Chapter 38

7.3K 356 48
                                    

Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Is he serious? Sorry for the word but is he fucking serious?! “Pa-Pakiulit nga 'yong tinanong mo sa'kin kanina...” 'di makapaniwala kong sabi.

“Can you be my PresiDate for real?”

Napabitaw ako sa kanya at napahawak ako sa'king bunganga. Hindi ako makapaniwala! Isang linggo pa lang siyang nanliligaw sa akin and then... and then...

“Omyghad,” tumalikod ako sa kanya't humarap muli, naghihintay lamang siya sa sagot ko. “First... a-ano...” pumikit ako't pinakalma ko ang aking sarili. “Alam mong first time ko 'to, 'di ba?”

Tumango siya sa'kin. “First time ko din naman 'to.”

Kung gano'n, parehas kaming first time ito! Nakakagulat lang, ah! Pero hindi na ako aarte pa. Aminado ako, gusto ko siya't alam ko sa'king sarili na malapit ko na siyang mahalin. Kaunting push pa, gano'n!

Sa huli ay nginitian ko pa rin siya't niyakap nang mahigpit. “Yes, First. Pumapayag ako... I will be your PresiDate... for real.”

Naramdaman kong pumulupot ang kanyang braso sa'king baywang. “Fuck, ang saya ko ngayon! Tang-ina, ang saya-saya ko, thank you!” he whispered those words to my right ear.

'Di siya kagaya ng mga lalaking napapanood ko sa T.V at nababasa ko sa mga libro na sumisigaw kapag sinasagot na sila ng kanilang mga nililigawan.

Mahigpit niya rin akong niyakap. Pinakiramdaman ko lamang ang init ng kanyang katawan at ang pagpintig ng kanyang puso, para 'yong musika sa aking pandinig. Also, I felt comfortable and safe in his arms.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal na magkayakapang dalawa. Hindi ko naman pwedeng sirain ang moment na ito dahil baka magalit 'tong si First.

“Kakalas na ba ako sa pagkakayakap natin, ah?”

“Ikaw bahala.” I replied.

“Gusto kong ganito lang tayo hanggang sa mag-umaga na kaso 'di 'yon pupwedeng mangyari.” at kumalas na siya sa yakapan naming dal'wa. “Kailangan na kitang ipakilala sa kanila hindi bilang nililigawan ko, kung hindi bilang kasintahan ko na.”

Mas lalo akong napangiti. “Kung gano'n, tara na! Handa na akong harapin sila! Handang-handa na!” hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil 'yon.

“Parang kanina lang gusto mong magback out, ah. Pero ngayon... may lakas ka na muli ng loob.”

“Ah, ayaw mo ba niyon? Sige, magbaback-out na-” he cut me off.

“Wala nang atrasan pa 'to. Tayo na kaya naman panindigan mo ang naging sagot mo sa'kin kanina lamang.”

“Mukhang wala naman akong choice, eh.”

Bago kami maglakad pabalik sa loob ng mansion nila ay kinuha niya muna ang kanyang cellphone, magkahawak-kamay kaming naglalakad ngayon sa gitna ng gazebo. Naalala ko bigla 'yong sinabi sa'kin kanina ni Rafa.

“Hayaan mo mamaya, uulanin ka niya ng mga sweet na salita.”

Naulanan nga ako ni First ng mga salitang mas matamis pa kaysa asukal. Gusto ko na ngang langgamin kanina kaya lang pinangunahan ako ng kilig. Mukhang alam ni Rafa na may balak si First na na gawin akong The PresiDate nang tuluyan.

Feeling ko tuloy ngayon, ang haba ng hair ko at ang ganda-ganda ko!

Imagine, noong nagkita muli kami nito dahil sa press conference niya at aksidente ko siyang nahalikan ay pinaulanan niya ako ng nga murang kasing lutong ng chicharon tapos ngayon, hindi ko akalain na magkakagusto 'to sa'kin at liligawan ako. Ngayong kami na, masasabi kong malayo na ang narating ng kwento naming dalawa.

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon