Chapter 3

12.9K 379 3
                                    

Hindi ako makapaniwala, binansagan nila akong the PresiDate pero bakit? Gusto kong maiyak sa nangyayari ngayon. Bakit kailangan pang mangyari kasi 'yon? For sure, marami na akong bashers nito.

“Bakla?”

I ignored Rafa. Paano na ang buhay na mayroon ako ngayon? Magbabago na 'to panigurado, malamang ay alam na ni First ang tungkol sa balita.

“Bakla, okay ka lang?”

I glared at him. “Mukha ba akong okay matapos kong malaman 'yan? Syempre hindi!”

I suddenly remembered what Karma's said to me a while ago.

“I'm a fucking demon, plain lady or ugly creature! This is not yet over. Pay for your life and be dead already because if our path crossed again, you would feel the demon's power in my hand.”

Naalala ko rin ang nanlilisik niyang mga mata. Jusko, nakakatakot! Paniguradong nagwawala na 'yon sa pad slash office niya, sa tuktok ng Ever Shine Corporation o 'di kaya ay nagwawala na 'to sa mansion nila.

“Bakla, help me please... ayoko pang mamatay. Ayoko pang magkaroon ng matinding kamiserablehan sa buhay!” hindi ko 'yon ginusto!

Agad naman akong nakatikim ng matinding pagbatok mula kay Rafa.

“Tama na ang inarte, bakla! Ang swerte mo nga, eh! Nahalikan mo si First! Imagine? Si Mr. First Eldridge Caballero na ang nahalikan mo! Ang gwapo-gwapo kaya niyon! Ang hot pa! For sure ang lambot ng labi niya! Omyghad!” wika nito habang nangingisay sa kilig.

Napasimangot ako. “Hindi ako swerte! Malas na nga ako eh tapos mas lalo pa akong naging malas!”

Inignore lang ako ni Rafaela, kinikilig pa rin kasi 'to, eh. Siya ay kilig na kilig samantalang ako, ito, nagmamaktol dahil sa nangyari kanina. Sige, siya na, siya na! Siya na ang kinikilig kaysa akin!

Paano ako kikiligin kung pinagbantaan na ako ni PresiDemon, 'di ba? Ikaw, pag napagbantaan ka na ng isang demonyong lalaki ay kikiligin ka pa? Syempre hindi na!

Ilang sandali pa ay umupo na sa tabi ko si Rafa. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at kita sa mga mata ang amusement do'n.

“First kiss mo si Mr. First, 'di ba?” pagtatanong niya. Napatango ako. “Hindi na virgin ang labi mo.” again, napatango ako. Kahit na hindi na siya nagtanong pa sa'kin. “Malambot ba?” pagtatanong niyang muli. Tumango ako. “Tumigil ba ang mundo mo nang mahalikan mo siya?”

Napaisip ako, tumigil ba ang mundo ko nang mahalikan ko si Karma?

“Oo.”

“Eh, 'yong pagslow motion ng lahat ng nangyari kanina?”

Tumango-tango ako nang maraming beses. Oo, nagslow motion nga, eh.

“Bakla ka talaga! Ang handot-handot mo!” pagtitili niya at agad akong pinaghahampas.

Naguguluhan ko siyang tinignan. May sayad na ata ang best friend ko. Ano’ng pinagsasabi ng baklang 'to? Hindi ako mahandot and I'll never be!

Katahimikan.

Biglang tumahimik 'tong si Rafa. Nakatingin siya sa T.V at malalim ang kanyang iniisip. Ginaya ko naman siya. Napabuntong-hininga pa ako sabay hawak sa'king tiyan, bigla kasi 'tong kumalam. Napatingin sa'kin si Rafa dahil sa ingay ng tiyan ko at maya-maya pa ay humagalpak na siya ng tawa.

“Bakla, magluto ka muna, pwede?” nakasimangot kong sabi sa kanya.

Tumayo si Rafa at pakembot-kembot pa na naglakad papasok sa kusina pero bago siya tuluyang pumasok doon ay tumingin muna siya sa'kin habang nakangiti nang malawak.

“Posible ngang malas ang tingin mo sa nangyari dahil kay Mr. First pero Astrid, seryoso, gawa 'to ni Destiny. Malay mo, malay natin... si Mr. First pala ang nakatadhana sa'yo.” and then tumawa muli siya at pumasok na sa loob ng kusina. 

Napahalukipkip naman ako.

Destiny my foot.

“Hay, salamat. Nabusog na rin ako.” nakangiting wika ko.

“Ikaw ba naman kumain ng tatlong kanin at nakaraming sandok ng ulam ay hindi ka ba niyan mabubusog? Nakakaimbyerna, ah!”

Napatawa ako sa sinabi ni Rafa. Lakas ng sense of humor nitong baklang 'to kaya mahal na mahal ko 'to, eh!

Tumigil ako sa pagtawa at pinagmasdan si Rafa, naka-wig siya na kulay black at straight 'yon, nakamake-up pa at nakasuot din ng seksi na damit at nakapekpek short. Napangiwi tuloy ako sa kanyang itsura.

“Oh, bakit ganyan ang itsura mo, aber?” mataray nyang pagtatanong sa'kin.

“Yuck 'yang itsura mo, Rafaela! Magpalit ka nga.”

“Ayaw ko nga, kaimbyerna ka! Hindi ka pa ba na sanay sa'kin?”

“Na sanay na.” nakalabi kong sabi sa kanya.

“Eh, 'yon naman pala, eh! Kalbuhin kita riyan, eh.” nanlalaki ang kanyang mga mata habang sinasabi niya 'yon sa'kin.

Napailing na lamang ako at tumayo na, ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin ngayon at ako na rin ang naghugas. Si Rafa, nagpaalam siya saglit na lalabas lang at susunduin ang kanyang boyfriend sa kabilang plaza.

Hay naku, gabing-gabi na ay lumalove life pa si Bakla.

Sana all may kasintahan, ano? Sana all nga talaga.

Nang matapos ako sa ginagawa ay lumabas na ako't nagtungo sa balcony. Napatingin ako sa langit, walang gaanong bituin ngayon. Napagdesisyunan ko na muling bumalik sa loob. Wala pa si Rafaela kaya naman lumabas na ako ng apartment, sa paglabas ko ay sabay-sabay napatingin sa'kin ang mga matatanda rito.

“Hoy, Astrid! Sikat ka na!” wika ni Manong Lando.

Namula ako bigla dahil sa bigla akong kinabahan. Nagtawanan ang ibang matatandang babae na kasama niya.

“Ano’ng feeling ng mahalikan mo si First, Ineng? Aba, may swerte ka rin pa lang taglay!”

Tawanan muli. Napasimangot ako, hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong napasimangot ngayong araw na 'to, ah.

Swerte? What's wrong with those people? Swerte pa ang tingin nila dahil sa aksidente kong paghalik kay First? This is so unbelievable!

Padabog akong pumasok sa loob ng apartment.

Wrong move ang aking nagawa. Nakalimutan kong na balita kanina ang nangyari tungkol sa'min ni PresiDemon. Malaking problema 'yon para bukas. Jusko, ano’ng sasabihin sa'kin ni Boss? At ng mga katrabaho ko?

I sighed, bahala na bukas! Matutulog na lang ako ngayon! Bahala na rin si Rafa! Makipaglandian muna siya sa boyfriend niya pero h'wag lang dito!

Dumiretso na ako sa aking kwarto at ni-lock ang pinto, humiga ako sa kama at napapikit na. Pero bago 'yon ay nagflashback sa isip ko ang nangyari kanina, ang aksidenteng paghalik ko kay PresiDemon.

Bigla ay napamulat ako ng mga mata ko. Okay, what was that for? Pati ba naman sa pag tulog ay binabagabag ako ng pangyayaring 'yon? Yuck!

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon