Epilogue

1.9K 35 10
                                    

𝒢𝒶𝒷𝓇𝒾ℯ𝓁 ℒℴ𝓇ℯ𝓃𝓏ℴ 𝒱ℯ𝓇𝓃𝒶𝓃

"Tanggap ba talaga ako ng pamilya mo, Gabriel," Tanong ni Nazrene sa akin.

Matipid ko siyang nginitian. She looks way to formal for the family meet-up. Naka-blazer siya na may mahabang pencil skirt.

"Walang business meeting ngayon, Naz," sabi ko sa kanya.

Pinandilatan niya lang ako. Kusa na lang akong natawa sa pinapakita niyang ekspresyon. "Business people din kayo ah. Kailangan kong makisama."

"Paano kung sa beach tayo pupunta, corporate attire ka pa rin?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nalaglag ang kanyang panga sa sinabi ko. "Bakit hindi mo agad sinabi, Gabriel?"

Agad siyang pumasok ulit sa kanyang kwarto. Kung kanina ay isang oras ang inabot niyo, ngayon limang minuto pa lang nakapalit na siya ng puting bestida.

"Ito lang ang mayroon ako, okay lang ba?" Tanong niya. "Off-shoulder kaya baka ayaw ng Mommy mo o 'di kaya mga tita mo," sabi ko.

Nagtiim-baga ako. There she goes again. Masyado siyang nag-aalala ng mga negatibong bagay na maaaring mangyari. Masyado niya ring binababa at hinuhusgahan ang sarili niya.

"Akala ko hindi ka na magpapaapekto sa panghuhusga ng iba?"

"Gab, kailangan ding magbago ng tao para sa ikabubuti niya," sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya, kung may gusto kang suggestion ng kung anong ugali ang dapat kong baguhin, sabihin mo lang."

Naiintindihan ko ang kagustuhan niyang maging mas mabuti. Ngunit, ayokong manggaling sa akin iyon.

"Nagustuhan kita bilang ikaw. Hindi kita binago sa mga panahon na naging tayo dahil tanggap ko kung ano ka. Ang pamilya ko... huwag mo nang alalahanin, maiintindihan nila. Wala silang magagawa dahil ikaw ang mahal ko," sabi ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at hinayaan niya pang iyon. Ni hindi niya nga ito hinawakan pabalik.

I can give her the assurance that she needs but she never really did assure me of something. Everytime she says something, there is always a hint of uncertainty. Kaya ako natutong hindi paniwalaan ang sinasabi niya eh!

Naalala ko noong oras na nakita ko si Bernard.

Masyadong makupad ang galaw ng trapiko. Kinuyom ko ang panga ko. Malapit na akong ma-late.

Nang napatingin ako sa gilid ng sasakyan ay nahagip ng aking tingin si Bernard.

I gritted my teeth. Why would I forget that man? That man who Nazrene called her husband?

I swerved the car out of the line. Agad ko itong pinarada sa tabi. Napahigpit ang kapit ko sa manibela habang pinanonood ang masayang mukha ng gagong iyon habang ang isa niyang kamay ay nakahapit sa baywang ng isang babae.

With that view, I felt my blood rush in rampage. Parang akong sinindihang granada. I can lash out the soonest.

Agad akong bumaba. I stormed my way to that man and punched him in the face.

"Ano'ng problema mo?" Reklamo niya nang humagalpak siya sa sahig.

That punch... Hindi pa ako nakuntento. I want to give him another punch. I badly want to.

"Nagpapakahirap si Nazrene sa abroad tapos nandito ka may kalampungang babae?" Angil ko at kinwelyuhan siya. Nanilim ang paningin ko. Wala akong pakialam kung gumagawa man ako ng eskandalo.

This man cheated. He deserves it.

Humagalpak sa tawa ang lalake.

"Ano'ng pinagsasabi mo? Asawa ko 'yang pinagbibintangan mo eh!" Sabi nang babaeng kalampungan ni Bernard.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon