“'Di ba ang sabi ko sa'yo ay kailangan kita rito ng 5:00 a.m?! Ano’ng oras na, ah?! Ba't nagawa mo pa ring magpakalate?!”
'Yan ang bungad sa'kin ni PresiDemon nang makita niya agad ako. Wala siyang pake kung maraming employee ang naririto, basta mapagalitan niya lang ako.
Sa kanyang sinabi ay may naalala agad ako bigla na naging dahilan para bumaliktad ang aking sikmura sa matinding kaba.
“Bukas ay kailangan kita ng maaga. 5:00 a.m ay kailangan nasa labas ka na ng building na 'to. Pupunta tayo sa limang Hospital na pagmamay-ari ko to check the Doctors there if they are doing good to the patients. Understand?”
Naman, ba't ko nakalimutan 'yon?!
Marahil dahil sa nangyari kagabi at sa tinamaan ako ng katamaran kanina ay nakalimutan ko ang naging usapan namin kahapon ng umaga.
Ba't din kasi ang daming nangyari kahapon? Ayan, nakalimutan ko tuloy na may pupuntahan pala kaming limang hospital! Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko! Kaya pala nagwawala ang isang 'to, eh!
Isa pa, nangako pa pala ako sa kanya. Malamang i-oopen up niya ang sinabi ko sa kanya noong pagalitan na naman niya ako.
“Nangako ka pa sa'kin kahapon!”
See?
Nagbubulungan na ang mga employee rito, masama na ang tingin nila sa'kin. Napayuko na lamang ako at hinayaan na magdada nang magdada rito si First. Naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit ngayon, kasalanan ko naman talaga.
“Fucking shit, ano pang tinutunganga niyong lahat diyan?! Magsikilos na kayo! Putang-ina!”
Kahit nakayuko ako ay napapangiwi pa ako sa pagmumura ng lalaking 'yon.
“And you, ugly fucking creature!” Nag-angat ako ng ulo at nakita kong nakaduro na siya sa'kin. “Hurry up! Pupuntahan pa rin natin ang limang Hospital na pagmamay-ari ko!”
Talagang pinagdiinan niya ang salitang “pagmamay-ari ko.” Eh, 'di siya na ang mayaman?! Siya na ang may-ari ng limang Hospital dito!
Wala na akong nagawa nang maglakad na siya agad at kasing bilis ng kidlat nang makita kong nagsisibalikan sa trabaho ang mga employee kanina. Agad ko namang sinundan si First. Sa haba ng biyas niya ay nagsilakad at takbo ako rito sa ground floor. Naabutan ko naman din siya agad at sabay na kaming lumabas ng building na 'to.
Nagsitungo kami sa kanyang kotse na naasikaso na ng iba pang Guard. Pumasok na kami ro'n agad ni First at walang sabing pinaharurot niya ang kanyang kotse palayo sa Ever Shine Corporation.
Ni hindi pa ako nakakapagseatbelt. Ayaw ko pang mamatay!
Habang nagsiseatbelt ako ay hindi ko inaalis ang aking tingin sa daan. Ewan ko ba, labis akong natatakot kapag iniiwas ko ang aking mga mata sa daan. Bakit kasi ganito magdrive ang lalaking 'to? Sobrang bilis!
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na i-slow down na muna niya ang kanyang pagmamaneho ngunit ayaw bumuka ng aking bibig. Marahil siguro sa pagwawala't pagmumura niya kanina.
Ilang saglit pa'y nandito na kami sa isa niyang Hospital, malapit lamang 'to sa kanyang Ever Shine Corporation. At dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho kaya't nakarating kami agad dito.
Manila Caballero Private Hospital
Pare-pareho ang name ng kanyang Hospital maliban na lamang sa lugar na nakasulat din sa taas ng building. Nakababa na agad ako ng kotse at nakatingala sa malaking Hospital na 'to na nasa harap ko lamang. May naramdaman akong humawak sa siko ko't kinaladkad ako papasok ng Hospital.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Genç Kız EdebiyatıSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.