Pagpasok namin ng Public Hospital na 'to ay agad kaming nilead ng ibang Nurses papunta sa opisina ng isa sa mga namumuno rito. Tinanggal na rin ni First ang kanyang braso na nakaakbay sa akin kanina. 'Di rin alintana sa'kin ang kakaibang tinginan ng mga babaeng 'yon at ng isang bakla, wala akong paki alam kung ano ang nasa isip nila.
Nang makarating na kami sa opisina ng taong 'yon ay hindi na nag-atubili pa si First na pumasok sa loob. Agad naman akong sumunod sa kanya, syempre, P.A ako niyon, eh.
“M—Mr. First,” wika ng isang matandang babae nang makita niya ang Presidente ng Hospital na 'to. “napabisita ka ng wala sa oras.” dagdag pa nito. “At may kasama ka rin.” nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
Naistorbo namin ang matandang babae sa pagbabasa niya ng pocketbook. Tinignan ko naman si First, salubong na salubong ang kanyang kilay. Huh! Bad trip na naman 'yan ngayon. Sana lang ay hindi niya ako magpagbuntuan ng galit mamaya.
“My hospital is fucking pretty sordid.” he said in a raw tonal voice.
“W-Well, sorry for that Mr. First. Everyone's busy, hindi nila kayang maisingit agad ang buong Hospital sa paglilinis lalo na ngayon.”
“Then, this is my order Mrs. Guanzon... ikaw ang gusto kong maglinis ng buong Hospital. Hindi 'yong nagbabasa ka lang ng kung ano dyan at nagpapalipas ng oras sa loob ng opisina mo.” and then, tumalikod na si First at lumabas na siya agad ng opisinang 'to.
Naiwan naman akong nakanganga. Hindi ako makapaniwala na uutusan ni First ang matandang babaeng 'to.
“A-Aalis na rin po ako. Sige po.” hindi ko na pinagsalita pa si Mrs. Guanzon, agad na rin akong lumabas ng office niya at sinundan ko kaagad si First na nasa dulo na ng hallway.
Kaya ang ginawa ko'y tumakbo ako para maabutan ko siya. “Mr. First!”
Napahinto 'to sa paglalakad at nakakunot-noong humarap sa akin. Huminto lang ako sa pagtakbo ng nasa harapan na niya ako.
“Ikaw,” dinuro-duro ko siya ngayon. “hindi dapat gano'n ang inutos mo sa matanda! Matanda na 'yong tao, PresiDemon, eh! Dapat ay ginagalang mo siya! Ano naman kung nagbabasa lang siya ng pocketbook sa loob ng opisina niya at nagpapalipas lang ng oras? Malay mo ang pocketbook na 'yon ay pampatanggal stress niya lang, 'di ba? Dapat iba na lang sana ang ipinagawa mo sa kanya!”
Naaawa ako kay Mrs. Guanzon. Grabeng PresiDemon 'to, hindi porket mas mataas ang estado niya sa buhay kaysa kay Mrs. Guanzon ay gano'n na lang, ano!
Wala talagang good manners ang lalaking 'to!
Hindi 'to umimik. Tinitigan niya lang ako habang nakapoker face na siya't nakahalukipkip sa harap ko. Parang naumid na ang dila ko sa aking bunganga dahil sa titig niya. Parang nanliliit ang lalaking 'to, at parang may kung anong tumatakbo sa kanyang isipan na hindi ko mawari.
Maya-maya'y yumuko siya, nagkapantay tuloy ang aming mukha. “You know what, sa lahat ng nakilala ko... ikaw ang pinakakakaiba.” he breathed.
Nahigit ko naman ang aking hininga dahil sa kanyang sinabi. Bumilis ang tibok ng aking puso nang masilayan ko ng malapitan ang gwapong mukha ni First. Unti-unting umangat ang gilid ng labi nito, he smirked at me.
Lumayo na siya sa'kin ng ilang pulgada, tumalikod at naglakad na ulit. Ako naman ay napako na lang dito sa kinatatayuan ko, hindi mag-sink in sa isipan ko ang kanyang mga sinabi.
Nang malapit na siya sa hagdan ay humarap ulit 'to. This time ay nakasimangot na siya, mukhang magsusungit na naman.
“Tss. Ano pang tinutunganga mo riyan? Tapos na ang trabaho ko rito, pupunta pa tayo sa isa pang Hospital.”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.