Chapter 36

955 19 2
                                    

Surprise Disaster!

Mas binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa tuluyan ko na talagang tinatakbo ang malapad na daan. Gusto ko lang talagang umalis sa lugar na 'to. Gusto kong umalis sa lugar kung saan nagsimula at natapos ang lahat sa'min ni Gabriel.

Natapos na ang ang pag-asa kong baka magkabalikan kami. Tanga ko lang dahil umasa pa talaga akong may tsansa kami!

It's officially over, Nazrene. All hopes are gone, now.

Natigil ako sa biglaang pagparada ng isang sasakyan sa harap ko. Biglang may bumaba.

Kumunot ang noo ko.

"Miguel?"

Matalim at brutal ang mga titig ni Miguel sa akin. Tila may hindi matunaw-tunaw siyang galit sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago.

May isang sasakyang pang tumigil kasunod lang sa sasakyan ni Miguel.

Doon may isang lumabas. Isang lalakeng halos kasingtangkad nina Gabriel ang lumabas doon.

"Migz," tawag niya kay Miguel.

Napatingin ako sa lalakeng iyon. Nakasuot siya ng leather jacket. Ang mukha'y may pagkakahawig sa magkapatid na Vernan.

He may not share the mischievous attributes of Migz or the formal attitude of Gabriel yet he looks like his brothers –only mysterious and serious.

Of course, this mysterious man is the youngest amongst the triplets.

Raphael Vernan. Hindi ako maaaring magkamali. I've seen him in pictures.

Hindi ni Miguel pinansin ang kanyang kapatid. Marahas ang paghawak ni Miguel sa braso ko at hinatak niya ako upang sumunod sa kanya.

"Aray, Miguel!" Angil ko.

"Migz, can you just stop this?" Ani naman ni Raphael.

"Huwag kang makialam dito, Phil," singhal ni Migz.

Hinila ako ni Miguel pabalik sa open field.

"Miguel, kung mag-aaway kayong magkakapatid, huwag mo akong idamay!"

"Damay ka na, Nazrene," sabi ni Miguel.

All the attention was still drawn to Gabriel and Sera in front so the two Vernans weren't noticed.

"Today, I just wanted to say that..." Gabriel was speaking.

Then, Miguel stepped forward and took the spotlight.

"Time's up, brother," Miguel's wicked voice echoed.

"Miguel, itigil mo ang ginagawa mo," saway ko.

Tatlong beses ko lang nakita si Miguel pero sa tatlong beses na 'yon ay alam ko nang may ugali siyang panira!

"Ano, Naz?" Pasarkastikong ngumiti si Miguel. "Wala pa nga akong ginagawa, pinipigilan mo na ako. Paano mo malalaman ang plano ni Gabriel kung ganoon?"

"Migz, I don't think this is not the right time and place to pull a tantrum," Raphael spoke up. I can sense his frustrations towards his brother.

"Tantrums? Phil, masasaktan lang si Sera sa kagaguhan ni Gabriel!" Ani Miguel.

Kagaguhan?

"Miguel." Umalingawngaw ang boses ni Gabriel.

Napatingin ako kay Gabriel na may pagtataka. Gamit ang madidilim niyang mata ay matalas niyang tiningnan si Miguel na mas lalo lang yatang inuudyok si Gabriel na magalit.

The sly Vernan knows how to anger a calm Vernan.

"Ano, Kuya?" Sumagot pa si Miguel.

"Watch your mouth, Migz?" Si Raphael na ang sumuway sa kapatid.

"Huwag ka ngang sunod-sunuran kay Gabriel, Phil!" Singhal ni Miguel.

"Tumigil ka nga kasi Miguel!" Ako na mismo ang nagsalita. Pakiramdam ko kasi hindi sila titigil na tatlo kung hahayaan mo lang silang magsagutan.

"O, bakit, Nazrene? Hindi ba dapat masaya kang tinutulungan kitang magkabalikan kayo ni Gabriel!"

Bigla kong pinagsisihang sinubukan kong patigilin sila dahil sa akin na yata ang lahat nang kahihiyan. Nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng aking puso.

"Tumigil ka, Miguel," sabi ni Gabriel.

"What? Stop acting like you don't remember her when in fact you probably planned this all along! Akala mo ba hindi ko alam na pina-blacklist mo siya para walang magha-hire sa kanya?"

Isang suntok ang natamo ni Miguel. Hindi pa yata nakuntento si Gabriel at sinuntok niya pa ulit ang natumba at gulat na Miguel.

Hindi ako gumalaw. Tila ako ay parang estatwa. Pinanood ko lang ang bayolenteng Gabriel at ang hindi pa nakabawi sa gulat na si Miguel.

Second time...

This is the second time I saw him angered. I'm really guilty for causing him to build hatred in his heart.

"Napipikon ka rin pala, Kuya?" Hindi tumigil sa Miguel sa pang-aasar sa kapatid niya. "Bakit kaya? Dahil nabisto ko ang plano mo-"

Inangat ulit ni Gabriel ang kanyang kamao para sana suntukin ulit ang kanyang nakababatang kapatid.

I don't want to see him like this.

Kusang gumalaw ang mga paa ko. Tumakbo ako kay Gabriel at mabilis na hinawakan ang mga braso niya.

"Tama na," sabi ko sa kanya.

"Stop it, please." It was barely audible. I don't want to see him in this state. I don't want him to stain his image, his own reputation because of me.

"Mr. Miguel and Gabriel, please go to the office now." Umalingawngaw ang boses ng university director. "Ang lalaki niyo na para pag-away. Hindi porket kayo ang nagmamay-ari ng ito at alumni na kayo ay palalampasin ko ito.

With some assistance from the guards, they pulled the two Vernans away from the venue.

"I'm keeping Sera out of this until my two brothers settle things up," ani naman ni Phil na hinila naman si Sera palayo.

Ako naman?

Umalis na rin. Sa katunayan, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon.

Pakiramdam ko namanhid na yata ako. Kahit sugatan ko man ang puso ko, hindi ko na mararamdaman ng sakit.

"Napipikon ka rin pala, Kuya? Bakit kaya? Dahil nabisto ko ang plano mo-"

Naalala ko na naman ang sinabi ni Miguel. Napapaisip ako.

Hindi ako makapaniwala na mananakit at manloloko si Gabriel para lang sa plano niya... sa plano niyang saktan ako.

Masyado niya na akong nasaktan. At, marahil hindi ko mararamdaman ang kahit anong hapdi dahil walang papatas sa sakit na dinaramdam ko dahil sa kanya.

Bukod sa ina ko, siya lang ang pinahintulutan ng puso kong magpasakit sa akin.

When other people attempts to hurt me, I inflict pain back to them. I get angered and I can harm.

Pero pagdating kay Gabriel, hindi ko magawang magalit. Hindi ko magawang manakit. Sa halip, kinikimkim ko na lang kahit masyado nito akong pinapasakitan.

Ibang-iba na si Gabriel. Hindi na nga siya ang tulad ng dati.

I want him back to the old Gabriel I know but I have no guts to tell him to go back to his old self.

Binago mo siya, Naz, hindi ba? Gusto kong pukpukin ang sarili ko.

Ako ang dahilan kung bakit nabuhay siya sa pagkamuhi. Ako ang dahilan kung bakit nakakayanan niyang manakit. Hindi ko siya masisisi dahil tinuruan ko siya ng ganoon.

👓


FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon