Pabalik-balik ako sa salamin para tignan muli ang ganda kong taglay kaya lang hindi pa ako nakakapagheels kaya I decided na itigil ko na muna ang pagtingin ng aking repleksyon sa salamin.
Nagtungo agad ako sa aking kama dahil any minutes now ay parating na si First dito para sunduin kaming dalawa ni Rafa. Sa ilalim ng aking kama ay nandoon ang heels na susuotin ko. I was about to grab the heels nang makita ko ang maliit na box na binigay sa akin ni Aling Lottie noong nakaraang linggo lamang.
Imbis na heels ang damputin ko, ang aking nadampot ng wala sa oras ay 'yong box.
Habang pinagmamasdan ko 'yon ay dahan-dahan akong naupo sa aking kama. Chine-check ko pa ang labas ng box kung may nakasulat do'n na pangalan ngunit wala akong nakita kaya in-open ko na 'yon agad.
Bumungad sa'kin ang lampin at isang litrato ng batang babae. Kinuha ko 'yon at nilabas sa box, kapwa ko chineck ang dal'wang bagay na 'yon. May nakaburda na pangalan sa lampin na “Tridylle Victoria” samantalang sa litrato naman ay may nasulat sa likod niyon na “Astrid.”
Nagtaka naman ako bigla.
Ako kasi 'yong batang babae sa picture at 'yong lampin ay ngayon ko lang nakita. Ano’ng connect ng lampin sa akin at ang nakaburdang pangalan do'n?
“Tridylle Victoria...” kusa kong nabanggit ang pangalan na 'yon habang nanatili akong nakatingin sa lampin.
Nakaramdam ako ng kakaiba nang mabanggit ko ang pangalan na Tridylle Victoria at in fairness, ang ganda sa pandinig ng pangalan na 'yon, ah!
“Kinakailangan kong makausap si Mama nito.” hindi ko alam kung bakit pa niya iniwan ang box na 'to kay Aling Lottie. Wala ring papel na naiwan sa loob ng box para malinawan agad ako.
Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan ngayon pero sa huli ay akin nang niligpit ang mga bagay na ito sa loob ng box. Hindi ko muna bibigyang pansin ang mga 'yon, may kailangan pa akong bigyang-pansin bago ang mga bagay na 'to.
“Astrid, labas na! Fafa First is here!”
“Okay! Bigyan niyo lang ako ng two minutes! May ginagawa lang ako!” sigaw ko pabalik.
Itinago ko na muli 'yong box at akin nang dinampot ang heels. Mabuti na lamang at easy to wear 'yong heels na 'to. After kong maisuot iyon ay tumayo na ako't dinampot ko sa aking side-table ang relo na itim. Nagmadali na akong lumabas ng aking kwarto pagkadampot no'n. Hindi ko na nagawa pang isarado ng maayos ang pinto ng kwarto ko, hinayaan ko na lamang 'yon.
Pagkarating ko sa sala ay parehas kami ni First na nanlalaki ang mga mata ngayon. He's so handsome. No, lagi siyang gwapo pero ngayon ay mas lalo siyang gumwapo sa ayos niya't suot.
“A-Akala ko hindi ka papasok dito dahil ang sabi mo eh panget ang apartment na 'to?” ano’ng nangyari at nandito siya sa loob ng aming apartment? Hindi na siya maarte, ah!
“Well, I changed my mind.” casual na sabi niya. “And you are-” hindi na nya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng biglang sumingit si Rafa.
“Mamaya mo na sabihin sa kanya 'yon! Ito talaga!” biglang hinampas ni Rafa si First sa kanyang braso. Nagulat naman ako ro'n pero mas lalo akong nagulat ng hindi siya tinignan ni First ng masama.
“Fuck, fucking fine.”
Nagtaka naman ako bigla. Mukha na silang close sa isa't-isa, eh.
“Ano 'yong sasabihin niya na mamaya na?” pagtatanong ko kay Rafa.
“Wala! H'wag mo nang isipin pa 'yon!” lumapit na siya sa'kin at hinila na niya ako palabas ng apartment. “Hayaan mo mamaya, uulanin ka niya ng mga sweet na salita.” at bigla siyang kinilig.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
ChickLitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.