Masyadong Masakit
"Are everything ready?" Gabriel asked casually.
Tumango ako. "Yes, sir. Sinigurado kong hindi absent ngayong araw si Sera."
Kaswal kong sinabi. Kahit na wala akong gana sa araw na ito ay may determinasyon pa naman ako upang magawa ng maayos ang trabaho ko.
Bitterness continue to drip in my heart. Hindi ko kayang magpanggap na ganado ako. I am well-aware that I am acting indifferent today.
"No. Is everything ready for Mr. Quezon?"
Napakurap-kurap ako bago masagot ang tanong niya. He looked really nonchalant. Hindi man lang siya kinakabahang baka ibasted siya ng liligawan niya?
Well, sa bagay... Baka hinihintay din naman ni Sera na maging sila.
"Bukas pa naman po 'yon pero naayos na po," malamig kong saad.
"Good. Ano ang nasa schedule ko ngayon?"
"You have no appointments as of today but to go to your university to court Miss Serafina Dilaurentis," I replied in a matter-of-fact tone.
"It's only in the morning, right? You didn't list anymore appointments or meeting for the afternoon?" Pinanliitan niya ako ng tingin na para bang mali ang ginawa ko.
Kung paiiralin ko ang demonyitang Nazrene Monteniel, baka pinuno ko ang araw na'to ng appointments para 'di sila magkita ng babaeng gusto niya! Leche!
"I just thought that you'd prefer spending this day with your love." Pasarkastiko akong ngumiti. Tumingin ako sa business suit niya.
"Kung ako sa'yo, Mr. Vernan, magsusuot ako ng casual attire. Sa tingin ko hindi naman appropriate ang suot mo para sa date," sabi ko habang diniinan ang huling salita.
Habang papunta kami sa university ng mga Vernan na pinapasukan din ni Serafina ay sinabihan ko na siya ng gagawin niya.
Naihanda ko na rin ang bouquet ng bulaklak at isang box ng chocolate.
"Heto na, sir," sabi ko sabay bigay sa kanya ng bulaklak at tsokolate.
Parang pinaslang ng punyal ang dibdib ko.
Parang noon lang ako ang binilhan niya ng tsokolate. Ngayon, ako na ang bumibili para sa kanya... para sa liniligawan niya! Buti pa 'yung babae 'yon, nakatanggap ng bulaklak. Ako? Binigyan nga ng bulaklak, kalokohan lang pala ng mga kaibigan niya. Buti pa 'yang si Sera, niligawan niya. Ako?
Ayan kasi, Naz. Masyado kang easy to get noon!
Pakiramdam ko ay triple ang bilis ng daloy ng dugo sa mga ugat ko.
High blood pressure is real!
Napasandal ako sa bintana ng sasakyan.
"Ano'ng gagawin mo mamaya, Monteniel?" Tanong niya.
"Ano pa nga ba? Hahayaan kayong mag-date," sabi ko sa kawalan. Awtamatiko iyong lumabas sa bibig ko kaya nang napagtanto ko ang lumabas sa bibig ko ay napakagat-labi na lang ako. It sounded rude!
"You're leaving after this?"
"Yes, sir." Alangan namang maging third wheel at dakilang alalay ako nila, hindi ba? "Bakit po ba, sir?"
"I just thought you'd stay."
Tangina! Baka imbes na mag-enjoy sila ay baka wala sa oras nila akong dalhin sa ospital. Aatakehin talaga ako sa selos!
Santissima! Por dios!
"I guess you've got plans for tonight. A date, perhaps?" He continued.
Napairap ako. He started being nosy.
BINABASA MO ANG
Fiercely
RomanceAn Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad reputation in society seemed to be ascribed to her. Maraming tao na ang humuhula sa kinabukasan niya...