Chapter 25

937 19 2
                                    

Ilusyonada??

"Ang tanga mo, Naz!" Ani Bernard sa akin nang matapos ko ang kwento.

Matapos ng kumprontasyon namin ni Gabriel ay natigil na rin ako sa pagtratrabaho sa club.

Nagalit si Tita Charito dahil bugbog sarado ang anak ng Mayor na siyang sana'y gumahasa sa akin. Dahil nagalit iyung anak nung Mayor na arogante naman, napasara ang club.

Ilang buwan akong nagtiis sa cellphone shop. Sa awa ng Diyos, nakapag-abroad na rin ako.

"Swerte mo at hinagilap ka pa rito, ha!" Ani Bernard.

"Aywan ko nga at ba't nandito iyung gagong 'yon," sabi ko. Habang inaalala ko ang ginawa ko kay Gabriel, hindi ko rin mapigilan mainis sa sarili ko.

"Hindi ka ba naawa sa tao?" Tanong ni Bernard. "Hindi ka nagsisi?"

"Ayaw ko na siyang pag-usapan pa," sabi ko kay Bernard. "O siya, babalik na ako sa trabaho. Baka sabihin ng amo kong tsismis lang ang ginagawa ko."

Iyon ang huling kwentuhan namin ni Bernard bago siya umuwi sa Pinas.

Noong pasko ay masyadong busy sa bahay ng amo ko. Maraming bisita at maraming dapat asekasuhin. Kaya ay isang bati lang ng Merry Christmas ang nasabi ko kay Mommy. Hindi nagtagal ang aming tawagan.

At, kay bilis ng panahon. Isang panibagong taon na naman.

"Nazrene," tawag ng amo ko.

"Yes, Ma'am Mary?" Tanong ko.

Malungkot at may pag-aalala niya akong tinitigan.

"Nazrene, we are very grateful to have you, you know. You're very industrious but we have to move to Netherlands next week. You will also finish your contract next week. I'm sorry we cannot renew the contract, anymore," Madame Mary said.

"I understand, Ma'am," I replied.

Ano pa nga bang magagawa ko? Nang sumunod na buwang iyon ay nakabalik nga ako sa Pilipinas.

Masaya ako nakauwi na ako at makakasama ko na ang aking ina ngunit may parte sa aking namomroblema. I'm jobless again!

I saw my Mother getting better. Mas maaliwalas na ang kanyang mukha. Nanumbalik ang sigla niya. Masaya akong unti-unti siya nakakarecover kahit papaano.

"Anak, saan ka magtratrabaho?"

"Baka mag-aapply ako sa agency ulit," sagot ko.

"Mangingibang bansa ka na naman?"

"Wala tayong choice, My," sagot ko.

"Anak, magaling na ako. Hindi na gaanong magastos 'yung pagpapagamot ko," pagdadahilan niya upang pigilan ako sa balak kong mangibang-bansa ulit.

Napalingon ako sa kanya. "My, hindi ka pa gaanong magaling. On the way to absolute recovery ka pa lang," sabi ko.

"Anak, dito ka na lang muna magtrabaho," sabi ni Mommy.

Dahil mapilit si Mommy at hindi ko siya matiis, sinunod ko na lamang ang gusto niya.

Nag-apply ako sa kung saan-saan... sa mga call centers, hotels, malls (okay na ang saleslady) at iba pa. Nakailang interview ako pero sabi nila tatawagan lang nila ako ngunit hindi na ako umasa pa.

Kaya naisip kong mag-abroad na lang talaga!

Ngunit, nang papunta na sana ako sa in-apply-an kong agency ay may tumawag sa'king mag-report.

At, napunta ako sa GV-Tech. Kaya nandito ako ngayon.

Napailang singhap ako pagkalabas ng opisina ni Gabriel Vernan.

Imposibleng hindi niya ako, nakikilala.

"Kumusta?" Tanong ng HR Manager na nag-hire sa akin.

Napahilot ako ng aking sentido. "Hindi ko alam na suplado pala 'yang boss niyo."

Bahaw na ngumiti si Miss Rose, ang HR Manager. "Matalas lang ang dila pero mabait 'yan."

"Napansin ko nga," sabi ko. "Baka, hindi ako pasok sa standards niya at hindi niya ako tanggapin."

Sana nga sabihin niyang hindi niya ako matatanggap sa kumpanya niya. Hindi ko yata maaatim na araw-araw ipaalala sa akin ng mundo ang nangyari sa'ming dalawa. Araw-araw lang ako magi-guilty.

"Kakausapin ko muna si Mr. Vernan," ani Miss Rose at pumasok na sa opisina ni Gabriel.

Mga ilang sandali ay lumabas siya.

"Tanggap ka raw. Ano ka ba? Pagpasensyahan mo lang ang dila ni Mr. Vernan, ha," ani Miss Rose. "Ganyan talaga 'yan. Alam mo na? Masyadong busy. Napapagod. Naiirita rin."

Napalunok ako. Bakit ba kasi nag-apply ako rito? Galing ko rin eh!

Pero, tutal, nandito na ako. Nabigyan ako ng trabaho rito. Kung makahanap ako ng ibang trabaho, magre-resign na talaga ako rito.

"Officially, mag-uumpisa ka bukas."

I think it wouldn't be bad. Hindi naman siguro kami laging magkikita. Baka sa ibang department head ako magtratrabaho bilang sekretarya.

"Okay," sabi ko. "So, saan ako didiretso bukas?"

"Here," ani Miss Rose. "Starting tomorrow, you'll be Mr. Vernan's personal assistant."

Parang akong aatakihin sa puso. Seryoso? Akala ko paminsan-minsan lamang kaming magkikita. Iyun pala, araw-araw ko siyang makikita.

Oh my god! Maghahanap talaga ako ng ibang trabaho sa lalong madaling panahon!

"Kumusta?" Tanong ni Mommy na siyang nagpabalik sa akin sa aking wisyo. Kumakain lang kasi ako pero ang isip ko'y kung saan-saan.

"Masarap ang pagkain, My," sabi ko. Sa sobrang lutang ko kasi baka isipin niya hindi ako nasarapan sa inihanda niya.

"Huh?" Napakunot ang noo ni Mommy. "Ano'ng pinagsasabi mo?"

Napakurap-kurap ako, litong-lito rin sa nangyayari. "Ano po ba ang tanong niyo?"

"Kumusta ang trabaho?" Tanong ni Mommy.

Napayuko ako. "Okay naman po."

"Anak, okay lang ba talaga?" Tanong ni Mommy.

"Opo."

"Paano kayo ni Gabriel?"

Napatingin ako sa kanya. "Paano naman si Gabriel napasok sa usapan."

"Hindi ba pagmamay-ari niya ang GVTech, iyung tumanggap sa'yo?" Tanong ni Mommy.

"Opo."

"Oh? Ano? Hindi naman sumama ang loob niya sa'yo? Sa dinami-rami ng in-apply-an mo, ang kumpanya niya pa ang tumanggap sa'yo. Mabuti at civil kayo sa isa't isa," sabi ni Mommy.

"Nakalimutan nga kung sino ako eh..." Pabulong kong saad pero narinig pa rin iyon ni Mommy.

"Nakalimutan?"

"Aywan ko nga, My," sabi ko at napakibit-balikat. "Kanina kasi tinanong ko siya kung may plano ba siyang maghiganti sa ginawa ko sa kanya. Pero, kumunot lang ang noo niya sa akin. Sinabi niya pang hindi niya raw ako nakilala," sabi ko. "Hindi niya raw ako maalala."

"Hindi ka maalala o nagpapanggap lang na nakalimutan ka niya?" Tanong ni Mommy.

"Iyan rin po ang naisip ko eh. Baka nag-aasta lang siyang hindi niya ako maalala dahil galit na galit siya sa akin?" Sabi ko nang may pagtataka. "Pero, naisip ko ring hindi naman yata ganoong klase si Gabriel. Napaka-pointless naman pong mag-iinarte siyang hindi niya ako makilala?"

Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong magtaka. Napapaisip nga ako kung panaginip lang iyung nangyari sa amin. Alam kong totoo pero sa inasta ni Gabriel, parang daig ko pa ang ilusyonada kasi ako lang yata ang nakakaalam sa history naming dalawa!

"Baka nauntog ang ulo," sabi ni Mommy. "Hay naku, Naz! Hayaan mo na. Huwag mo nang isipin 'yan. Mabuti ngang nakalimot siya nang mas madali ang pakikitungo mo sa kanya. Mas mabuti na rin sigurong umasta kang wala ring naaalala."

D'yan ako magaling eh... sa 'act like nothing happened.'

👓

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon