Chapter 14

792 27 4
                                    

Hindi na Kasinungalingan

Habang nagpapatianod ako sa hila niya ay minumura ko naman ang sarili ko sa aking isipan nang walang preno!

Nakakahiya ka, Nazrene! Ang gaga-gaga mo. Parang timang ako habang pinagagalitan ang aking sarili.

Napadpad kami sa locker area. Walang katao-tao roon maliban sa aming dalawa. May kinuha siya sa kanyang locker. It was a varsity jacket. Oh, wait! I would like to emphasize that it was his varsity jacket.

Vernan was written in script at the back part of the jacket.

"Isuot mo," aniya at kinuyom ang kanyang panga.

"Marurumihan lang 'yan," sabi ko habang iniiwas ang mga tingin ko mula sa kanya.

"Isuot mo na at ihahatid kita sa bahay mo," sabi ko.

Matapos iyon ay totoong hinatid niya nga ako sa bahay.

Akala ko ihahatid niya lamang ako. Nabigla ako nang sumunod siya sa akin papasok sa bahay.

Naligo na ako agad at nagbihis ngunit hindi pa rin siya umaalis sa bahay.

"Hindi ka babalik sa school?" Sabi ko habang sinusuklay ko ang aking basang buhok. 

He looked at me ardently. "Why did you say that?"

Natigil ako. "Say what?"

Umigting ang kanyang panga at nanatiling seryosong-seryoso ang kanyang mga tingin.

"That I'm your boyfriend."

Napalunok ako at napasinghap. Nagsimula akong kumapa ng idadahilan ko sa kanya pero wala akong mahanap. I tried to act casually and just forget about what happened. Akala ko nga iyon din ang gagawin niya dahil hindi niya ako tinanong tungkol doon hanggang ngayon.

I said it because I want him and tell everyone that I want him! 

Hindi ko naman maaaring sabihin iyon sa kanya!

"I was..." I pursed my lips for a while. Hindi ko alam kung maghahanap ba ako ng rason o tuluyang i-abandona ang topiko at magsimula ng panibago. Pero, mas pinili ko na lamang ang unang opsyon.

"I was losing my temper with that girl!" Pagdadahilan ko.

Bahagya siyang tumango pero mapanuri pa rin ang tingin.

"Walang hiya! Binuhusan ba naman ako ng isang baldeng putik! Tama lang iyun sa kanya. Mamatay siya sana siya sa selos. Wala na akong pakialam!" Sabi ko.

You just want Gabriel for you and because you're threatened you just lied to everybody that you're already in a relationship! Somewhere in me, perhaps my subconscious, said.

"You don't have to say those, though," he said with a hint of amusement by smirking. "Linagay mo na naman ang sarili mo sa alanganing sitwasyon."

Natahimik ako. Tama nga siya...

"What if they'd ask me and I denied your statement? Mapapahiya ka lang, Nazrene."

"I know... I'm sorry..."  Sabi ko. Nagsimula akong mag-isip ng paraan upang bawiin ang sinabi kong kami na ngunit wala na akong makitang paraan. Kung babawiin ko man ang sinabi ko kanina, tiyak na mapapahiya ako. Mas bababa ang tingin nilang lahat sa akin. Baka sabihan pa akong 'ambisyosa' at 'ilusyunada.'

Ako na ang nagsabing gusto kong maging respetado ako sa harap ng lahat. Gusto kong hinahangaan ako at hindi inaapak-apakan.

Pero, ako rin mismo ang wawasak ng kredibilidad ko bilang tao.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon