Chapter 7

12K 406 37
                                    

Nakanganga lamang ako habang pinagmamasdan ko ang mataas na building na 'to. Hindi pa kasi ako nakakapunta rito kaya naman napahanga agad ako. Ang design sa labas ng building ay maganda pati ang kulay, halatang pinag-isipang mabuti ang pag-design sa building na 'to rati. 

Malamang ay ayaw ng engineer o ng architect, ng interior designer at ng mga construction worker na mapagalitan at masigawan sila ni First kaya inayos talaga nila nang mabuti ang pagtayo ng building na 'to. 

“Grabe.” 'yan lamang ang masasabi ko sa mga oras na 'to. 

“Grabe?” pagtatanong naman sa'kin ng First na 'to.  

Napasimangot agad ako nang tignan ko siya. Nakakunot ang kanyang noo at parang hindi na naman maipinta ang ekspresyon sa mukha niya. 

“Paulit-ulit? Kakasabi ko lang na grabe, eh.” 

Agad niya akong tinignan ng masama. Pang-ilang beses na ba 'to? Ah, hindi ko na mabilang pa. 

Nagpeace sign naman agad ako sa kanya. Lagi siyang naiinis sa'kin, eh, ano? Bawat oras, minuto at segundo ay nahahigh blood ang lalaking 'to. Maski saan at maski kanino. Laging sumisigaw, laging naiinis, laging nagmumura. Grabe, grabe talaga! 

“Chill ka lang, Mr. First! Lagi kang high blood. Ang puso mo, sige ka.” I softly said that to him. 

Matanda na siya, eh. Kapag inatake siya sa puso dahil sa'kin ay baka makulong pa ako, and that's unfair! I'm so innocent kaya 'di dapat mangyari 'yon. Hayy, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Tsk. 

Hindi na 'to umimik pa at agad na lang naglakad papasok ng building niya kaya naman sumunod na lamang ako sa kanya habang may excitement sa'king mga mata. Sa wakas kasi ay makakapasok na ako sa loob ng building na 'to. 

Yes, building niya 'to mismo, ang magandang Ever Shine Corporation. 

Pagtapak ko pa lang sa entrance ng building na 'to ay agad kong sinilip ang loob. Hindi ko na hinintay pa si First kasi agad na akong pumasok sa loob nito. Namangha ako sa ganda, sobrang linis ng mga tiles! Ang ganda rin sa mata ng kulay!  

Ang mga tao rito ay napapatingin sa'kin, mga employee ng Corporation ni First, ang mga may gawa ng man's power. 

Napangiti ako nang malawak sa kanila at nag-hi ako. 

“Ikaw 'yong The PresiDate, 'di ba?” pagtatanong sa'kin ng isang babae. 

Iiling na sana ako ng may naramdaman akong braso na pumulupot sa aking baywang kaya napatingin ako sa taong 'yon, ang lakas ng loob na ipulupot ang braso niya sa baywang ko! 

Nahigit ko ang aking hininga habang nakatitig ako sa mukha ni First. 

“C'mon.” he said in a deep voice.  

Napalunok ako at agad kong inilayo ang aking sarili sa kanya. 

Tinanggal ko ang braso niyang nakahawak sa baywang ko at pa awkward akong tumawa. 

“Sandali lang, okay? Maghahanap muna ako ng pwedeng i-friends dito!” 

“Shut up! Halika na, gusto ko nang magtungo sa pad ko.”  

I pouted, para maasar siya lalo. Ewan ko ba, nakukyutan ako kay First kapag naiinis 'to o nagagalit at naaasar sa'kin. 

“Mamaya na, PresiDemon.” 

Gusto kong matawa nang makitang 'di na naman maipinta ang pagmumukha nito. 

“I. Said. C'mon. Now!” 

Wala na, sumigaw na siya ulit. Pero mas ayos na 'yon kaysa mabaliw ako sa boses niyang malalim at nakaka-attract, 'di ba? Delikado kasi 'yon para sa'kin. 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon