Kapalaran
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Tita Grachelle.
Ngayon, nakikita ko na kung gaano pala kalaki ang puwang sa pagitan ko at ni Gabriel.
Ipinatong ko ang aking siko sa mesa. Pinagsalikop ko ang aking nga daliri. I then rested my chin on it. Malungkot kong tiningnan si Gabriel na nagbabasa ng libro.
Hindi ko alam kung paano naging nakasanayan naming dalawa ang pananatili sa library pagkatapos ng klase.
"You don't look fine, Nazrene," he stated while his eyes were on what he's reading.
Napatuwid ako sa pagkakaupo at nagsimulang magbuklat na ng kwaderno. "I'm perfectly fine!" I lied.
Inangat niya ang tingin sa akin. "Ano'ng problema?"
"Wala, 'no. Nagugutom lang," sabi ko.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya.
Napakurap-kurap ako sa kanya. Hindi naman talaga ako gutom eh. On diet nga ako eh! 'Tsaka wala naman akong pili sa kinakainan.
"Kahit saan na lang..." Iyon lang ang sinabi ko.
As if on cue, he started fixing his things and mine. "Halika na."
Sabay kaming naglakad palabas ng school.
Nakayuko lamang ako habang sinusuyod ang daanan dahil wala akong lakas para tingnan ang mga matang nakatitig sa amin.
Mas lalo kong minaliit ang sarili ako. Sa mga mata ng lahat, hindi dapat ako karapatdapat kay Gabriel. Pakiramdam ko'y dapat akong ikahiya!
I felt his hand at the small part of my back. I shivered.
Napatingin ako sa kanya habang iginiya niya naman ako paliko sa parking lot.
Doon ay may naghihintay ang sasakyan.
That familliar McLaren...
Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Hanggang sa nakarating kami sa isang Chinese restaurant. Hanggang sa natapos ang pag-oorder namin ng pagkain. Napapaiwas ako ng tingin habang matama naman akong tinititigan ni Gabriel.
"If you plan to dump me, then I think you should tell it to me sooner," he said to my surprise.
I literally gasped in front of him and blurted out, "Wala akong planong, ganoon!"
Kahit na binibigyang konsiderasyon ko rin iyon. Ngunit, ayaw ko rin naman iwan siya ng basta-basta. Ayaw ko rin siyang ma-disappoint.
I watched him pursed his lips into an inward smirk.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano'ng problema? You looked bothered."
"Paano kung ga-graduate ka na? You might grab an opportunity abroad. Kung sasagutin kita, hindi pa rin naman tayo magkasama."
"I'll start a business. I'm not leaving this place," he answered.
"You'll be busy with work and I don't want to hinder you from succeeding," I told him. "Especially, that you'll be starting to make a name in the career you've chosen."
"Pakiramdam mo ba hadlang ka para sa'kin?" Tanong niya.
"Malay mo." Nagkibit balikat ako. "Gabriel, siguro ay magpokus ka muna sa gusto mo," sabi ko.
Pasarkastiko siyang ngumiti. "Sa tono ng pananalita mo, parang gusto mo nang ibasted ako."
"Natatakot lang ako," sabi ko. "Hindi pa ako handa."
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...