Chapter 36

8.5K 358 59
                                    

“Hindi ako papayag, First.” sumeryoso na rin ako. “Hindi mo naman kailangan pang itanan ako. Kung kinakailangan na talaga... sige, papayag ako ro'n. But running away from the ruthless reality of life is a bad idea, you had to fight your feelings that you actually felt for me.” hinawakan ko ang kanyang kamay. “Hindi ka naman nag-iisa, nandito rin ako. Kung hindi mo kayang harapin ang mga magulang mo at 'yong grandparents mo agad, don't worry, sabay natin silang haharapin.” 

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking lakas ng loob na 'yon. 

Pinagkakatitigan niya lang ako at napasinghap ako ng bigla niya akong yakapin nang mahigpit. 

“You're right...” he whispered to my ears. “I'm going to kick Kian's ass for telling me na kailangan kitang itanan.” 

“Kian?” nagtaka naman ako bigla. Sino naman 'yon? 

“That fucking nerd.” at lumayo siyang muli sa akin. 

Napa-ohh na lang ako sa kanya. 'Yong spy na nga secretary pa niya. So that's his name, Kian. Napatawa na lamang ako sa aking nalaman. 

“Ba't ka natatawa, ah?” ang kanyang mukha ay hindi na maipinta. 

“Alam mo... minsan, uto-uto ka rin, eh, ano?”  

“Fuck, what?” 

Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya pero kung dati ay natatakot ako sa kanyang mga tingin, ngayon ay hindi na. Marahil kampante na ako sa tinging pinupukol niya sa akin. Nakakatanggap naman kasi ako lagi ng kanyang ‘killer eyes.’ 

“Nga pala, bukas na sila darating dito at kinagabihan niyon ay may party na sa mansion. Marami ring media ang nandoon bukas. I want you to change your look. Make yourself looks more beautiful, sweetie.” 

Bigla akong namula nang marinig ko muli sa kanya ang salitang “sweetie.” Hindi talaga ako sanay na gano'n na ang endermeant niya sa akin. No'ng una, ugly creature ta's ngayon ay sweetie. Samantalang 'yong tawag ko naman sa kanya ay from PresiDemon to First lang, oh, 'di ba? See the difference! 

“Magpapa-ayos na lamang ako kay Rafa bukas at isasama ko rin siya ro'n.” 

Tinignan ko ang kanyang reaksyon at laking gulat ko na lamang ng ngumiti 'to. “Kung 'yan ang gusto mo, sige. Magpaayos ka sa kanya at isama mo na rin yon.” 

Dahil sa gulat ay agad akong lumapit sa kanya. Sinalat ko kaagad ang kanyang noo, hindi naman siya sinisinat pero... 

“Ano bang problema mo?” 

“Ngumiti ka at pinayagan mo akong magpaayos kay Rafa ta's pumayag ka rin na isama ko siya bukas. Unti-unti ka ng nag-iiba.” 'Di ako makapaniwala, umiimprove na siya lalo! 

“Aasarin mo na ba ako ngayon?” unti-unti nang nagsasalubong ang kanyang kilay. 

“Hindi, ah! Ba't naman kita aasarin eh proud nga ako sa'yo.” akin siyang nginitian ng sobrang ganda. 

Umiwas siya ng tingin sa'kin at napansin kong namumula siya ngayon. 

Lihim lamang akong napangisi sa aking nakita. Karma is really cute kapag namumula ang kanyang mukha, akala mo eh isang kamatis na hinog ang kanyang itsura. 

Oh, well... 

Tomorrow night, meet the parents and the grandparents agad! 

Kung si First ay nakakaramdam ng panic dahil darating sila, isa lang ang ibig sabihin niyon... nakakatakot din ang kanyang grandparents and the parents mismo pero kataka-taka lang dahil isang anghel si Stellar. Paano siya naging anghel kung galing siya sa pamilyang nakakatakot? Gano'n din si Jillian at Heidi? Si Ennui, alam kong hindi siya totoong Caballero, eh, kaya wala 'yong problema. Pero 'yong mga babae? Kataka-taka talaga! 

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon