Sate Yourself
Kusang gumalaw ang mga paa ko papuntang banyo. Iyon lamang ang naisip kong lugar na pwede pagtaguan.
Nandito siya at hindi ko siya kayang harapin ngayon. Punumpuno ako ng hiya sa sarili at kung pwede lang sanang magpalamon sa lupa, magpapalamon talaga ako!
Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya at wala na rin akong dahilan upang makipagkita sa kanya.
Tinigil ko na ang relasyon namin sa text at sana makuha niya namang walang kwenta akong babae dahil nakipag-break ako sa text lang!
Nagtratrabaho ako sa club. Kahit hindi naman ako sa bumibenta ng kanilang katawan, hindi maiiwasang isipin niya 'yon. I want to clear my name to him. Ngunit, para saan pa? Wala na kami kaya iisipin niya ang nais niyang isipin at wala na akong dahilan pang magpaliwanag.
I was drowned with anxiety that I didn't notice the fucking, arrogant customer was actually following me!
"Hoy, bastos ka ah!" Umalingawngaw ang boses nung kustomer.
"Wala ka namang order eh. Bakit pa kita pag-aaksayahan ng oras?" Matapang kong sagot. Mas binilisan ko pa ang lakad ko.
May pinoproblema ako ngayon at nakakairita dahil dumadagdag pa siya.
Marahas niyang kinuha ang aking braso. Napangiwi ako sa sakit. "Hindi mo ba ako kilala?"
"Sino ka ba?" Tanong ko balik habang sinusubukang bawiin ang braso ko.
"Anak ako ng Mayor dito!"
"Eh ano ngayon?" Tinaas ko ang aking kilay.
Tinulak niya ako sa kalapit na pader at siniil niya ako ng halik. Nanlaban ako ngunit hindi sapat ang lakas ko para maitulak siya ng husto.
Iniwas ko ang aking mukha upang hindi niya ako mahalikan ngunit mas lalo ko lang palang pinalala ang lahat.
I just gave him the access to my neck!
"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Sigaw ko.
He just banged me against the wall. He caged me in his arms and I am unable to escape.
Maiinit na luha ang dumaloy sa mga mata ko dahil pilit man akong manlaban, hindi pa rin 'yon sapat. Walang ibang tao sa banyo at kung sisigaw ako, wala pa rin namang makaririnig. Ano'ng laban ng boses ko sa malakas na dagundong ng music sa labas?
Napasigaw ako nang naramdaman ko ang ngipin ng lalake sa balikat ko. He fucking sucked my skin like a vampire, hungry for flesh.
Naging mabilis ang pangyayari matapos 'nun. Nakita ko lang na may humigit sa lalakeng nais babuyin ako. Pinanood ko ang lalakeng iyong sinusuntok ng isa pang lalake.
Imbes na maginhawaan dahil nasagip ako mula sa lintek na lalakeng nais babuyin ako ay lalo lamang nanikip ang dibdib ko.
Nakatalikod siya sa akin habang marahas niyang sinipa ang manyak na kustomer. Nanlalabo man ang aking paningin dahil sa mga luha ay alam ko kung sino siya. At hindi ako magkakamali roon.
Sobrang galit ako sa kustomer na balak gumahasa sa'kin ngunit ayaw ko rin naman siyang mapatay ng minsa'y tahimik at kalmado ngunit ngayo'y marahas na si Gabriel.
"Gabriel! Tama na!" Sigaw ko.
Nagbingi-bingihan si Gabriel. He, still not being gratified, continued kicking the guy.
Agad kong hinila ang laylayan ng t-shirt niya at hinila siya papalayo.
"Please, Gabriel! Huwag kang pumatay ng tao!" Sabi ko habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...