Chapter 40

1.1K 24 9
                                    

Pay, Nazrene

"Ang gulo mo, Naz!" Napakamot ng ulo si Aubrey. "Nag-resign ka tapos bumalik-balik ka na naman doon?"

"He'll make me pay for the damages, Aubrey. Hindi ko nga matustusan ang pang araw-araw namin ni Mommy, papabayaran niya pa ako ng sikwenta mil? Jusko! Kung hindi ako magbabayad kakasuhan ako ng gago," sabi ko.

"Naniwala ka naman?" Ngumuso si Aubrey. " Aminin mo na kasing gusto mo rin siyang makasama."

Tinaasan ko ng kilay ang aking pinsan. Hindi dahil gusto ko si Gabriel ay ibig sabihin 'nun desperada akong magkasama kami palagi.

"It would be torture if he constantly make me feel guilty," I told her.

Labag man sa kalooban ko ay bumalik ako sa GVTech. I tried telling Gabriel to give me enough time because I don't want to get sued by Mr. Ganzon.

Nagawan naman ni Gabriel ng paraan. Binayaran pa nga ako ng dalawang linggo kong sweldo eh!

Pumasok ako sa kumpanya at lahat ng tingin ng empleyado ay nasa akin. Naririnig ko ang bulung-bulungan.

"Alam mo, ngayon ko lang nakita si Mr. Vernan na nabaliw sa babae."

"Alam mo, may kwentong kumakalat na naging sila pero naghiwalay daw. Nahuli siya ni, Sir, nagtratrabaho sa club."

"Club? Bakit sa club?"

"Malamang nagtratrabaho bilang pokpok."

I closed my eyes. Those unwelcoming stares... Hindi ko dapat silang bigyang pansin. Hindi naman totoo ang mga bintang nila sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi ako ang kung ano ang hinuhusga nila sa akin kaya hindi dapat akong magpaapekto.

Hindi dapat...

Ngunit, mahirap gawin.

"Sabi nga ni Ma'am Maureen, nahuli niyang magkasama sa isang kwarto si Mr. Vernan at iyang sekretarya niya sa Maynila."

"Nilandi si boss?"

Ignore them, Naz! That's the only way to fight them for now.

"Welcome back, bitch," bungad sa akin ni Maureen.

Awtamatikong kumulo ang dugo ko. Pinandilatan ko lamang siya. Hindi na ako nagsalita pa. Kahit gusto ko siyang tirisin, ano naman ang mapapala ko kung pagsayangan ko siya ng panahon?

"Alam mo, pasalamat ka at baliw na baliw sa'yo si Gabriel. He's willing to spend more than he could. Ganyan ka ba kasarap?" Panunudyo sa akin.

Nakaka-high blood ang babaeng 'to! Napasinghap ako. Kahit walang katotohanan ang ibinibintang niya tungkol sa akin, nakakapikon pa rin!

Pilit ko siyang nginitian. "Bakit kaya ipatikim mo rin sa kanya ang sa'yo nang malaman mo?"

"Huh! Everything is talking about how slut you are, Naz," aniya. "Well, you are really well-breed... well-breed and fermented slut."

I immediately slapped her face.

Ang ngiti ko ay naging ngisi nang nakita kong nahulog ang panga niya habang pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Take that, childish bitch!

"Kung gusto mo, imbes na ako ang pagdiskatahan mo, bakit kaya ibuhos mo ang oras mo sa kanya?" Sabi ko. "Kung gusto mo ikadena mo pa siya sa'yo."

Akitin niya kung aakitin si Gabriel. Kung gusto niya ako pa nga isaksak niya sa baga niya! Bwiset!

Tinalikuran ko na siya. I smiled inwardly as I left her dumbfounded.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon