Ako 'yong klaseng babae na hindi basta sumusuko. Ako 'yong klaseng babae na hindi basta-basta nagagalit. Ako 'yong klaseng babae na mabait at mapagmahal sa kapwa pero hindi ako nagiging “ako” kapag kaharap ko na si First.
Two days na ang nakakalipas simula nang magtrabaho ako sa kanya at two days ko na ring tinitiis ang pag-uugali ni PresiDemon.
Lagi kaming nagbabangayan. Syempre, 'di ako papatalo kahit na P.A niya lang ako, pinapahirapan ako, eh. Puro utos doon, utos dito. May mga paa at kamay naman siya, ako na lang lagi ang napag-iinitan! Ako na lang lagi ang nakikita! At ako na lang lagi ang minumura!
Ang sakit kaya sa puso na kapag todo effort ako sa isang bagay ay hindi niya 'yon na-aappreciate.
Katulad na lang no'ng sapatos niya na nabuhusan ko ng kape kasi nga lampa ako, eh, 'di ba?
Nadulas ako ng wala sa oras no'n. Sinigawan at minura na naman niya agad ako, kesyo ang mahal daw ng sapatos na 'yon. Paborito niya raw 'yon na sapatos. Eh, kinuha ko naman 'yon at todo punas ako sa sapatos niya at pagkabigay ko niyon sa kanya ay sabihin ba naman sa'kin na bibili na lang siya ng bago. Oh, di ba? Nakakaimbyerna! Nag-effort ako sa pagpunas ng sapatos niya tapos gano'n na lang!?
No'ng kinuwento ko 'yon kay Rafa ay todo tawa naman ang baklang 'yon. Ano’ng nakakatawa ro'n? Nainis na nga ako sa lalaking 'yon tapos tatawanan pa ni Rafa ang kwento ko! Nakakasama ng loob, sobra!
At ngayon, nandito ako sa likod ni First na busy sa pagpirma at pagbasa ng mga papeles ulit. Take note, ulit. Gano'n ang gawain niya rito sa opisina niya. Hindi man lang niya nga ako pinapaupo, eh. Kaya nagkakandahaba-haba na 'yong nguso ko ngayon.
Nangangawit na ang aking mga paa kakatayo rito, inaantok na rin ako sa katutulala rito. Nangangalay na 'yong mga kamay ko kakahawak ng mga papeles na ayaw pirmahan ni First. Minumura niya pa ang mga papel at ang mga kumpanya na nag-ooffer ata ng ibang goods para sa Corporation niya. Kesyo ang papanget daw ng mga proposal, puro mali raw.
“Damn this! What the fuck!?”
I rolled my eyes when I heard him cussing again. Agad naman nitong binigay sa'kin ang papel at tinanggap ko naman 'yon. Mainit ang ulo ng lalaking 'to kaya 'di muna ako makikipagsabayan sa kanya.
“Itapon mo lahat ng 'yan.”
“Huh? Pero bakit?” pagtatanong ko rito. Ang daming papel naman ang itatapon ko.
“Ano’ng bakit? Bakit, huh? Bakit? Itapon mo na lang!” at tinignan niya ako habang nanlalaki ang kanyang mga mata and he even gritted his teeth.
“Oo na.” wika ko ulit at agad nang lumabas ng silid na 'to.
Nakasimangot kong tinungo ang basurahan dito at tinapon lahat ng papel na bitbit-bitbit ko kanina. Isinarado ko na 'yong buksanan ng basurahan na 'to ng may tumawag sa'kin.
“Miss?”
Napatingin ako sa tumawag sa'kin at napanganga, namilog na ata ang mga mata ko ngayon.
Totoo ba 'to?
“Ennui?”
Pinagmasdan ko ang lalaking kaharap ko ngayon. Nakasuot 'to ng pink na polo at nakabukas ang dalawang butones nito sa taas, revealing his sexy and oh–so–muscle sa dibdib nito and he is so looking fresh right now!
Ang gwapo-gwapo! Yummy! Fafa! And wait, nahahawa na ata ako kay Rafa ngayon, ah.
“Ah, yes.” and then he chuckled. “Nandyan ba si First?”
Napatango ako. “Yes! Nandoon siya!”
“Busy?”
“Oo, eh.”
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.