“Lunch time.” I murmured. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nag-unat-unat muna. Kalahating oras at mahigit na ata akong nakaupo rito sa single sofa matapos kong gawin ang iilang gawain at matapos umalis ni Ennui rito.
Nakakabagot din pala kapag hindi ako gaanong inuutusan ni PresiDemon. Nasanay na kasi ako na marami siyang inuutos sa akin, mapahirap man o mapadaling gawain ngunit kanina ay kakaiba. Puro madadaling gawain na lamang ang inuutos niya sa'kin. Like 'yong pagtitimpla ng kape at pagtatapon lamang ng iilang papel sa basurahan and after that, wala na!
Lumabas lang si PresiDemon saglit para i-meet 'yong mga CEO ng ibang kumpanya na kasama sa schedule niya ngayon bukod kay Priyanka. Naiwan ako rito na nakatunganga lamang, inaalala ang mga pangyayari kanina.
I can't really imagine na nililigawan na ni First ang isang kagaya ko. Parang kailan lang kasi, ang lakas ng loob niyang sabihin na hindi siya magkakagusto sa'kin pero ayon, he ended up liking me.
Hayy, buhay. Ngayon, may lovelife na ako. Nakakatuwa naman, 'di ko akalain na aabot agad kami sa ganitong stage... sa ligawan stage.
Besides, hindi ko alam kung ano ang mayro'n sa kanila ng kanyang lolo't lola. Marahil, nangingielam ang mga iyon sa buhay niya. Well, ipagkikibit-balikat ko lamang 'yon muna.
Nang matapos na akong mag-unat ay saktong bumukas ang pinto at niluwa niyon si First.
“C'mon, lunch time na.” anito.
Napangiti ako nang malawak. Nararamdaman ko ngayon na manlilibre 'to ngayon, napakaswerte ko nga naman. “Nice, nagyaya na! Ililibre na niya ulit ako!”
“Malamang.”
Agad na akong lumapit sa kanya, hinawakan naman niya agad ang aking kamay. “Ano ba 'tong kamay mo? Ang gaspang.” nakangiwi niyang sabi.
“Ngayon ka pa talaga nagreact, eh, ano? Eh, dati mo pa nga 'yan nahawakan at saka kanina lang din!” kahit kailan talaga ang lalaking 'to!
Naalala ko tuloy 'yong first time niyang hinawakan ang kamay ko. 'Yon 'yong time na ginawa na niya akong P.A niya. Hindi na ito umimik pa, hinila na lamang niya ako papunta sa elevator. Syempre, nagpahila naman ako. Nang makarating na kami sa tapat no'ng elevator ay naghintay lamang kami ng ilang minuto rito. Habang naghihintay ay tinignan ko muna ang magkahawak naming kamay at lihim akong napangiti muli.
Sobrang init ng kamay niya at ang sarap sa pakiramdam, plus ang lambot-lambot pa! Tinalo pa ang kamay ko! Oh, well, iba talaga kapag anak-mayaman!
“Saan mo gustong kumain?” pagbabasag niya sa katahimikan. I looked at him, nahuli kong nakatingin na rin pala siya sa'kin.
“Sa karinderya ulit.” at ngumiti ako sa kanya.
“Sige.”
Mas lalo akong napangiti nang malawak. In-eexpect ko na aayaw siya pero hindi, 'di siya umayaw. Ganito marahil ang mga lalaki kapag nanligaw sa isang babae, pumapayag talaga sila sa mga gusto nating babae.
“Bakla! Hoy, Astrid!”
Napatingin ako sa kanan kong direksyon at nagtataka kong tinignan ang taong tumatawag sa'kin. Napanganga ako nang makita ko si Rafa na nakapangbihis na pambakla.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” nakakunot-noo kong pagtatanong sa kanya nang makalapit na siya sa amin.
Sumimangot si bakla at si First? Ang higpit lalo nang pagkakahawak sa aking kamay pero 'di ko muna siya tinapunan ng tingin, nanatili lamang akong nakatingin kay Rafa.
“Nakalimutan mo kaagad? My ghad, Astrid! Nandito ako para sunduin ka kasi nga 'yong gala natin ngayon!”
“Ay, oo!” nakalimutan ko! Ang dami naman kasing nangyari agad sa araw na ito, eh. “Sorry, nakalimutan ko nga.” napakamot ako sa ulo ko at nahihiya kong tinignan si First. “Sorry rin, ah? May gala nga pala kami nito ngayon. Sabay na lang tayo maglunch sa susunod.”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.