Chapter 21

9.8K 327 14
                                    

Na putol lang ang aming makuryenteng titigan dahil sa isang Doctor, ang Doctor na ubod ng pagkaweirdo at creepy na nilalang na ngayon ko lang nakilala, walang iba kung 'di si Doctor Will. 

“Love Quarrel?” pagtatanong nito habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. 

“No and shut the fuck up, Will.” inis na wika ni PresiDemon. Tinignan niya muna ako ng masama bago siya tumalikod. Naglakad na agad 'to palayo sa'min. 

“Teka, Mr. First! Ibig bang sabihin niyan ay panalo na ako?!”  

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya so it means panalo ako sa argumentong nangyari kanina. 

“Panalo saan?” curious na pagtatanong sa'kin ng Doctor na 'to. 

Tinignan ko muna siya bago ako sumagot. “Sa argumento namin kanina. Mabuti na lamang at sumingit ka.” napahawak ako sa aking mga mata. “Medyo sumakit ang mga mata ko sa pakikipagtitigan din ng masama kay Pre— Mr. First.” 

“Ow, you should thank me for that.” at sumipol pa 'to. 

Napasimangot ako dahil sa sinabi nito. “Okay, salamat.” 

“Hindi dapat ganyan.” 

“Eh, paki mo ba? Nandito ka ba para inisin ako? Pwes, nagtagumpay ka na Doctor Will.” sa inis ko sa kanya ay inirapan ko 'to. Tinignan ko si Iron na inosenteng nakatingin lang sa'min. 

Hinawakan ko 'to sa kanang kamay niya at hinila palayo sa Doctor na 'yon. Pero hindi pa kami gaanong nakakalayo nang magsalita muli ang Doctor. 

“You two can make a perfect couple.” 

Ano raw? Napalingon ako sa kanya pero nakita ko na lang din na naglalakad na 'to palayo sa'min. 

“Ate....” pagtatawag sa'kin ni Iron. Napatingin ako rito at sa naglalakad na papalayong pigura ni Doctor Will. 

Bakit niya nasabi ang mga gano'ng salita sa'kin? 

“You two can make a perfect couple.” 

Umalingawngaw sa'king isipan ang sinabi no'n. Seriously? Pinagtitripan niya lang ata ako, eh. Perfect couple? Nah, Malabong mangyayari ang bagay na 'yon sa akin— sa amin! Hirap na hirap nga akong pakisamahan minsan si PresiDemon tapos sasabihin niya 'yon? Hay, naku! 

Napapailing na lamang ako rito. Tinignan ko muli si Iron at nginitian 'to. “Tara na, maglalaro ka pa.” at naglakad na kami papunta sa padulasan. 

Hindi naman sinabi ni PresiDemon na aalis na agad kami, right? Gusto ko pa kasing makita ang nakangiting mukha ni Iron. Kapag hindi ako gaano busy sa trabaho ay dadalawin ko ang batang 'to kasama si Rafa, para lalo siyang sumaya. 

“Iron may itatanong lang ako. Nasa'n ang parents mo?” 

Napabitaw 'to sa'kin at agad niyang kinuha ang teddy bear na hawak ko. Niyakap niya 'yon nang mahigpit habang nakayuko. Sumama naman ang loob ko dahil sa katangahang tanong 'yon, mukhang pinalungkot ko pa ang batang 'to. 

Napaupo ako't hinawakan ko siya sa kanyang kaliwang balikat. “Iron, I—” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tumingin muli ito sa akin. 

“Wala na po akong mga magulang, Ate Astrid.” 

Nahigit ko ang aking hininga dahil sa kanyang sinabi. 

“Pero may mga umampon po sa'kin, sina Sister Aila at ang kanyang pinsan po na may-ari ng bahay ampunan. Sila po ang nag-aalaga sa'kin ngayon.” dagdag pa nito. 

“Oh, okay.” mahinang sabi ko. Halos ako lang ata ang nakarinig no'n. 

At least, may mga taong nag-aalaga sa kanya bukod sa mga Nurses at Doctor na naririto. 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon