Symphony
Kakagising ko lang nang nakita kong may text message akong na recieve.
Kesyo alas sais pa lang, may message na agad?
Ano ang trip ni Gabriel? Wala naman meeting kasi December 26 pa lang. Kaka-Christmas lang eh!
From Gabriel:
Meet me later at 8. Magbihis ka at may pupuntahan tayo.
If this is another shopping spree... Gods! Ewan ko na lang.
Pero malabo naman kasing mangyari 'yon.
To Gabriel:
Okay po, Sir.
Naghintay pa ako bago bumangon. Alas syete na nang naligo at nag-ayos ako. Hindi ko na sinuklay ang kulot kong buhok. Nag-blow dry lang ako at saka pinusod ito. Naglagay ako ng pulbo at kaunting lip tint saka cheek tint.
Nakapa ko ang mascara kong pa-expire na. Sayang naman kung hindi ko masyadong magamit kaya naglagay na lang ako sa aking pilikmata. My lashed are naturally curled but not that long. Nakatulong ang mascara sa pagdagdag ng haba nito.
Pumili ako ng isusuot sa isa sa mga pinamili namin kahapon. I decided to wear a yellow dress. Pinarisan ko rin ng nude wedges na binili rin ni Gabriel kahapon.
7:50 a.m.
Nakatayo na ako sa labas ng suite niya. Oh, di'ba? I'm punctual!
Wala rin naman akong natanggap na commendation sa pagiging maaga ko. Tinanguan niya lang ako at bumaba na kami.
We ate at a restaurant nearby before heading to a place which I don't know where.
"Nakabakasyon ba kayo ng ina mo rito, Miss Monteniel?" Tanong ni Gabriel.
"First time ko po rito, Mr. Vernan," tugon ko.
Tumango lamang siya.
Mahaba-haba ang byahe dahil sa traffic.
Napataas ako ng kilay nang napagtanto kung nasaan kami pumunta.
May dalang bakasyon ba 'tong business trip ni Mr. Gabriel Vernan?
Ocean Park? Seryoso?
"Ano'ng gagawin po natin dito?" Tanong ko.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa Ocean Park?" Balik niya.
Nabara ka na, Naz!
Labo nito. Minsan mabait, minsan hindi! Gusto niya siya lang ang nagtatanong. Kapag ako, naiirita na!
He bought us some tickets. Nakatutuwa nga eh. I was just watching him fall in line. He stood out from the crowd. Maliban sa madali mo siyang makikita dahil ang tangkad niya, he stood so cool in the line wearing his jacket. Kita kong napupunta lahat ng tingin ng mga babae sa kanya. Nakita ko nga ang grupo ng teenagers na pasimpleng kinunan siya ng litrato.
Mga kabataan nga naman. I don't feel jealous or something, though. Natatawa nga ako eh. I was that kind of girl way back.
Matapos bumili ng ticket ay may pinasukan na kaming lugar. I've seen this on commercials or brochures but this is the first actual time that I saw these. Naaliw ako sa mga nag-iilawang jellyfish. Pati sa mga penguins. Marami rin akong isdang nakita. They were entertaining. Feeling ko mauubos ang storage ng phone ko kaka-picture lang.
"Do you want me to take you a picture?" He asked.
"No, thanks," sabi ko agad dahil hindi ako kumportable.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...