Nagkatitigan kami ni PresiDemon matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya. After hearing those words, napatitig na lamang talaga ako sa kanya at gano'n din siya sa'kin. And then, naging awkward bigla para sa akin 'to.
Pagak akong tumawa, maiwasan ko lamang ang awkwardness na 'to. “Nga pala, ano ba ang iuutos mo sa'kin?” naipagsasalamat ko ngayon na 'di ako nauutal.
“Oh, that.” agad siyang umiwas ng tingin pagkatapos ay naglakad agad siya nang mabilis dahilan para maiwan muli ako rito. Ayan na naman siya, nang-iiwan na naman. “Rearrange my schedule, luwagan mo 'yon. Kailangan hindi full ang schedule ko bukas because I'm going to meet Priyanka again.”
Automatic akong napasimangot nang marinig ko ang pangalang “Priyanka.”
“Bakit ako ang gagawa niyon? Na saan ba ang secretary mo?”
“He's fucking busy right now at nasa France siya, pinag-spy ko muli ang lalaking 'yon. And now, dahil ikaw ang nasa tabi ko, ikaw lang ang maaaring gumawa niyon ngayon.”
“Okay.”
Hindi naman siya lumingon sa'kin kaya marahil hindi niya pansin ang pagwawalang gana ko kaagad.
Nang makarating na kami ro'n sa kanyang office ay pinahiram niya agad ako ng kanyang laptop, pinaupo at pinagamit din niya ako ng kanyang desk samantalang siya ay nagtungo sa kanyang kwarto rito upang matulog.
Sinimulan ko nang i-rearrange ang kanyang schedule. Syempre, pahirapan din 'yon para sa'kin. Kailangan ko pang i-contact 'yong mga taong may meet up sa kanya. Mabuti na lamang at halos lahat ng 'yon ay pumayag na sa susunod na araw na lamang magkakaroon ng meeting with Karma.
When I'm done, nagtungo ako sa kanyang mini kitchen. Kumuha ako ng tasa at nagtungo sa coffee bender machine. I need coffee para i-relax ko muli ang aking sarili. Nakakastress din 'yong ginawa ko kanina, ah.
Habang humihigop na ako ng kape sa tasa ay naisip kong silipin si First sa kanyang kwarto. Nilapag ko muna ang aking tasa malapit sa lababo. Nagtungo agad ako ro'n at dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pasalamat na lang ulit dahil hindi niya na i-lock ang pinto rito.
Nang mabuksan ko na 'yon ng kaunti ay nakita kong hapo ang kanyang itsura, talagang pagod siya ngayon.
Kawawa talaga siya.
Hindi pala lahat ng businessman ay nagpapakasaya na sa kanilang buhay kahit marami na itong pera. Nagpapakapagod pa sila lalo at hindi ko alam kung bakit. Takot ba silang bumagsak ang kumpanya nila o hindi pa sila kuntento sa yaman na nakuha na nila?
As for First, hindi ko mawari kung ano ang dahilan niya. Kagaya rin kaya siya ng ibang businessman o may sarili siyang goals sa buhay?
Sa yaman niya ngayon, sa kita ng kumpanya niya ngayon at ng ibang Hospital pa niya ay malamang umabot na sa billion ang pera nito. Pero hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magtrabaho nang magtrabaho pa lalo.
Sa edad niyang trenta'y singko ay kailangan na niyang maghanap ng mapapangasawa.
Kailangan na niyang magkaromance kumbaga!
Ang ideyang 'yon ang siyang nagpapa-cringe sa'kin. Paano ba kasi magmahal ang lalaking 'yon? Nakakacurious!
Napailing na lamang ako rito at pumasok na sa loob ng kwarto niya, nilakasan ko ang aircon. Tinanggal ko ang suot nitong sapatos at ang coat nito. Inayos ko rin ang kanyang blue sleeves upang kahit papa'no ay maging kumportable siya sa kanyang pagtulog. Nilagay ko naman sa upuan ang kanyang coat at ang sapatos naman niya ay sa gilid. Kumuha rin ako ng malambot na kumot sa cabinet niya, tinupi ko 'yon para 'yong kalahating parte lamang na iyon ang ipangtatakpan ko sa katawan niya mismo.
BINABASA MO ANG
The PresiDate of Mr. First Caballero
Chick-LitSTATUS: COMPLETED Isang malas na babae si Astrid Juan, dahil sa sobrang malas, pati si First Eldridge Caballero ay nahalikan niya, ang PresiDemon ng buhay niya. She's now the PresiDate, and this is the beginning of their love story.