Chapter 27

919 19 2
                                    

Immense Bitterness

Naglalagay ako ng lipstick nang biglang may kumatok sa pinto.

Dali-dali kong pinagbuksan ang kung sinuman. Doon bumungad ang katipunuan ni Gabriel. Nakatayo siya ng matuwid, puno nang awtoridad. Ang buhok niya ay medyo mabasa pa ngunit maayos.

Kahit ano'ng pigil ko sa sarili ko, hindi ko ito mapipigilang makaramdam ng pagkamangha sa kagwapuhan ni Gabriel.

Kung laitin ko siya noon, wagas. Ngunit ngayon, wagas ko rin siya kung hangaan.

It's not just his masculine beauty I have admired. I admire things beyond all his physical attributes.

"What do you think are you wearing?" Tanong niya.

Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing a yellow shirt and black square, pants. It feels comfortable.

He shoved a paper bag on my face.

"Change," he demanded and left.

"Mr. Vernan, hindi mo naman kailangang bilhan ako ng dami. ko. Maliit na nga ang sahod ko, kakaltasan mo pa." Reklamo ako at bumuntong-hininga.

Nagsisisi akong nagsalita ako ng hindi man lang nag-iisip. Hindi ko pa naman alam kung magkano ang sahod ko dahil dalawang linggo pa lang naman akong nagtratrabaho sa kanya. Pero, hindi mo kailangan maging matalino para malamang maliit ang sahod ng mga personal alalay!

Mariin niya lamang akong tiningnan. Napayuko ako pagkatapos dahil sa hiyang-hiya ako sa kawalang-preno ng pagsasalita.

Ni humingi ng paumanhin, hindi ko nagawa sa sobrang hiya.

"Meet me at the restaurant downstairs right after you change," he said with indifference. Mas lalo lang akong naloka! Dahil sa pinakita niya, hindi ko alam kung na-offend ba siya o hindi?

Sarap mong pukpukin, Nazrene! Pinagalitan ko ang aking sarili. Mabuti namang maging prangka ngunit minsan kailangan din lagyan ng preno ang dila!

I changed my previous attire to the powder pink dress Gabriel gave me.

Sakto naman siya sa akin at bumagay naman sa puting sandals ko.

Matapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa restaurant kung saan dapat akong makipagkita kay Gabriel.

"Good morning, sir," bati ko.

"Seat and eat," utas niya. "Baka ma-late tayo."

I obliged. Napapatingin ako sa kanya habang kumakain. Hindi niya siguro ako napansin ang pasulyap-sulyap ko sa kanya 'pagkat abala naman siya sa phone niya. Napansin kong pandalawahan lang ang mesa namin at wala ang aming kasamahan. I have the urge to ask him about the others but I lack the courage to do so.

"Oh, there you are, Gabriel!" Hindi na ako dapat lumingon upang malaman ko kung sino iyon.

Although, I'm sure I heard the sound of the bitch!

Pinatunog niya pa ang takong ng sapatos niya habang naglalakad palapit sa mesa namin.

Kahit maputol pa iyang heels niya sa kakadabog na paglalakad, hindi ko siya lilingunin.

"Bakit nandito pa kayo?" Aniya. Hinila niya ang silya sa kabilang bakanteng mesa.

"We're eating," matipig na sagot ni Gabriel.

"Dapat sinabihan mo ako. Sana nasabayan ko kayo," ani Maureen.

"It's fine. Hinintay ko naman Ms. Monteniel para kumain," ani Gabriel.

Napalingon sa akin si Maureen. "Hinintay?" Makahulugan niya akong tinitigan.

"Sa susunod, dapat nauna ka na sa boss mo. Hindi iyung ikaw pa ang dapat hintayin," pagtataray ni Maureen sa akin.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon