Isang linggo na akong nililigawan ni First at sa loob ng isang linggo na 'yon ay masasabi kong may nagbago na sa kanya. Bumait lalo siya sa akin at sa ibang staffs, hindi na rin siya 'yong gaanong ill-tempered na tao. Ang kaso, pagdating sa pagmumura ay gano'n pa rin... walang pinagbago.
Nitong mga nakaraang araw ay may mga kumakalat na pictures namin ni First sa social media at may video pa ngunit dahil may mga ibang bagay na nadadaan sa pera ay agad nabura ang mga 'yon nang mabayaran na ni Karma ang team company ng bawat social media's management.
We both believe that we need privacy about our relationship, nasa getting to know each other stage pa lang naman kami.
“Fuck, another fraud.”
Nandito ako ngayon sa kanyang gilid habang tinitignan ko kung ano ang ginagawa niya. Bukod sa pagpirma ng maraming papeles ay may nirereview din siyang dalawang files sa laptop niya. Ang nga files na 'yon ay mula sa OIC ng kanyang kumpanya at kay Nerdy Boy na kanyang secretary.
“Gusto mo ba ng kape or kumain man lang, just a snack?”
Tinignan ako nito at pagkuwan ay sumandal siya sa kanyang swivel chair at hinilot niya ang kanyang sentido. “No need. I just need a fucking rest, that's all.”
“Eh, 'di matulog ka muna. Mamaya mo na 'yan gawin.” sobrang nag-aalala ako para sa kanyang kalusugan.
Hindi ako ganito sa iba kaso importante na siya sa'kin kaya 'yong pag-alalang pinapakita ko sa kanya ay sobra-sobra na talaga. Akala mo eh isa na niya akong kasintahan. Besides, sadyang mahirap ang kanyang trabaho at ako ang nahihirapan lalo sa trabaho niya.
Tumayo naman siya at humakbang palapit sa akin. “Samahan mo akong matulog. No, let me fucking rephrase that... stay with me in the bed.” at ngumisi siya sa'kin ng malademonyo.
Wait, 'di 'yon gawain ng manliligaw, 'di ba?
Humakbang ako palayo sa kanya. “Tumigil ka nga!” may kung ano na naman ang pumapasok sa kanyang isipan.
“Why? Don't be fucking so scared, sweetie. I'm not a fucking good damn person but I'm a fucking good damn man. I'm not going to bite you, unless you fucking want me too.”
“What? You're crazy!” hysterical kong sigaw.
Niyakap ko ang aking sarili at nagpatuloy ako sa paghakbang palayo sa kanya hanggang sa may naramdaman akong dingding sa aking likuran. Agad niyang akong na corner, nilagay niya ang kanyang braso sa magkabilaang gilid ng aking ulo habang dahan-dahan niyang nilalapit sa'kin ang kanyang mukha. Ngayon, naamoy ko ang bango ng kanyang hininga.
“Yes, I'm crazy... crazy in love with you.” he breathed.
“First...”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya, na end-up tuloy ako sa pagtawag ng kanyang pangalan.
Umarko pataas ang gilid ng kanyang labi at mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Naduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko na kaya pa ang ganitong side ni First, maaaring maging cause of death ko siya sa future.
“Kinikilig ka naman?” nakataas ang isang kilay niyang pagtatanong sa'kin habang may mapang-asar siyang tingin.
“Hindi, ah! Asa ka!” tatanggalin ko na sana ang kanang braso niya na nakaharang sa gilid ko para makaalis na ako sa kanyang harapan ngunit pinaharap niya agad ako sa kanya.
“C'mon, matutulog lang naman tayo. Hindi naman tayo gagawa ng kababalaghan, 'di ba? Unless-” I cut him off.
“Tumigil ka nga! Matulog kang mag-isa mo!”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.