Not Presumptuous
"So, close pala talaga kayo ni Gab?" Sophie looked at me in amazement.
Pilit akong ngumiti at tumango. Gustong-gusto ko na talagang umirap. Gigil na gigil na ako. Ang sarap niya nang tarayan!
Buong araw kasi siyang nakadikit sa amin ni Aubrey at panay ang tanong tungkol kay Gabriel. Parang siyang linta! Dikit nang dikit! At, imbes na dugo ang sinisipsip ay impormasyon tungkol kay Gabriel ang kinukuha!
"Mabait ba siya sa lahat?" Tanong ni Sophie.
Siyempre, hindi ko lang siya binibigyan ng impormasyon, pinapainggit ko siya!
"No. Hindi siya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Pwera na lang kung malapit kayo sa isa't isa," sabi ko.
Hindi ko lang pinapainggit, pinapa-turn off ko pa ang babaeng kumag na'to.
"Hindi ba nagpapaturo ka sa kanya?" Tanong ni Sophie.
"Yes," sabi ko at mayabang na ngumiti.
"Kung magpapaturo rin ako sa kanya, tuturuan niya kaya ako?" Aniya.
Napasinghap ako. Nakakaimbyerna ang babaeng 'to ha!
"Naku! Naku! Hindi 'yan nagtuturo ng hindi niya kilala saka masyadong busy 'yon," sabi ko at napanguso.
"Naz, tulungan mo naman ako oh. Gusto ko ring mapalapit kay Gabriel," aniya habang nakahawak na siya sa braso ko. "Please, Naz."
Excuse me?
Bahaw akong tumawa. "Siya ang pumipili ng kakaibiganin niya kaya hindi dahil kaibigan mo ako ay madali nang makipagkaibigan sa kanya."
Sa mahaba kong linyang 'yon, dapat alam na niya kung ano ang nais kong iparating.
Ayaw kong tulungan siya.
Napangiwi si Sophie. "Ganoon ba?"
Halatang plastic din ng babaeng 'to eh. May kailangan kaya nandito siya at kasama ako!
"Speaking of the devil!" Nag-ingay na rin ang kaninang tahimik lang na si Aubrey. "At twelve o'clock!"
Sabay-sabay kami napatingin sa iisang direksyon. Naroon si Gabriel, naglalakad papalapit sa amin.
"Nazie," ani Gabriel. Tumigil siya sa harapan ko.
I smirked. Shit! Nakakilig. Ang bango niya at saka parang presko niya ngayon.
Actually, palagi naman siya presko at decente.
"Hi, Gab!" Kumaway ang dalawa kong kasama sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at nakatuon lang sa akin ang kanyang titig.
"B-bakit?" Tanong ko pilit na pinipigilan ang aking nararamdaman.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "You left your notebook in my bag."
Inabot niya sa akin ang aking kwaderno.
Napatingin ako roon at kinuha na ang kwaderno ko. Kung gaano ako nagmukhang tuod sa harap niya, ganoon naman nagsipiyesta ang aking kalooban.
He fell for it!
Hindi ko na napigilan ang nagbabadyang ngiti sa aking labi.
"Thank you," I said sweetly.
Napaiwas lamang siya ng tingin at kinagat ang labi.
"Alis na ako," paalam niya at umalis.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Sinadya kong iwan ang kwaderno ko kahapon sa bag niya para magkita kami. Now, I have to plot for my another scheme!
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...