Chapter 20

9.2K 364 29
                                    

Pinagmamasdan ko ngayon ang ibang pasyente na naririto sa isang malaking park ng Hospital. After naming pumunta sa office ng bawat Doctor na nagtatrabaho rito ay napagdesisyunan kong magtungo na lang dito matapos akong iwan muli ni First. 

Nakaupo ako sa isang bench na malayo sa karamihang pasyente na naririto pero hindi 'yon naging hadlang para 'di ko masilayan ang nakangiti nilang pagmumukha. May mga bata rin na napagtripan na maglaro rito matapos bisitahin ang pasyente nilang kamag-anak, na marahil ay nananalagi na rito. Mabuti na lamang at sa park na 'to ay may palaruan para sa kanila. Marahil hindi 'yon ideya ni PresiDemon, marahil ideya 'yon ng ibang Doctor at pumayag lamang si PresiDemon do'n. At least, nagpapasalamat ako sa Doctor na nagsuggest na lagyan ng palaruan ang park na 'to. 

Sa 'di kalayuan ay may isang batang lalaki na kakalabas lang ng building, nakasuot ng hospital gown at may hawak-hawak na teddy bear. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya, basta nakatingin lamang siya sa mga batang naglalaro. 

Malaya kong pinagmasdan ang itsura ng batang 'yon. Maayos ang gupit ng buhok, gwapo ang itsura ng mukha, walang sigla ang mga mata, at katamtaman lamang ang laki at ang kulay nito. 

Tumayo ako't naglakad palapit sa kanya. Nakapaskil na sa mukha ko ang aking magandang ngiti para makuha ko ang kanyang loob. 

Nang makalapit na ako sa kanya ay tumingin siya sa'kin ng sobrang lamig. Bata pa lamang 'to pero ang sungit na, what more pa kaya kung malaki na 'to, ano? 

“Hi, I'm Astrid! Gusto mo bang makipaglaro sa kanila?” pagtatanong ko habang nakangiti pa rin. 

Hindi ito umimik. Nakatingin lamang 'to sa'kin. 

“Gusto mo bang makipaglaro sa kanila?” inulit ko ang aking tanong. 

Still, wala pa rin siyang kibo. 

Napabuntong-hininga ako at napakamot na lamang sa aking ulo. Mukhang walang balak makipag-usap ang batang 'to sa'kin, mailap kumbaga. 

Agad kong hinawakan ang kanyang kamay dahilan para magulat 'to. Mas lalo akong napangiti dahil do'n, atleast may ekspresyon na siyang ipinakita sa'kin. 

“Sa akin ka na lang makipaglaro. Matanda na nga ako pero hindi ko maikakaila na mahilig ako sa bata. Don't worry, harmless ang kagandahang taglay ko.” pagpapagaan ko ng loob sa kanya para sumama siya sa'kin. Mukha kasing wala siyang balak makipaglaro sa kapwa niya bata kaya ako na lang ang makikipaglaro sa kanya. Besides, I want to ease my boredom. 

Nawala na sa mukha niya ang pagkagulat at maang lamang akong tinignan. 

Hinila ko na siya palapit doon sa swing. Nakiusap muna ako sa isang batang babae na ang kasama ko na muna ang magswing do'n. Mabuti na lamang at masunurin ang batang babae na nakausap ko kaya ang aking kasama na bata na ang sasakay sa swing. 

“Sakay ka na rito. Itutulak kita.” 

“P-Pero...” 

“Don't worry, mabait akong tao! Hindi ko lalaksan ang pag tulak sa iyo!” 

Bumakas sa mukha niya ang pagdadalawang isip na sumakay sa swing. “Baka po kasi magalit ang halimaw na lalaking 'yon, eh.” pagsasalita nito. 

“Huh?” halimaw na lalaki? May iba pa bang halimaw na lalaki bukod kay First? 

“Sino naman?” pagtatanong ko pa. 

Umiling muna 'to bago magsalita, ayaw niyang sabihin kung sino. “Basta po galit siya kanina dahil nagpasaway na naman ako. Natatakot na po ako sa kanya, mukha po talaga siyang demonyo. Kasing bagsik niya po si Satanas, Ate.” wika nito at unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon