Parang akong isang lantang gulay ngayon na nakahiga sa aking kama. Inaalala ang mga pangyayari kanina. Kamuntikan na akong hindi matanggap ng pamilya ni First kung hindi agad sumabat sa usapan ang kanyang Lolo.
Isang kinikilalang business tycoon noong 1950 ang siyang unang nag-welcome sa akin sa kanilang pamilya, ang tanging nag-iisang Mrs. Minerva Caballero lang ang may matigas na puso pagdating sa'kin.
Saka, kung sino man ang Raya na tinutukoy niya kanina ay for sure mas mukha pang tao 'yon kaysa sa isang katulad ko.
Pero hindi ako papatalo. May panlaban ako, ang pag-ibig ni First!
“Mrs. Minerva Caballero are showing gratitude to the next CEO of Deus Company and a supermodel, Raya Cheska Deus.”
Napahinto ako sa pagsubo ng pandesal ng makita ko sa T.V ang mukha ni Raya.
Sobrang... sobrang ganda niya!
Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway habang pinagmamasdan ko si Raya.
“I'm super happy right now na pinagkakatiwalaan talaga ako ni Mrs. Minerva, imagine, isang tinitingalang businesswoman noong dekada '50 eh nag-shows ng gratitude sa'kin at isa pang Caballero.”
“Ang arte naman niyang magsalita.”
Napatingin ako kay Rafa na nakasimangot na ng todo ngayon habang nakatingin sa T.V.
Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa sinabi niya o hindi, eh.
“Hindi mo rin ba siya lalaitin?” biglang pagtatanong nito sa akin. Umiling naman ako sa kanya.
“Bakit ba ang sama mo ngayon, ah? Isa pa, easy ka nga lang diyan.” bigla akong natawa. “Pangalawa, isa akong mabait na nilalang, h'wag mo akong igaya sa'yo.” ayaw ko ngang manglait ng mukhang anghel.
“Astrid, ang isang kagaya niyang mapera at ubod ng ganda ay maaaring maging future fiancé ni Fafa First. Kaya hangga't hindi pa nagkukrus ang landas ninyo eh laitin mo na siya, kasi for sure, i-pupush 'yan ni Dragona hanggang sa mawala ka sa paningin niya.”
Alam ni Rafa ang lahat ng nangyari kagabi kaya ganoon na lamang siya kagalit sa Lola ni First.
“Wala akong balak laitin ang isang mukhang anghel, Rafa. At Dragona? Grabe, ah!” mas lalo akong natawa rito.
“Bagay lang sa kanya ang nickname na 'yon, ano!” at humalikipkip siya't pinagkatitigan ako sa aking mga mata. “Isa pa, Astrid... hindi lahat ng mukhang anghel ay anghel na talaga. Tandaan mo 'to, Lucifer once an angel and turned into a demon. Kaya hindi malabong maging demonyo 'yang si Raya.”
Hindi na ako nakaimik pa sa kanyang sinabi. Tinuon ko muli ang aking tingin sa T.V at tuluyan na akong sumubo ng pandesal.
Actually, tama si Rafa. Lahat ng kanyang sinabi ay tama.
Besides, alam ko sa aking sarili na wala akong panama sa isang katulad ni Raya dahil magiging isa na siyang CEO ng kanilang kumpanya samantalang ako ay may komplikadong buhay. Ang buhay ko'y puro kamalasan at hindi ko alam kung swerte ba si First sa'kin.
Pero ang masasabi ko lang kahit wala akong yaman at gandang taglay gaya ng iba, at least may isang First na ako sa aking buhay.
“Is there any problem?”
Napatingin agad ako kay First. Nandito ako sa kanyang pad slash office pero hindi na para magtrabaho pa kung 'di para tumambay at panoorin siya sa lagi niyang ginagawa.
“Huh? Wala, ah!” paano niya na sabing may problema ako?
“Really? Kanina ka pa kasi tulala, eh.”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ЧиклитSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.