Chapter 44

8.5K 406 78
                                    

Mula sa labas, aking pinagmamasdan ang kabuuan ng mansion ng mga Velez. Ang mansion, kasing lawak at laki lang din ng kayna First. Mukha talagang hindi sila papatalo. Sa itsura pa lang ng labas ay masasabi mo nang gawa iyon sa mamahaling materyal. Ang kaibahan, kulay black ang pintura ng mansion ng aking pamilya samantalang kayna First ay kulay black and white. 

Isa pa, ilang beses ko na ding tinignang mabuti kung tama ba ang address na nakalagay sa papel. Ang secretary kasi ni First ang nagsulat ng address na 'to, mas maganda nang manigurado kaysa sa hindi. 

“Tama na 'yan, bakla. Kanina ka pa tingin nang tingin sa papel na 'yan, eh. Isa pa, hindi tayo pagtitripan ng secretary ni Fafa First kaya stops na please.” 

“Hindi lang kasi ako makapaniwala.” 

“I know right.” siniko ako ni Rafa at nginuso niya si First. 

Tinignan ko ang lalaking 'yon,  seryoso lamang siyang nakatingin sa mansion ng aking pamilya. Kanina pa siya tahimik at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. 

“Okay ka lang?” pag-uuntag ko rito. 

Saglit niya akong sinulyapan bago siya dahan-dahang tumango. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay. 

“Let's go.” 

“Sigurado ka? Baka kasi-” he cut me off. 

“You don't have to worry about me. I can handle your parents later. Trust me.” he squeezed my hand and smiled. 

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Rafa. 

“Ay, taray!” pumalakpak si Bakla. “Sana kasama ko si Niel, para 'di ako third wheel ngayon.” 

“Kahit kailan ka talaga, panira ka ng moment.” 

“Ay, sensya na bakla!” humagikhik ito. “Anyway, let's go sagow! Para ma-meet mo na ang mga magulang mo. At para matapos na ito.” 

Nauna na siyang naglakad palapit sa gate ng mga Velez. May pinindot do'n si Bakla dahil high-tech ang gate ng aking pamilya. Lumapit na kami sa kanya kasi baka kung ano pa ang masabi niya mamaya sa device na 'yon. Hindi ko lang alam kung ano ang tawag, basta, parang device pang-voice mail and para makita mula sa loob kung sino ang may kailangan sa mga Velez. 

“Good morning, Ateng! Kuyang!” sigaw ni Bakla kaya naman lumapit na ako sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. 

“H'wag ganyan! Kailangan magalang.” kahit kailan talaga 'to. 

Tumango siya kaya tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kanyang bibig. 

“Good morning po.” wika naming dalawa ni Bakla. 

“Good morning too. May I help you?” 

Ay, english speaking 'yong nagsalita. Nagkatinginan kami ni Bakla. 

“Sino’ng sasagot sa kanya ng english din, ah?” 

“Ikaw.” at nginuso ko pa siya. 

“Nah, ikaw.” tinuro naman niya ako. 

“Sabi ng ika-” 

“We're here to meet the Velez Family.” ani First. Napatingin kami sa kanya. 

“How many are you there?” 

“Three.” 

“So, all of you are their clients? Friends from somewhere? Partners of their businesses?” 

“No, we're just... fucking someone.” 

“Sir?” 

“Just tell them, I'm with their long-lost daughter.” 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon