Isa-isa kong tinignan ang aming litraro ni First sa aking cellphone noong kami'y nasa Puerto Prinsesa't Busuanga, Palawan. Dalawang taon na ang nakakaraan nang magpunta kami ro'n. Maraming masasayang ala-ala ang aming nabuo sa dalawang lugar na 'yon.
At ang hindi ko makakalimutan noon ay ang pagpopropose ni First sa'kin. Akala ko talaga ay may lason ang fruit salad na iyon, 'yon pala'y may singsing doon. At in fairness, dalawang engagement ring ang kanyang binili. Yayamanin, eh.
“Tridylle, matulog ka na. Maaga ka pang gigising bukas.”
Napatingin ako kay Mom, may hawak-hawak itong baso na may lamang Altamirano's wine. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang nakatingin sa'kin nang may ngiti sa kanyang labi.
“Oo nga pala. I forgot.”
Kailangan ko nga palang matulog na. Dahil bukas, isang masayang pangyayari na naman ang mangyayari sa'king buhay. Iniisip ko pa lang na nakasuot na si First ng tuxedo't nasa tabi ng altar ay kinikilig na ako.
“Aren't you excited for tomorrow?” biglang pagtatanong nito.
“I'm excited.” sino ba namang hindi? Eh, ikakasal na ako!
“So, get a beauty rest now. Kung ayaw mong maging panget sa harap ng mapapangasawa mo.”
Nilapag ko na ang aking cellphone sa side table at nahiga na sa'king kama. “Mom, no'ng kinasal ka ba'y gan'to ka rin? Talaga bang kailangan naming 'di magkita ni Karma bago kami ikasal? Gano'n ba talaga 'yon?”
Isang araw kaming 'di nagkita ni First ngayon. Matapos ang preparasyon para sa kasal ay pinili ni Karma agad ang date na one week after our preparation. Isa akong March Bride at talagang summer pa ang napiling buwan ng lalaking 'yon para saming kasal.
Ideya ni First na nasa simbahan kami magpakasal, it's a more traditional daw. And he wants to marry me in front of Jesus Christ. Gusto ko sana ng beach wedding tapos magki-kiss kami kasabay nang papalubog na araw, and then the photographer will give his or her best shot to us. Iyon sana ang gusto ko, kaso First wants to be wedded in the church. Hindi na rin masama.
Lahat din ng gastusin ay sagot na ng pamilya ni First. Ang aking maid of honor para bukas ay si Stellar at ang partner niya ay si Rafa. Ayaw niya sana kasi babae raw, pero si Stellar 'yon. Tatanggi pa si Bakla, eh, ano? Arte talaga niyon! Sa huli ay pumayag din siya when Ennui, my First and my brother talked to him. Ang aking mga abay ay ang the rest of the Caballeros women. Almira, and my cousins on the mother's side— sina Lou, Rosie, Givanna and Rhian. Ang mga partner nila ay sina Ennui, Zoldyk, Niel, Niccolo, Francis, Kuya Trydan at si Miguel, isang anak ng ka-business partner ni Mom. Ang aking flower girls ay puro kaibigan ni Iron at si Iron ang aming ring bearer.
For sure, bukas ay maraming aattend sa kasal ko. Puros media, mga businesswomen and businessmen na mga partners nina Lolo Joaquim. Aasahan kong dadagsa ang mga mayayamang tao na 'yon sa simbahan bukas.
Lahat ay ayos na, handa na lahat. As in. Manghihinayang ako kung magba-back out sa kasal namin. Pero no, hindi 'yon mangyayari.
Ang pinoproblema ko lamang ay mainit bukas tapos pag sa honeymoon, magkakainitan na kami. Double heat.
“Yes. That's our tradition, Tridylle. A Filipino tradition.”
“But, why?”
“Honestly... I don't know. Pero 'di naman masamang sumunod sa tradisyon nating mga Filipino, 'di ba?”
Kung sa bagay. “Ano’ng pakiramdam mo Mom noong kinasal ka kay Dad?” pagkuwan ay pagtatanong ko sa kanya. Tinignan ko 'to at nakita kong lumambot lalo ang kanyang ekspresyon.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.