“Bakla...” pagtatawag sa'kin ni Rafa. Napatingin ako rito, kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin.
We are now heading to the other restaurant. After nang pangyayari kanina ay nawalan na ako ng gana pero dahil nangako ako kay Rafa eh naisip ko na sa ibang restaurant na lamang kami kumain para wala akong marinig na mga salita ro'n galing sa mga taong nakasaksi nang pangyayari kanina.
“Rafa... sa tingin mo... bakit gano'n si First?” pagtatanong ko bigla rito.
Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'yon. Paulit-ulit na nagfaflashback sa isip ko ang nangyari kanina.
“Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang dahilan kahit na may alam na ako. Bakla, it's for you to find out kung bakit gano'n siya kanina sa'tin, sayo at sa sarili niya.”
I let out a sigh, a heavy one.
“Paano na bukas? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.” so frustrating!
“Bahala na bukas. Lagi naman gano'n, 'di ba? Sa ngayon, kumain na tayo. I-stress eating mo na lang muna 'yan.” pagkatapos ay hinila ako ni Rafa sa isang restaurant. Wala na akong nagawa pa kung 'di ang magpahila na lamang sa kanya.
Gutom na rin naman ako pero dahil sa nangyari kanina ay nawalan talaga ako ng gana.
Si First kasi! Kung sana napag-usapan namin ng maayos 'yong kanina eh 'di sana may gana pa akong kumain ngayon, 'di ba?
Bakit kasi kailangan pang mangyari 'yon?
Pagpasok namin sa restaurant ay sinalubong kami ng mabangong amoy. Humanap si Rafa ng mauupuan namin, napili niya 'yong sa dulong bahagi.
“Waiter!” maarteng wika niya. Dali-daling lumapit ang babaeng waiter sa'min na siyang dahilan kung bakit nagtaas ng kilay si Rafa. “Bakit ikaw, ateng? Pwede bang si Cutie na lamang ang lumapit sa'min?” at may nginuso 'to. Napatingin ako sa taong nginusuan ni Rafa, cute nga 'yon.
“Sige po.” wika ng babae sa mahinahong tono.
Lumayo 'to sa'min kaya pinalakihan ko ng aking mga mata si Bakla. Nginisihan niya lamang ako.
“Akala ko ba mahal na mahal mo si Niel? 'Di ba dapat nagpapakaloyal ka?”
“Loyal naman ako. Hindi naman ako lalandi, eh. Gusto ko lang talaga si Cutie na lumapit sa'tin.”
Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya. Somehow, nakalimutan ko si First pero aking naalala na naman ang lalaking 'yon.
Nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon.
Nang lumapit na 'yong waiter na gusto ni Rafa ay siya na agad ang kumausap do'n, hinayaan ko na lamang siya. Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung ano ang dapat kong i-find out. Kung may alam si Rafa na sagot sa naging akto ni PresiDemon, posible ring malaman ko ang sagot sa aking katanungan.
“Earth to Astrid!”
Napabalik ako sa aking wisyo dahil sa biglaang pagsigaw ni Rafa. Doon ko lang napansin na wala na 'yong waiter sa tabi niya, nakapag-order na pala 'to.
“You're spacing out again, bakla! H'wag mo munang isipin si First. The more you think about him, the more you stress yourself!”
“Pero-” he cut me off again.
“Makinig ka sa'kin, Astrid. May bukas pa naman. Makakausap mo pa siya bukas. Kung gusto mo, tulungan kitang mag-explain sa kanya bukas para hindi ka na ma-stress pa. Ano, gusto mo ba?”
“H'wag na. Busy na 'yon bukas kay Priyanka kaya 'di ko lang sure kung makakausap ko siya nang maayos.” bigla akong nainis lalo. “Bakit kasi kailangan ko pang mag-explain? Boyfriend ko ba siya? Eh, Boss ko lamang 'yon!”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
أدب نسائيSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.