Dali-dali akong sumakay muli sa elevator habang patuloy pa din sa pagbagsak ang mga luha ko sa aking mata down to my cheeks. Inis ko namang pinapahiran iyon ng aking palad.
“Nakakainis naman talaga, eh! Ba't ako ang nasasaktan ng ganito? Kami ba niyon? Kami ba?” pagrarant ko sa aking sarili. “Nakakainis din na luha 'to, ayaw tumigil!” umiiyak kong pinindot ang button pa ground floor.
Balak kong umuwi na lamang dahil for sure wala rin naman akong gagawin dito. Ayaw ko namang pagmasdan ng ilang oras ang dalawang 'yon, magsama-sama sila! Isang bitch at isang demonyo! Pero tatawagan ko muna si Rafa, makikitawag ako sa isa sa mga Guard na naroroon sa ground floor. Magpapasundo ako sa baklang 'yon.
Sinabi naman ni Rafa sa akin kanina na tawagan ko siya if I need ng back-up, 'di ba? Akala ko 'di ko kakailangan ang tulong niya pero akala ko lamang pala 'yon. Tama siya, kailangan ko ang kanyang tulong.
Nang makarating na ako sa ground floor ay agad akong tumakbo palapit kayna Kuyang Guard.
“Kuya, may pantawag po kayo?”
“Mayro'n.” wika ng isa. “Pero nasa aking locker 'yong phone ko. Alam mo naman na, bawal kunin 'yon ngayon dahil nasa working hours pa kami.”
Laglag ang balikat ko ngayon, ah. “Gano'n po ba?”
“Oo, hija.”
“Eh, ba't ka naman umiiyak? May nangyari ba ro'n sa taas?” pagtatanong no'ng isa naman.
Mabilis akong umiling. “Wala. Wala pong nangyari.” Sorry, I lied. Ayokong isipin nila na in love nga ako kay First kapag sinabi ko ang dahilan ng aking pag-iyak ngayon.
Mabilis ko na silang tinalikuran pa, nakayuko lamang akong nagtungo sa gilid kung saan may bench do'n. Pagkaupong-pagkaupo ko ay nagkalkal agad ako sa small bag na dala ko. Naghahanap ako ng tissue o kaya panyo man lang ngunit wala akong mahanap. Sa gigil ay napasabunot na lamang ako sa aking buhok.
“Ito, oh.”
Napa-angat ako ng tingin. Halos malaglag ang aking panga sa nakikita ko ngayon.
“E-Ennui?”
“Yup, ako nga. Ba't ganyan ang itsura mo?”
Hindi muna ako sumagot sa kanyang tanong. Mabilis kong kinuha ang panyo na nasa kamay niya't pinunas iyon sa aking mukha.
“A-Ah, ano, may nangyari lang na 'di maganda kaya umiyak ako.”
“Gano'n ba?”
Tumango ako sa kanya. Nang matapos na akong magpunas ay itinago ko na sa'king bag 'yong panyo niya, pangsouvenir man lang.
“Oh, by the way, kailangan kong magtungo ngayon kay First. May sasabihin lang ako sa kanyang importante.” hinila ako nito.
Hinawakan niya ko sa aking wrist at pagkuwa'y ngumiti siya.
“Smile ka na, para maganda ka na ulit.”
Dahil sa nakakahawa ang ngiti niya ay napangiti na rin ako. Isa pa, cute na gwapo siya ngayon, eh.
Laking pasasalamat ko talaga sa Diyos nang magpadala siya ng anghel dito. Dahil kay Ennui ay nakalimutan ko si First.
Nasa kamay niyang nakahawak sa wrist ko ang aking atensyon ngayon.
“Tara na.”
Nagpahila na lamang ako sa kanya habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. Kinikilig talaga ako, kahit kaunting kilig lamang ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.