa hindi nakikisama sa tawanan ng magpipinsan. "He's married but we never personally met his wife."

"She prefers not to come," Cyan answered nonchalantly. "Isa pa, baka mapagod lang siya."

Gabriel's cousins are intimidating but they are actually nice. Nasa dugo nga siguro nila ang kabutihan.

Hindi ko nga lang alam kung ang kabutihan ay katulad nang kabutihan ni Gabriel.

Napatingin ako kay Gabriel.

Tsk! Tsk! Tsk!

Kabutihan niyang may bahid ng kasamaan!

Napailing ako sa sarili ko.

Nag-umpisa na rin ang party. Isa sa mga Seven Seats si Gabriel. Isa-isa silang nagpaunlak ng speech. Due to their naturally large family, they didn't have the chance to seat in one table.

Labing-apat silang magpipinsan tapos naroon din ang mga magulang nila. Most of them have their date or wives. Some of them have children.

Jusko! Gaano kaya kahaba ang mesa? Hindi ko ma-imagine!

I glanced at the the triplets whom I share the table with.

Noon, nasabi kong kung gaano ka bait si Gabriel, ganoon kagago si Miguel. Ngayon, tuwing napapatingin ako sa kanila hindi ko mapigilang sabihin sa sarili ko, kambal nga talaga sila. Wala silang pinagkaiba eh!

Sera, who was Miguel's date, ate quietly beside me.

Sa tabi naman ni Raphael Vernan ay si Maureen. She insisted to sit with the Vernans dahil wala naman daw date si Raphael.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon