Chapter 12

777 17 0
                                    

Fishball at Taho

"Huwag kang mag-cut." Seryosong sinaad ni Gabriel.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Dahil hindi ko yata kayang makipagtitigan sa kanya ay ibinagsak ko na lamang ang aking mga mata sa kamay naming magkahawak. 

It's warm and a bit rough...

Napailing ako. Distracted ka, Naz!

Alam mo? Masaya ako dahil magka-holding hands kami pero paano naman ang project ko?

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya.

"Gabriel, project ko 'yun! Ano ba naman ang absent sa isa o dalawang subject kung ikukumpara sa pasang-awang grado sa major subject?" Sinubukan kong magpaliwanag pero mukhang hindi niya ako pinakikinggan.

"Pumasok ka sa klase mo," aniya lang.

Nakarating kami sa klase ko at pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko at ng professor ko.

"Gabriel!" Sinigawan ko na. Nakakainis eh! That project will dictate if I can pass or not. Bakit hindi niya naiintindihan?

He remained unfazed.

"Miss Monteniel!" Saway ng Professor ko.

"Pumasok ka na," sabi niya.

"Ayaw ko!" Pagmamatigas ko.

He looked at me, tiredly. "Please."

"Miss Monteniel, I won't tolerate you cutting classes. Get inside the room!" My teacher reprimanded.

"I can't pass without the project," I said in a small and barely audible voice.

"Nazrene," hinaplos niya ang aking braso. "Just face the consequences."

Totoong banayad ang pagkakasambit niya pero may bahid pa rin iyon ng awtoridad.

He showed his concern but he still remained hard on me.

Wala akong nagawa. Gustuhin ko man magpokus ay nandoon ang isip ko sa bahay.

Ang project ko...

Pinaghirapan ko kaya 'yon. Pinuyatan ko pa kagabi! Hindi ko naman pala mapapasa.

Nanlumo ako dahil wala akong nagawa para maisalba ang grado ko. Professor Cocjin entered the room. He eyed me before greeting everyone in the class.

Nakatingin lamang ako sa kanya. He looked amused. Marahil ay aliw na aliw siya dahil frustrated ako.

Kung may teacher's pet, may pinag-iinitan naman ng professor. Alam kong isa na ako roon. Marami-rami rin naman kasi ang inaway kong teacher!

"I presume everyone has passed," ani Professor Cocjin.

Everyone has passed? Seryoso? Nagpaparinig ba 'tong propesor na 'to? Marahil ako na lang ang hindi nakapasa at hindi makakapasa sa subject na'to!

Hindi pa nagtatapos ang school year, kitang-kita ko na ang sarili kong magsa-summer classes!

"I'll give this period as a free period. We will resume our lecture next meeting," aniya at umupo na sa teacher's table sa harap.

My classmates were celebrating and here I am, grieving.

Napairap ako sa sarili dahil nagbabadya na naman ang luha ko. Fuck!

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago pumunta sa desk niya.

"Professor Cocjin..." Namamaos pa ang boses ko. Pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko.

He just looked at me as if waiting for my next words.

FiercelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon