Mas lalo palang nakakabagot ang buhay kapag anak-mayaman ka na. Gaya ko, bagot na bagot ako. Nakahiga lamang ako sa'king malambot at malaking kama, walang ginagawa, nakatunganga lamang sa ceiling habang iniisip si First.
Three days na kaming 'di nagkikita, miss ko na siya.
Matapos din nilang mag-usap ng aking mga magulang nung makalawa ay in-announce na nina Mom and Dad, dahil gusto nilang tawagin ko sila sa ganyang tawag, sa buong Pilipinas na nakita na ako't buhay na buhay pa.
Sila rin ang dahilan kung bakit ang mahaba kong buhok ay naging maikli na at mas lalo akong pinaganda ng aking Ina at ni Aly. Kung saan-saan nila akong dinalang beauty shop para magmukha na talaga akong tao.
Sabi kasi nila, kapag nagkita na raw kami ni First, ipakita ko raw sa lalaking 'yon ang gandang hindi pa niya nakikita.
Sumang-ayon naman ako ro'n. Syempre, gusto ko ring mapamura ng malakas si First kapag nagkita na kami.
Napabangon ako bigla at mabilis akong naglakad papunta sa pinto, pagbukas ko niyon ay bumungad sa'kin si Manang Kora.
“Hija, may bisita ka sa baba.”
Bisita? “Si First po ba?” gumuhit sa'king mukha ang isang magandang ngiti.
“Pasensya na hija pero hindi, eh.”
Nawala ng parang bula ang aking ngiti. “Ay, gano'n po ba.” kala ko si First na, eh. “Eh, sino po ba ang bisitang tinutukoy ninyo?”
“Rafa ang kanyang pangalan.”
My eyes widened, dali-dali na akong nagtungo sa baba. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong nakaupo si Rafa sa isang single sofa na kulay gray habang nakasuot pang-babae na naman.
“Bakla!”
Tumayo ito, inilahad niya sa'kin ang kanyang dalawang mahabang kamay. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
“Na miss agad kita!” wika nito sa matinis na boses. “Balik ka na sa apartment natin, sige na!”
I chuckled. “Bawal na akong bumalik do'n.”
“Ano ba 'yan!” bigla siyang nagmamaktol ngayon. “Anyway, may balita ka na ba kay Fafa First ngayon?”
Lumungkot ako't umiling sa kanya. “Wala pa nga, eh.” sabay kaming naupong dalawa sa mahabang sofa na.
“Eh, paano na 'yan?” nakangusong pagtatanong nito sa'kin. Nagkibit-balikat lamang ako, natahimik kaming dalawa rito.
Maya-maya'y bumaba si Kuya Trydan kasama si Manang Kora. Dumiretso na si Manang sa kusina habang si Kuya ay nahinto sa tapat namin. He's wearing his plain white shirt at hapit iyon sa bewang niya. Halata sa itsura niya na bagong ligo lamang siya. He's so tall like Karma and but Karma's looks more massive than him.
“Oh, hi there. Late morning to the two of us” bati ni Kuya kay Rafa at nginitian ito. Tumingin naman 'to sa'kin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Sa'yo rin, Tridylle.”
“Same rin, kuya.” I replied. Naramdaman kong kinurot ni Rafa ang aking kaliwang braso. Nang tignan ko to'y nakatingin lamang siya kay Kuya pero panay ang kurot niya sa braso ko.
“Oh, ghad, bakla. Akin na lang Kuya mo.” bulong nito sa'kin habang 'di na makamayaw ang kanyang sarili sa kilig na nadarama.
“Hoy, 'di ko basta pinamimigay 'yan.” bulong ko pabalik sa kanya.
“Dali na, bakla!”
“May Niel ka na, eh.” 'To talaga! Basta gwapo, gusto na niyang angkinin agad. Buti na lamang 'di ako kagaya niya.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.