Chapter 16

9.5K 311 27
                                    

Naglakad na kami palabas ni Rafa ng building na 'to. Hindi ata maganda na pumayag pa ko kanina na isama rito si Rafa. Nang tignan ko ito ay nakasimangot na siya, naaawa ako sa kaibigan ko na 'to. Gusto niya lang makipagkamay kay First at makipagkilala pero hindi man lang siya binigyang pansin niyon. Ang gago lang talaga! 

Saglitan niya lang tinignan si Rafa kanina at gano'n din ako. Alam ko na matalinong tao si PresiDemon pero wala talaga siyang manners! Paano na lang kapag nagkatuluyan ang dalawang 'yon? Si Priyanka at First? Eh, 'di mas lalong dadami ang mga demonyo sa mundong 'to imbis na mabawasan, 'di ba? 

Bumuntong-hininga ako at tinapik sa balikat si Rafa. “Okay lang 'yan, Rafa. Mamaya naman ay makikita mo si Ennui sa kanyang restaurant, 'yon ay kung nando'n siya ngayon pero kung wala, may next time pa naman.” 

Tumingin siya sa'kin at maya-maya'y ngumiti nang pangmalandi. Mukhang mali ata na binanggit ko pa ang pangalan ni Ennui sa kanya. 

“Magkaiba naman sila ng personality, 'di ba? Hindi naman snobber si Ennui gaya ni Fafa First, 'di ba?” 

“Oo.” 

“Sana nandoon siya!” naghihysterical niyang wika. 

Nakangiwi lamang ang mukha ko rito habang nakatingin sa kanya. Nakakahiya kasi siya ngayon. Tumitili siya rito sa labas, ang dami kayang tao! 

“Sana nandoon talaga siya, Astrid!” 

Nagulat pa ako ng hampasin niya ako nang hampasin habang tumitili pa siya. 

“Tara na, Astrid! Nasa'n ba ang restaurant ni Ennui? Sabihin mo na agad at nang mapuntahan na natin! Gusto ko na siyang makita! Sana nando'n talaga siya!” 

Napapailing na lamang ako sa baklang 'to. Nakakahiya talaga siya! Pero nakakatuwa kung paano siya tumili at magwala rito, parang uod na binudburan ng asin, eh. 

“Malapit lang dito ang restaurant ni Ennui. Tara na.” nagsimula muli akong maglakad at sumunod lamang siya sa'kin habang nakapaskil sa kanyang mukha ang isang magandang ngiti. 

Sana nga nando'n si Ennui mamaya, eh. Dahil kapag wala 'yon do'n, si Rafa na nakangiti ngayon ay magiging.... 

Napabuntong-hininga ako, 'di pwede na maging malungkot muli si Rafa. Kahit nababaliw na 'to ngayon ay mahal ko pa rin ang aking kaibigan na ito. 

Lakad pa kami nang lakad hanggang sa marating na namin ang restaurant ni Ennui. Sa ganitong oras ay marami na ang taong kumakain sa kanyang restaurant. Sadyang sikat na talaga ang kainan na 'to, sana talaga natuloy 'yong panglilibre niya sa'kin noon, eh. 

“Tara na at pumasok, pinapadali na pala tayo ni PresiDemon.” 

Naalala ko bigla 'yong sinabi no'n sa'kin kanina. Psh, kung makapag-utos sa'kin bigla ay para akong si The Flash! Pumasok na kaming dalawa ro'n at agad naman kaming binati ng Guard. 

“Magandang tanghali, Ma'am and Sir.” 

“Good noon din, Manong! Nandyan po ba 'yong may-ari ng restaurant na 'to?” pagtatanong ko rito. 

Nakangiti itong tumango kaya naman bigla akong na buhayan! I looked at Rafa at mas lalo 'tong naging malandi sa mga oras na ito, I swear. Mabuti na lamang at hindi ko siya pinayagang nakaayos ng pambakla talaga. 

Nagdire-diretso kami sa counter upang ipaalam na naririto kami para sa pagkain ng mga demonyo. 

“Hi, Ma'am and Sir. Welcome to Le Ennui's Beanery.” nakangiting wika ng magandang babae pero mas maganda ako. 

“Oh, hi there, too. Kukunin na namin ang mga pagkain na inorder dito ni Fafa First para sa isang bitch.”  wika ni Rafa at mataray na tinignan ang babae. 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon