Him
Sobrang tapang at galit ko kahapon pero ngayon...
Walang tigil ang luha ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga luha ko.
Putangina! Bakit kasi umiiyak akong parang timang dito?
Nandito lang ako sa kama at basang basa na ang unan ko. Kanina pa ako umiiyak. Mismong kumot ko nga ginawa ko ng pamunas sa mga luha ko.
Naninikip ang dibdib ko sa sobrang guilt. Kabutihan lang naman ang pinakita ni Gabriel pero nakipaghiwalay ako sa kanya ng basta-basta. Sa text pa talaga!
Iisipin niya 'nun hindi ako kailanmang naging seryoso sa kanya.
Pero mabuti na rin siguro 'yun. Mas mabuti kung magalit siya sa'kin, hindi ba? Hindi na siya magpapakita sa akin.
Rinig ko ang pagpihit ng pinto.
Paniguradong si Mommy iyon. Agad akong nagtago sa ilalim ng kumot.
"Nazie? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Umuga ang kama dahil napaupo siya sa tabi ko.
"Masakit ulo ko, My." Medyo basag pa ang boses ko. "Mamayang hapon na lang ako papasok."
Masakit naman talaga ang ulo ko. My mother suddenly pulled the blanket down.
I quickly turned my back on her. Ayaw kong makita niya ang namumugto kong mga mata.
"Galit ka ba sa'kin, anak?"
"Hindi, My."
"Totoo ang sinasabi ko, Nazrene. Hihiram lang naman sana ako ng five hundred thousand. Alam mo na? Pangkapital sa pwedeng inegosyo at panggastos sa gamot ko na rin. Pero nabigla akong isang milyon na ang nasa loob ng bank account ko," paliwanag ni Mommy. "Sorry na, 'nak."
Pinunasan ko ang mga luha ko at napaupo. "Mommy, naiintindihan ko naman po eh. Kahit mainis man ako sa'yo dahil sinikreto mong humingi ka ng tulong pinansyal kay Gabriel, hindi kita masisisi. Gipit tayo ngayon. Kailangan ring umutang. Okay lang, My. Maghahanap na lang po ako ng trabaho para mabuhay tayong dalawa."
"Paano kayo ni Gabriel, anak?"
"Mommy, tinapos ko na po kahapon, hindi ba?"
"Alam kong napilitan ka lang dahil sa kapatid niya."
"Mas mabuti na rin pong maghiwalay na lang kami. Nasa mahirap na sitwasyon kaming dalawa. Mas mabuting magkanya-kanya kami."
Tinapon ko na rin ang sim card ko nang hindi na niya ako makontak.
Nagdesisyon akong huwag nang ipagpatuloy ang pag-aaral. Nagtrabaho ako sa isang convenience store habang sa gabi namin ay sa isang club bilang waitress.
Okay lang naman kay Mommyng sa club ako dahil may tiwala siya sa'kin at kaibigan niya naman ang may-ari.
Napatingin ako sa aking sariling repleksyon sa salamin. Nakailang buntong-hininga ako habang linalagyan ang aking mukha ng kolorete.
My naïve face is now covered with a more mature countenance.
I earned a bad reputation and I know it will be worse! Kahit hamak na waitress lamang ako sa club, iisipin pa rin ng mga taong walang magawa kundi bantayan ang bawat pagkakamali kong nagte-table ako ng kung sinong lalake para umahon.
Sa paningin nila, ako ay may kitid na utak na walang maisip na solusyon kung hindi ang kumapit sa patalim.
My lips looked fuller with the brick red lipstick. My round eyes are more emphasized with the smokey eye shadow.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...