Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong gumagalaw sa ulo ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napatingin ako kay First at sa balikat nito na nagtataas-baba para gisingin ako. Samantalang nakatingin naman ang lalaking 'to sa bintana habang nakasimangot, naka-cross ang legs at nakapangalumbaba. Ang kanyang siko ay nakapatong mismo sa kanyang kanang hita at ang palad niya'y nakahawak sa kanan niyang pisngi.
“Hindi ka pa nakakahanap ng restaurant?” pagtatanong ko rito.
Napansin ko kasi na patuloy lang sa pagdrive si Kuya samantalang ang dami naming nadadaanan na mga restaurant.
Saglit niya akong sinulyapan. “Sa tingin mo?”
So, wala pa? Jusko, eh bakit niya pa ako ginising? Para mamimili ng restaurant na pwede niyang pagkainan? 'Yong masasarapan siya? Kung oo, dadalhin ko na lang siya sa karinderya. Para maiba naman ang kinakain ng lalaking 'to.
Napabuntong-hininga ako. “Nakaidlip na ako't lahat-lahat wala ka pang napipili ni isa sa mga restaurant na nadadaan natin? Hayy, Mr. First, ang arte-arte mo talaga.” at sinabayan ko pa ng pag-iling.
“Shut the fuck up! Eh, sa wala akong natitipuhan na restaurant, eh!” pagsisigaw nito habang nakatingin sa akin ng masama.
“Ah, may alam ako!” at ngumisi ako sa kanya.
Nakita ko naman kung pa'no magsalubong ang makapal na kilay niya.
“At saan naman? Siguraduhin mong masasarapan ako sa mga pagkain nila, ah?”
Proud akong nagtaas ng noo sa kanya. “Oo naman! Masasarapan ka sa mga pagkain nila! Isa pa, kailangan muna nating magdisguise. You know, sikat ka at sikat din ako, eh. Ayaw kong pagkaguluhan tayo ng mga tao mamaya.” aba, dahil sa lalaking 'to at sa mapaglarong tadhana kaya ako naging sikat ngayon, ah!
Ang dami ko na atang bashers dahil kay First!
Kinuha ko ang aking bag na nasa passenger seat pa rin. Mabuti na lamang at may dala akong maliit na make-up kit. Mag-aayos muna ako para 'di nila ako mamukhaan. Baka mamaya ay may sumugod na mga fans ni PresiDemon at sabunutan ako bigla.
Nagsimula na akong maglagay ng kolorete sa aking mukha. Nang matapos ay naglagay na ako lip tint sa aking labi. Napansin ko sa aking peripheral vision na nakatitig si First sa akin— no, sa labi ko, ro'n siya nakatitig.
“Baka matunaw ako niyan, Mr. First.” panunukso ko rito.
Iniiwasan kong ma-awkwardan ako sa kanya. Kasi naman, bakit kailangan mapatitig pa siya sa labi ko? Naalala niya kaya bigla 'yong aksidente naming pag halik sa isa't-isa?
“Shut up!” napabalik ako sa aking wisyo ng sumigaw na naman siya. Nakarinig naman ako nang mahinang pagtawa mula sa Driver.
“Ano’ng tinatawa-tawa mo riyan!? Just fucking drive and damn focus on the fucking road, you are fucking idiot!”
Napapailing na lamang ulit ako. High blood na naman siya.
Nang matapos na akong magmake-up ay kumuha ako ng pentle pen sa bag ko. Ang tagal ko na kasi 'tong hindi nalilinisan, 'yong mga dati ko pang gamit ay nandito pa sa aking bag. Nagagawa nga naman ng katamaran.
“Don't fucking tell me na maglalagay ka ng nunal sa mukha mo?”
“Gano'n na nga. May pang-disguise ka ba riyan?”
“Yeah, nasa likod ng upuan na 'to.”
Nang makapaglagay na ako ng nunal sa gilid ng aking labi ay tinignan ko ang aking repleksyon sa maliit na salamin. Okay naman na ang itsura ko, mas nagmukha akong tao.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.